Where Are You Kliea ?

2101 Words
" Ateee!" Tumigil ako sa pagtakbo at bumalik sa kinauupuan ni Kliea . "Ate , huwag mo akong Iwan .." Sabi ni Kliea na mangiyak -ngiyak . Takot sa malakas na ulan ang aking kapatid , lalo na sa kidlat at kulog. "Kliea , sandali lang ako ..babalik naman ako , nakikita mo naman di ba ...malakas ang ulan , ito o ..ang payong ni inay , naiwan Niya ...kailangan ko itong ibigay sa kaniya ..upang hindi siya mabasa . " Ngunit alam ko na basa na ngayon si nanay Salve sa bigla ba namang pagbuhos ng malakas na ulan. "Promise ha , babalik ka agad .." Sabi ni Kliea na halatang kinakabahan . "Oo naman , hindi ba tayo nga ang magkasama na pupunta sa bahay ng lolo . Siyempre babalik ako ..at saka wala namang dagundong ng kulog at kidlat di ba ? Ulan lang iyan bagama't malakas , kaya kailangan ni inay ng payong ...babalik agad ako ." "Pangako iyan ate ha , .." Sabi pa ni Kliea . "Promise Kliea , basta ipangako mo din na hindi ka aalis sa lugar na ito . Dito ka lang sa upuan ha . Hintayin mo ako . " Inilapag ko sa kaniyang tabi ang aking knapsack , katabi ng kaniyang knapsack . Pagkatapos ay nagmamadali na akong tumakbo palabas ng terminal at sinasagupa ang malakas na ulan gamit ang naiwang payong ni nanay Salve . Nagpalinga-linga ako sa gilid ng daan dahil baka sumilong si inay , ngunit hindi ko siya nakita . Ang bilis naman niyang nawala . "Inay , !! Inay ! " Sumisigaw ako habang naglalakad sa gilid ng daan . "Nasaan ka na inay !!! " Umiiyak na sigaw ko sa kaniya . Hindi ako mapakali sapagkat may sakit siya , tapos halatang nanghihina ...paano kung mawalan siya ng malay sa daan ? Nagpatuloy ako sa paglakad pabalik sa daan kung saan kami nanggaling . Wala man lang akong masakyan na traysikel dahil sa lakas ng bagsak ng ulan at ang hangin ay lumalakas na rin . Parang may paparating na bagyo . "Inaaaayyyyy!!" Patuloy na tawag ko sa kaniya . Ngatal na ang aking mga labi dahil sa lamig , nababasa na rin ang buo Kong katawan dahil nasira ang payong sa ihip ng hangin . Hindi ko namalayan na malapit na ako sa paanan ng bundok pabalik sa aming bahay . Biglang kumulog ng malakas at kasunod ay isang kidlat na nakakatakot habang patuloy ang nangagalit na ulan na bumuhos mula sa madilim na kalangitan . Nanlaki ang aking mga mata at kinabahan ako ng maalala ko si Kliea , takot ang aking kapatid sa kidlat at kulog . Kahit na siya ay pitong taong gulang na ay nanginginig siya sa takot kapag may kulog at kidlat . Nanginginig ang buo Kong kalamnan at basang basa ako na tumatakbo pabalik sa terminal ng bus . Sa kabilang dako naman sa terminal ng bus na kinaroroonan ni Kliea ay umiiyak na siya sa kaniyang kinauupuan , habang tinakpan ang kaniyang tenga . Nagtataka siya kung bakit natagalan ang kaniyang ate sa pagbalik. Dumating na ang bus na kanilang hinhintay at malapit na itong mapuno . Gusto sana Niyang sumakay upang kahit papaano ay hindi siya masyadong lamigin sa upuan . Ngunit , natatakot siya na baka aalis ito na wala ang kaniyang ate . Wala siyang nagawa kundi ang maghintay kahit umiiyak . Maya-maya pa ay nakarinig siya ng sigawan ng mga tao . Nakita Niya na may Isang mama na nilalatago ang Isang bata at umiiyak habang humingi ng saklolo . Ngunit wla man lang Isang lumapit sa bata dahil natakot sa malaking mama na na nanakit sa bata. Maya-maya pa ang bata ay tumakbo sa direksyon na kinauupuan ni Kliea. Takot na takot si Kliea dahil nanlilisik ang mga mata ng malaking mama na nakasunod sa bata na sa wari Niya ay sa kaniya nakatingin . Dahil sa takot ay tumakbo si Kliea palabas ng terminal kahit rumaragasa ang ulan . Dinaig siya ng takot , kaya hindi alintana ang malakas na ulan . Biglang kumulog at kumidlat kaya siya natigilan sa gitna