Puno ang Isang inn na tinutuluyan ni Bernard sa gabing ito . Lahat ng kuwarto ay okupado ng halos karamihan ay mga dayo at mga pasahero na naiwan ng kanilang schedule sa saktong oras na pag-alis ng barko . Ang Isang kuwarto na ibinigay sa kaniya ay hindi sana ipinagamit ng in charge ng Stranger's Inn . Ang VIP room na iyon ay exclusive lamang sa pamilya ng may -ari ng Inn , ngunit dahil sa ginawa niyang triple ang pagbayad ng kaniyang upa for one night ay pumayag na rin ang incharge . Iba talaga ang nagagawa ng pera kahit hindi pwede ay nagiging pwede , kahit bawal ay nagiging okay basta may suhol na pera . And money is not a problem for Bernard , perks of having a billionaire business tycoon back-up . At ito ay alang -alang sa paghahanap ng kaniyang nawawalang apo . Mr. Miguel Razon p