"Oo, wedding ring iyan..na ginawang pendant . Iyan ang suot-suot ni Sara ng dalhin siya dito ng Papa mo sa bahay natin noon . Siguro nakalimutan na Niya iyan , lalo pa at hindi pa rin bumabalik ang kaniyang alaala . Tinago ko iyan , hindi ko rin alam kung naaalala iyan ng Papa mo ." "Hmmn.." Kinuha ni Mica ang wedding band mula sa kuwentas at binasa ang nakasulat sa singsing: Manuel & Salve , sinuot sa Kaniyang hintuturo . " Maganda ." Sinuot din ang kuwentas . "Mukhang mamahalin Ma , isasangla ko kaya ito sa pawnshop ng makabili na ako ng cellphone ." Mungkahi ni Mica . "Saka mo na lang isangla pag bumalik na sa biyahe ang Papa mo. " -----+ Pasado alas kuwatro na ng makauwi sina Sara at Harold sa Tabulean .Sinamahan pa ni Sara si Harold na namili ng personal na gamit para gag