ng daan at hindi napansin ang isang malaking trak sa kaniyang likuran . Third Person's POV Napakalakas ng buhos ng ulan , ginagamit ko ang swiper ng malaking delivery truck na minamaneho ko . Madilim ang langit , nangangalit ang kidlat at kulog . Siguro may paparating na bagyo , o ito na nga ang bagyo . Maganda naman ang panahon kahapon . Pero kaninang umaga ay nagsimula ng dumilim ang langit . Pag mamalasin ka nga naman . Mabilis ko na pinatakbo ang sasakyan , kapag ganitong rumaragasa ang ulan ay walang katao -tao sa daan , lalo na sa isolated na lugar na ito . Ang Biak na bato . Isang lugar na malayo sa kabihasnan ng Cebu proper at daanan papuntang pantalan upang nakasakay ng magkaibang barko na bumibiyahe patawid ng dagat upang makarating sa Negros Occidental at Negros Oriental port . Sino nga ba naman ang maglalakad sa ganitong panahon . Nang makalampas na ako sa terminal at makaliko na sa kabilang kalye ay ," Bog! " Bigla Kong na papreno ng nakakita ako ng Isang blurry figure na nakaharang sa gitna ng daan . "Screech!" Nakabundol ako ! Nagmamadali akong bumaba ng sasakyan at agad na pumunta sa harapan . Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang Isang bata na nakahilata sa daan at walang malay . Ang lakas ng aking Kaba , takot na takot akong nagpalinga-linga sa paligid ko . Walang katao -tao . Ang bata ay nawalan ng malay , hinawakn no ang kaniyang pulso at malakas ang pagtibok nito . Buhay ang bata . Niyugyog ko ito upang magising ngunit nsnatili itong nakapikit . Takot na takot kung binuhat ang bata at dinala sa sasakyan . Nakita ko ang galos sa kaniyang noo . Maliban sa galos ng kaniyang noo , ay wala na akong nakitang sugat sa kaniya. Sa wari ko ang batang babae ay may edad na anim o pitong taong gulang . Ano ba kasi ang ginawa niya sa mga oras na ito ? Nasaan ba ang kaniyang mga magulang ? Umiling na lamang ako , bakit kaya hinayaan na naglalakad ito sa rumaragasang ulan.? Gusto Kong dalhin ang bata sa ospital pabalik ng Cebu City proper , pero paano naman ang barko ? Maiiwan ako sa schedule , kailangan Kong maka book at makakuha ng ticket para maikarga ang aking sasakyan pauwi ng Negros Occidental . Kung dadalhin ko ito sa police station , ay marami pang mga katanungan at baka , makulong pa ako! Dinaig ako ng takot , kaya pinasibad ko ng takbo ang sasakyan lulan ang bata . Thea's POV Nanginginig ang buong kalamnan ko dahil naliligo ako sa malakas na ulan . Ang payong na bitbit ko ay nilipad ng hangin , kahit ako ay parang tatangayin pa ng hangin . Ano na kaya ang nangyari Kay Inay , nasaan kaya siya . Sigurado akong naliligo din iyon sa malakas na ulan. Sana lang ay nakapagpasilong siya . Pero , saan naman kaya siya sisilong ? Ang tanging malapit na building sa terminal ay Isang lumang kainan . Pinuntahan ko na iyon kanina , wala doon si Inay ..sana lang ay okay lang ang nanay . Hindi ko lubos maisip na maysakit siya , malubha pa . Kapit lang nanay Salve . Pagdating ko sa bahay ni Lolo ay agad Kong pakiusapan na ipagamot ko kayo , baka may lunas pang natitira sa iyong kanser inay . Malapit na ako sa terminal , naririnig ko na ang bosena ng mga bus na paroon at parito para sa Iba't -ibang destinasyon. Nakaawang ang aking labi ng hindi ko nakita si Kliea sa kaniyang kinauupuan . Dalawang knapsack ang nasa upuan , Kay Kliea at ang akin . Napansin ko na wala ang kaniyang teddy bear na laruan . Baka nasa C.R. lamang ang aking kapatid . Pinuntahan ko ang loob ng pampublikong bathroom, Pero hindi ko siya nakita . Nagsimula na akong matakot , ang dating pangamba kanina ay nauwi na sa takot . Nagtatanong ako sa mga babaeng nasa loob ng bathroom , Pero umiling lamang sila . "Kliea ..?" "Kliea ..!" Tinatawag ko ang kaniyang