Swylin's POV Maaga pang umalis sina Sara at Harold sa terminal ng bus dahil ngayon ang simula ng kanilang araw ng trabaho . Sumunod na rin sa kanila si Kanor , dahil may kalayuan ang susunod niyang biyahe , kaya maaga din siyang nagising upang maagang aalis .. Ang gusto sana ni Kanor ay Isama sina Sara at Harold papuntang siyudad ng Cebu , ngunit naaalala niyang may dadaanan siyang kumpare dahil sira ang minamaneho nitong delivery truck . Kailangan nitong makisabay sa kaniya . Kaya sa huli , sa bus pa rin sumakay nina Sara at Harold . Plano kong bumalik ng tulog dahil napaaga ang gising ko dahil aalis si Kanor . Wala naman akong pakialam Kay Sara dahil kaya naman niyang magluto , ang totoo nga ay siya naman talaga ang gumagawa ng mga gawaing bahay kahit noong nag-aaral pa siya . Wala