Sara

2060 Words
Third Person's POV "Sara ..para sa iyo ito anak .." iniabot ko Kay Sara ang aking regalo sa kaniya. Pinili ko ang petsang ito upang idaos ang kaniyang kaarawan . Ito din ang araw ng siya ay aking nasagasaan . Kung babalikan ko ang araw na iyon , at ipagpalagay ko na siya ay pitong taong gulang ng mangyari ang aksidenteng iyon , malamang na siya ay twenty years old na ngayon . Hindi ko makalimutan ang araw na iyon, Ika anim ng Abril - limang taon na ang nakalipas. "Happy birthday anak . " "Ano po ito Pa?" nakangiting tanong sa akin ni Sara . "Buksan mo ..regalo ko na rin iyon sa iyong graduation anak .. pagpasensyahan mo na ha ." Binuksan ni Sara ang regalo ko sa kaniya . "Wow ! Pa ! Cellphone ! " Tumatalon sa tuwa si Sara . Sara nga ba ang pangalan ng itinuturing Kong anak ? Tandang tanda ko pa ang pangyayari fifteen years ago . Fifteen years ago .... Nang dumaong na ang barko sa Danao port Escalante City ay saka naman nagkamalay ang bata na nasagasaan ko . Mula sa byahe namin papuntang Tabuelan port , hanggang sa makasakay kami ng barko ay mahigit dalawang oras ang lumipas bago kami dumaong sa Danao port. Sa kabutihang palad ay nagkamalay na ang bata . Inisip ko na lang na sa susunod Kong byahe ay saka ko na lang siya dadalhin pauwi ng Cebu o sa Biak na bato kung saan siya nabundol ko . Malamang na taga doon din siya . "Kamusta ang pakiramdam mo ?" agad na tanong ko sa kaniya ng siya ay umupo ng tuwid sa tabi ko . Hinawakan Niya ang kaniyang ulo ," Masakit po ang aking ulo ." Sabi ng bata habang napangiwi ng sinapo Niya ang kaniyang noo. " Nasaan po ako ? " tanong Niya sa akin . "Pasensya ka na ha , nasagasaan kasi kita kanina .. nawalan ka ng malay , tapos nagmamadali ako pauwi ..at masama ang panahon kanina sa biyahe ..kaya dinala na kita rito . Anong pangalan mo ?" Umiling ang bata na nakatitig sa akin , mukhang tuliro at blanko ang kaniyang mukha . Bigla namam akong kinakabahan ng umiling siya , hindi ba Niya kilala ang kaniyang sarili ? Inulit ko ang aking tanong baka naman ay hindi lang Niya narinig ang aking tanong , na imposible naman , dahil malinaw ang aking pagkasabi. "Anong pangalan mo ? " Muling umiling ang bata ." Hindi ko alam ..hindi ko alam .." Sabi Niya ulit . Bigla na naman akong kinakabahan . Hindi kaya nag ka amnesia ang batang ito ? Marami na akong naririnig na kapag nabundol o nabagok ang ulo ng Isang tao at hindi Niya maaalala ang kaniyang pangalan at hindi natatandaan ang pangyayari ay amnesia ang tawag dito . "Hindi mo ba natatandaan ang pangalan mo ? " Umiling na naman ang bata . Mukhang maiiyak . "Ang pangalan ko ay si Nicario Jusayan , Mang Kanor , ang palayaw ko . Iyan ang halimbawa ng pangalan ..anong sa iyo ? " inulit ko pa ang aking tanong , nagbabasakali na maaalala Niya ang kaniyang pangalan . Ngunit hindi Niya natatandaan ang kaniyang pangalan . At sa patuloy naming pag-uusap ay hindi rin niya natatandaan ang kaniyang tirahan at wala siyang naaalala sa kaniyang nakaraan . Bumuntong-hininga ako , nagsisisi ako at hindi ko siya dinala sa ospital at hinintay na magkamalay . Dinaig ako ng aking takot , dagdag pa ang masamang panahon kanina . Hay naku , pagagalitan ako ni Swylin pag-uwi ko mamaya sa bahay . "Nagugutom po ako .." Sabi ng bata, ng tingnan ko ang aking relo ay pasado alas dos na ng hapon . "O sige kakain muna tayo sa carenderia bago uuwi sa bahay . Nang bumukas na ang bakal na pintuan ng barko upang bababa ang mga sasakyan na lulan nito , ay pinaandar ko na ang sasakyan . Malapit lang naman ang aming bahay sa daungan ng barko . Pagdating sa carenderia ay malakas na kumain ang bata , obvious na nagugutom . "Wala ka ba talagang naaalala ? Pangalan mo ? Mga magulang mo ? Taga saan ka ? Hindi mo natatandaan ang nangyayari sa iyo?" Sinubukan Kong itanong muli sa kaniya ang ukol sa kaniyang pagkakilanlan . " Wala.. po.. eh ," umiling ang bata habang sumasagot na puno ang kaniyang bibig sa pagkain . "Papa , papa ..gusto ko po ng ice cream .." "Pakibigyan mo nga ng ice cream ang anak ko ." Sabi ng ama ng bata sa server ng carenderia . Nilingon ng bata ang katabi naming table na may nagsasalita na Isa ring bata at humingi ng ice cream sa kaniyang Papa . Pagkatapos siya ay tumingin sa akin ," Gusto mo rin bang kumain ng ice cream ? " tanong ko sa kaniya ng makita ko siyang parang takam na takam sa kinakaing ice cream ng bata . Tumango siya ng tanungin ko . "Bigyan mo rin siya ng ice cream .." Sabi ko sa server . " Salamat ..Papa ." Sabi ng bata na ikinagulat ko . Tinawag Niya akong papa . Parang kinuyom ang aking puso . Ano kaya ang damdamin ng mga magulang ng batang ito ? Malamang alalang alala na ito sa kaniya ngayon . Umiwas ako ng tingin , kinakain ako ng aking konsensya . Gustuhin ko mang ibalik siya sa kaniyang pinangagalingan , pero paano ? Hindi Niya maaalala ang kaniyang nakaraan . Kung ibalik ko naman siya at magtatanong ako , baka naman makulong ako for k********g ? Hay naku , ano ba itong gusot na napasukan ko . "Walang anuman , o sige ..kumain ka pa kung gusto mo pa ng Isa pang cone ng ice cream . Bilisan mo lang ng makapagpalit ka na ng damit sa bahay ." Sabi ko sa kaniya . Pinunasan ko lang ang bata pero hindi ko siya binihisan dahil wala naman siyang dalang damit maliban sa teddy bear na kaniyang bitbit . "Kanor ! Sino ba iyang batang kasama mo ? " bungad na tanong sa akin ni Swylin sa matigas na tinig . " Huwag mong sabihing may babae ka ? Hayop ka ! Anak ba iyan ng babae mo ! Walang hiya ka ! Hindi nga ako nagkamali ng hinala sa iyo ! Basta driver talaga .. sinungaling ka ! " Hinagis ako ni Swylin sa bitbit niyang tabo. "Ano ka ba ,Swylin , pwede ba Itigil mo ng bunganga mo at makinig ka muna sa akin . Papasukin mo muna kami sa bahay . Iyang bunganga mo talaga kahit kailan . Ano bang babae ang pinagsasabi mo ? Halos magkandauga na nga ako sa paghahanap-buhay para sa inyo tapos ...nagdududa ka pa ? " "Kung gayon bakit nagdala ka pa ng Isa pang palamunin ha? Sino nga ba ang batang iyan ?" Matigas na tanong ni Swylin . "Tumigil ka nga sa pagbubunganga mo at mag-usap tayo ." Umupo ako ng pa squat at kinausap ang bata . " Uhmm..magbihis ka muna ha ? Pumasok ka sa kuwarto na iyan ," tinuro ko sa kaniya ang silid ni Mica ang aking anak na babae . Ang aking bahay ay may dalawang kuwarto . Ang Isa ay para sa aming mag-asawa at ang Isa ay para sa nag-iisa naming anak na si Mica , siyam na taong gulang. " Ano ho , Pa ," Sabat ni Mica na nakaupo sa maliit na sala ng aming maliit na bahay . " Kuwarto ko iyan , anong gagawin Niya doon ?" mataray na Sabi ni Mica . "Anak ..samahan mo siya sa iyong kuwarto at pahiramin mo muna siya ng damit . Mag-uusap lang kami ng iyong Mama sandali sa kusina ." "Ayoko !" padabog na sagot ni Mica . "Bakit ha ? Sino ba ang batang palaboy na iyan ha ? " "Hindi siya palaboy .." "Eh , tingnan mo nga ang hitsura Niya . ang panget ng kaniyang damit ! Luma at bakit siya basa ? Eww! " "Mica ! " bahagyang tumaas ang boses ko . "Ayusin mo iyang pag-uugali mo ha ? Samahan mo na siya sa kuwarto at pahiramin