pangalan , ngunit walang sumasagot . Umiiyak ako na nagbihis sa loob ng bathroom. Tuliro ako na bumalik sa pwesto kung saan ang kaniyang bag ay naiwan . Tinanong ko ang mga mangilan ngilan na taong natitira sa terminal . Kapag may bagyo ay kokonti lamang ang mga pasahero . " Mawalang galang na po ale , pero nakita mo ba ang Isang bata na nakaupo dito ? " "Hindi ineng . Kararating ko lang din dito .." sagot ng ale . "Excuse me ho," tanong ko sa Isang mama sa bandang kaliwa ko . "May napansin po ba kayong bata dito" tinuro ko ang katabi Kong bakanteng upuan . "Hindi , wala ..akong napansin .." Sabat ng mama . "Baka sumakay na iyon sa dalawang bus na kakaalis lang ?" Hindi , hindi maaring sumakay mag-Isa si Kliea ng hindi ako kasama ... maghihintay iyon sa akin . Lagot ako nito Kay inay . Nangako pa naman ako na hindi ko pababayaan si Kliea! " Hintayin mo na lang , baka ...babalik din iyon ..." Ngunit hindi na ako makapaghintay , nilibot ko ang terminal at pinuntahan ulit ang restaurant sa unahan ng terminal . Wala rin doon si Kliea . Nagsimula na akong humahagulgol . "Kliea ,! nasaan ka ba ? Kliea !" "Kliea! " Bakit kaya siya umalis sa kaniyang kinauupuan ? Sinabi ko naman sa kaniya na hindi umalis . Bumalik ako sa aking upuan na muling nabasa , hindi pa rin tumitila ang ulan . "O , Isang pasahero na lang ...aalis na ang bus .." Sigaw ng konduktor ng bus . Nagpalinga linga ako sa aking likuran , ngunit hindi ko pa rin makita si Kliea . Hinding-hindi ako aalis , hanggat hindi ko siya makita . Umiiyak ako na yakap ang aking sarili . Ano na lamang ang iisipin ni inay kapag malaman Niya na nawala si Kliea . Impossible naman na umuwi ito mag-isa sa bundok , takot iyon sa malakas na ulan , lalo pa sa kulog at kidlat . Umupo ako sa upuan na yakap ang aking sarili at hindi alam ang gagawin . Nanginginig ako sa ginawa , ngunit higit akong nanginginig dahil sa takot ng nawawala Kong kapatid . "Miss, kayo ba si Thea Razon ?" Tinaas ko ang aking paningin at nakita ko ang Isang unipormadong tao na mukhang kagalang-galang . Hawak ang Isang larawan na inilapit Niya sa akin . Nakita ko ang larawan ko at ni Kliea . Bigla Kong Naaalala noong tinalakay ng Aralpan teacher namin ang business world. Kabilang ang Razon empire na tinalakay ng aming guro , na nangunguna sa business world hindi lamang sa Cebu kundi sa buong bansa . Ngunit wala man lang makapag-isip at nagtanong sino man sa mga kaklasi at guro ko - kung may relasyon ba ako sa mga Razon . Oo nga naman , kahit ako ay hindi ko rin lubos maisip na may relasyon ako sa Isang napakarangyang tao na si Mr .Miguel Razon . Sino ba naman ang nag-aakala na ang isang ubod ng hirap na kagaya ko ay may relasyon sa ubod ng yaman na si Mr . Razon . Kinuha ko ang larawan na inilapit Niya sa akin . " Kliea ..." Tumulo na nmn ang luha sa aking mga mata . "Ako si Mr . Joaquin Montemayor , ang butler ni Mr . Miguel Razon . Pinapasundo na kayo ng lolo mo ..." -------+++ That was fifteen years ago . Labing limang taon na ang nakalipas , pero hindi ako nagkaroon ng katahimikan sa pag-iisip kong nasaan na ang ang aking kapatid . Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin matunton ang kaniyang kinaroroonan . Naaalala ko pa ng umagang iyon ang pagmamakaawa ni Kliea na huwag ko siyang iwanan . Nakikita ko ang takot na takot niyang mukha , pero iniwan ko pa rin siya . Hanggang ngayon ay kinakain pa rin ako ng aking konsensya . Nawala ako sa focus , ni hindi ko na nagawang sabihin Kay Lolo na ipagamot ang aking ina , ng araw na iyon na dinala ako ng butler sa mansyon ng lolo ko . Nawala na ako sa konsentrasyon , dahil ang iniisip ko ay si Kliea . "Kliea , nasaan ka ba ?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD