HALOS mapatili si Jenylyn nang makita nito si Jino na halos hindi makalakad ng maayos. Maybahid din ng dugo ang suot na damit ni Jino, putok ang kaliwang kilay na may bakat pa ng pinag-agusan ng dugo sa pisngi. May black eye rin sa kanang mata. Putok din ang labi. Puro pasa ang mukha. “A-ano’ng nangyari sa iyo?” halos mautal na tanong ni Jenylyn. Umakma itong aalalayan si Jino nang tabigin naman ni Jino ang kamay nito. “You,” mariin at galit na wika ni Jino na bukod sa bugbog-sarado ay lasing din. “B-bakit?” “Get of my house!” Nahumindig si Jenylyn sa pagsigaw na iyon ni Jino. “L-lasing ka lang, Jino. Gusto mo ba ng kape? Tell me. Aalalayan na muna kita rito sa loob.” “You shan of a b***h,” nag-umpisa ng sinukin si Jino. Pumasok ito sa loob ng condo unit nito na namamaybay lang sa pa