ng damit na masusuot , marami ka namang damit . Kanina pa siya basa baka sipunin siya o kaya ay lagnatin .." Padabog na pumasok si Mica sa kuwarto . "Bakit ba alalang -alala ka sa kaniya ha ? Sino nga ba .." "Maraming salamat Papa .." Sabi ng bata ng siya ay sumunod na Kay Mica sa kuwarto . "Pa..pa, papa ! kung gayon anak mo nga siya ! " umiyak na sigaw ni Swylin sa akin kasabay ng Isang malakas na sampal ang tinanggap ko mula sa kaniya . "Aray ko !" tumigil ka nga babae ka ! " Hinila ko siya sa kusina at pinaupo sa upuan sa harap ng mesa . " Swylin, makinig ka nga sa sasabihin ko at huwag Kang O.A .". "Anong overacting ba ang sasabihin mo ha ? Ako pa ngayon ang oa ? Ikaw nga itong taksil ! Hoy , Nicario ! huwag mo nga akong pinagloloko ha ! Kung ..." "Nasagasaan ko siya .." "Anong ..?" Isinalaysay ko sa kaniya ang pangyayari mula sa umpisa at kung paanong tinawag Niya akong Papa . " Kaya , tumigil ka nga diyan sa pang-aakusa mo , nakakairita !" Lalong nagalit si Swylin . " Tanga ka ba ? Paano kung hindi na babalik ang ala-ala ng batang yan ha ? Anong gagawin mo ? Habang buhay mo na siyang palalamunin? ! Sira ka ba ? " " Hanggat hindi bumabalik ang ala-ala Niya , natural dito muna siya sa bahay .. alangan naman na isasama ko siya sa biyahe . " Driver ako ng Isang delivery truck , kung saan-saan ako umabot . Ito rin ang dahilan ng madalas na pag-aawayan namin ni Swylin. May pagkakataon na matagal ang uwi ko dahil depende sa layo ng lugar ang aming goods delivery ng kumpanya kung saan ako empleyado bilang driver . " At gagawin mo pa talaga akong yaya,?" padabog na tumayo si Swylin ." Ayoko !" "Anong gusto mong gawin ko ? Ang isasama ko siya sa biyahe ko sa araw-araw ha ?" Hindi siya kumibo . "Hindi nga Niya alam kung sino siya , at ako ang dahilan dahil nabundol ko siya . " "Eh bakit hindi mo siya dinala sa ospital o kaya sa pulis station ? " "Dinaig nga ako ng takot . Natakot ako na baka makulong ..dahil baka napuruhan ko siya . O baka may nangyaring masama sa kaniya , pagkatapos ng aksidente ." "O , ngayon ..Isang malaking problema ito ngayon ..anong gagawin mo ? Dagdag palamunin mo pa ..ni hindi mo nga alam ang pangalan ng batang iyan ! Buwiset ka talaga , hindi ka nag-iisip ng tama .!" "Itigil mo na ngang bunganga mo Swylin , imbes na tulungan mo ako sa pag-iisip ng solusyon , dumagdag ka pa! Sara ..Sara ang ipangalan mo sa kaniya . "At nag-isip ka pa ng pangalan talaga para sa kaniya ? Ano namang apelyedo niyan , aber?" "Ano pa nga ba ? Eh di Jusayan ang apelyedo ko ." Nanlisik sa galit na tumingin sa akin si Swylin habang napanganga . ------ " Maraming salamat Pa .." Natigil ako sa aking pagmumuni-muni sa nakalipas na labing limang taon ng yakapin ako ni Sara . Si Sara ay Isang mabuting bata . Maganda at mabait , nababagay sa kaniya ang pangalan na Sara pagkat para siyang prinsesa . Hindi kagaya ng tunay Kong anak na si Mica , tamad at pabaya sa pag-aaral . Hindi nakatapos sa pag-aaral , inuna pa ang lakwatsa . Hindi kagaya ni Sara na masipag , kung kaya nagtagumpay sa pag-aaral . "Walang anuman anak ..ang totoo kulang pa iyan sa kabitan mo . Isa Kang uliran at mabait na anak . Natutuwa ako at nakatapis ka ng iyong pag -aaral . Pasensya ka na ha , alam Kong pinahirapan ka ng kaparid mong si Mica at ng iyong nanay Swylin , pero nagtiis ka anak , hindi mo sila pinatulan ." " Hindi po Itay ..okay lang po . Sapat na sa akin na maramdaman Kong mahal mo ako at hindi mo ako pinabayaan . "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD