Sa loob ng labing limang taon na hindi pa rin bumabalik ang ala-ala ni Kliea ay namuhay siya bilang si Sara . Dahil gusto niyang mag-aral ay binigyan siya ng bagong pangalan ng kaniyang kinikilalang ama na si Mang Kanor . Ipinarehistro niya si Kliea at inaring anak at sa kaniyang pinapalabas na late registration ay nakasulat ang pangalan Niya bilang ama at si Swylin naman bilang ina .
Nagngingitngit ang kalooban nina Swylin at Mica sa bawat araw na lumipas . Ayaw nila na makasama ito sa bahay , pero wala silang magawa dahil desisyon ni Kanor ang masusunod .
" Mica , anong ginagawa mo ?" tanong ni Sara sa kaniya ng maabutan Niya si Mica na pinakialaman ang kaniyang gamit . Hinalukay Niya ang Orocan na sisidlan Niya ng kaniyang damit .
Nabigla ng humarap si Mica sa kaniya . Pero agad din naman itong nakabawi . "Anong ibig mong sabihin na ano ang ginagawa ko rito , this is my room no ? baka nakalimutan mo ?" Umismid na sabi ni Mica.
"Alam mo ang ibig Kong sabihin Mica , " Sabi ni Sara na nakatingin sa mga damit Niya na nagkalat sa sahig ." Ano ba ang hinahanap mo ? Bakit damit ko ang hinalukay mo? "
"Uhmmp..nasaan ang cellphone na bigay sa iyo ni Papa.?" Nakasimangot na sabi ni Mica .
" Ba...kit?" kinakabahan na tanong ni Sara . Alam Niya ang ugali ni Mica , simula ng mga bata pa sila ay inaagaw na nito ang mga pasalubong na mula sa kanilang ama . Pareho naman silang binibigyan , kapag may dala itong laruan na manika - ay hindi pwedeng Isa lang . Palaging dalawa ang dalang pasalubong ni Kanor , dahil tig iisa sila . Kaya lang , simula pa ng bata ay sakim na si Mica . Kapag wala na si Mang kanor ay kinukuha nito ang sa kaniya , kung ayaw niyang ibigay ay magsumbong ito Kay nanay Swylin na siya naman nitong kinakampihan .
" Patingin ako ..." sabi ni Mica na nakabukas ang palad at nakatingin Kay Sara .
" Bakit nga .."
"Ano ka ba , gusto ko lang makita ang binili Niya sa iyo ..masama ba ?"
Nagdadalawang -isip na kinuha ni Mica ang kaniyang bagong cellphone na bigay sa kaniya ni Mang Kanor . Sa buong buhay Niya ay ngayon lang siya nagkaroon ng cellphone . Natutuwa siya sapagkat nagagamit Niya ito para sa pag-apply ng trabaho . Noong nasa college pa siya ay hindi pa naman masyadong uso ang mga android phone. At kahit nauuso pa siguro , malabo naman na magkakaroon siya , dahil inuuna nito ay ang kaniyang gastos sa pag-aaral .
Atubiling iniabot ni Sara ang kaniyang phone sa nakabukas na palad ni Mica, agad naman itong hinablot ni Mica bago pa man dumapo sa kaniyang kamay . Bumuka ang kaniyang bibig ng makita ang cellphone nito . " Hala !, hanep ..,bakit latest model ng Oppo ang binigay ni Papa sa iyo , A57 ? .. samantalang ang sa akin ay luma na .." nanlilisik ang mata ni Mica na nakatingin Kay Sara . Hindi umimik si Sara , sa kaniyang isip , hindi naman Niya kasalanan na binigyan siya ng Papa Niya ng ganoong klasi ng cellphone. Ni hindi nga siya humingi .
"Palit tayo .." Dali-daling kinuha ni Sara ang kaniyang cellphone mula sa kamay ni Mica . "Pasensya ka na Mica ..pero may mga naka save kasi akong mga documents sa phone at Isa pa mahalaga itong cellphone dahil bigay ito ni Papa sa akin ..." Sabi ni Sara .
Umingos si Mica ," Anong pinagsasabi mo diyan , huwag mo nga akong niloloko ...sa sim card lang naman iyan , kapag magpalit ka pa ng phone , makita mo pa rin ang na sa save mo kapag same sim card ang gagamitin mo , arte -arte nito ..It ka pa naman .., di mo alam iyan ?!" nagdadabog na sabi ni Mica . " Nakakainis ..akin na nga iyan..!"
"Mica please .." Hinawakan Niya ang kamay ni Mica upang hindi maabot ang kaniyang cellphone na nasa kaniyang bulsa . Nagalit si Mica Kaya hinila nito ang kaniyang mahabang buhok . " Bakit ba ang damot mo ha ?! Baka nakalimutan mo na pinapalamon ka lang namin dito . Kung hindi dahil sa amin ay sa lansangan ka na ngayon pinupulot , ang arte -arte nito . Sampid ka lang dito hoy !"
"Aray , Mica ..bitiwan mo ako ..nasasaktan ako . "
"Ano bang kaguluhan ito ?" Pumasok si Swylin sa loob ng kuwarto. Binitiwan ni Mica ang paghablot sa buhok ni Sara . "Ito kasing si Sara Ma , ayaw niyang makipagpalit ng cellphone sa akin , akala mo kung sinong magaling na binilhan ni Papa ng mamahalin at latest model na phone .." Nagdadabog na sabi ni Mica .
"Anong phone ang pinagsasabi mo .." nagsalubong ang kilay na tanong ni Swylin Kay Mica .
"Hindi mo ba alam na binigyan siya ng bagong cellphone ni Papa noong Isang araw ng mag birthday siya ?"
"Ano ? Totoo ba Iyan Sara ? " Tahimik na tumango si Sara .
"Walang hiyang taong iyon, ni hindi nga ako binilhan ng cellphone ...tapos ikaw binigyan ? Patingin nga ..." Sabi nito Kay Sara .
" Iyon na nga Mama eh ..nakakainis naman si Papa , mas mahal pa yata Niya si Sara Kay sa akin ..Mama , kunin mo ang cellphone ni Sara ..gusto ko palit kami , ayaw niyang pumayag . " Nagdadabog at nakasimangot ang mukha ni Mica na kinulit ang kaniyang ina .
"Sara , bingi ka ba ...patingin nga ng cellphone mo .."
" May mga files na po kasi ako na naka save sa phone at wala sa sim card . Mahalaga po ito para sa preparasyon sa inaaplayan Kong trabaho ..iyon po , kaya ayaw Kong makipagpalit Kay Mica . " Sabi ni Sara .
"Ang sabihin mo talagang madamot ka ! Ayaw mo lang makipagpalit dahil bago iyan ,..! Mama ..narinig mo ba ayaw niyang ibigay ang bagong cellphone sa akin ..sige na Ma kunin mo po .." pangungulit ni Mica .
" Nasaan na ang cellphone mo Sara ..! Walang hiyang Nicario , kaya pala kulang-kulang ang sweldo na iniabot sa akin ..dito pala Inubos ang kaniyang sweldo sa iyo .." naka pa meywang na tinuro nito si Sara . " Humanda siya sa akin pagbalik Niya rito ..akala mo kung sinong mayaman ..magkano ba ang halaga ng cellphone na Iyan ha ? Mahal ba iyan ? " tanong niya Kay Mica .
"Malamang ! latest nga hindi ba ? Ambisyosa kasi itong si Sara , malamang humingi iyan Kay Papa ..itong si Papa naman madaling nauto ..kaya ayon binilhan siya , baka inutang pa iyan sa home credit para lang mabigyan ang hilaw niyang anak .!" Hindi tumigil si Mica sa pagtatalak , hanggat hindi makukuha ang gusto Niya .
" Hindi totoo iyan , alam ninyo na kuntento ako kung ano mang meron ako , hindi ako nag---"
"Natural lang na makuntento ka , " putol ni Swylin sa kaniyang pagsasalita . "Baka nakalimutan mo na mula ng dumating ka sa buhay namin ay pinapalamon ka na namin . Baka nakalimutan mo na wala Kang pwedeng ipagmamalaki hoy ! Wala ka namang silbi . Kailan ba babalik ang ala-ala mo ha ? Nang makaalis ka na dito sa amin ! Dahil simula ng dumating ka rito ay nagkaletse-letse na ang pamilya namin ! Palagi kaming mag-aaway ni Kanor ng dahil sa iyo !"
"At parati akong napapagalitan ng dahil sa iyong buwiset ka !"
Umiiyak si Sara habang nakikinig sa mga panlalait ng dalawa . Hindi naman kasi totoong wala siyang silbi . Ang totoo ay simula noong bata pa siya ay siya na ang gumagawa sa mga gawaing bahay . Naglalaba , namamalantsa , naglilinis ng bahay . At ng nasa Ika anim na batang na siya , ay siya ang ang nagluluto ng pagkain sa kanilang bahay .
Ang totoo , kung ipamukha man nilang sampid siya - ay hindi siya dapat mahiya dahil para siyang katulong sa kanilang bahay . Sabi ni Mang Kanor sa kaniya ay bunso siyang kapatid ni Mica , Sabi ni Mang Kanor sa kaniya ay anak siya nito at ni Aling Swylin . Pero bakit kaya , sa tuwing inaaaway siya ng dalawa ay palagi nitong sinasabi na sampid siya ? Hindi naging malinaw sa kaniya ang kaniyang nakaraan , dahil sabi nila ay nawala ang kaniyang Ala-ala , bagama't parati namang sinasabi ni Mang kanor na huwag na niyang pansinin sina Swylin at Mica . At dahil mahal siya ng kaniyang Papa Kanor , ay hindi na Niya pinansin pa ang dalawa . Pero inaamin Niya na may pagkakataon na gusto na niyang umalis sa kanila . Maliban sa siya na ang gumawa sa mga gawing bahay ay hindi rin naman masasabi na pabigat siya , sapagkat wala naman siyang gastos sa kaniyang pag-aaral , dahil iskolar siya sa Cebu Technological University ng Tabuelan . Iyon nga lang kailangan niyang magtrabaho ng Isang taon sa paaralan as part of the scholarship programs bago pa man siya lubusang makaalis at maghanap ng trabaho sa labas .
Ang pamilya ni Mang Kanor ay palipat -,lipat ng tirahan . Mula sa Danao Port na parte ng Negros Occidental ay lumipat sila sa Surigao Del Sur dahil sa uri ng kaniyang hanap buhay . Hanggang sa sila ay nakarating sa Tabuelan limang taon na ang nakalipas . Sa tabuelan na sila naglalagi , dahil nakapundar ng sariling lupa si Mang Kanor na siyang pinagtayuan Niya ng bahay para sa kaniyang munting pamilya .
"Bakit ba kayo nagagalit sa akin ? At ang init ng dugo ninyo sa akin Ma ? Bakit palagi mong isinusumbat sa akin na palamunin ako ? Bakit palagi ninyong sinabi sa akin na sampid ako ?" Nagpabaling baling ang tingin ni Sara kina Swylin at Mica . Umirap lamang si Mica ," Obvious ba ?"..Sabi nito sa mahinang tinig .
" Hindi po ako naging pabigat sa Inyo , tumutulong naman ako sa gawaing bahay , kahit na medyo nahihirapan akong pagsabayin ang aking pag-aaral noon at pagtatrabaho sa paaralan ay hindi po ako nag---"
"Aba! aba! bastos ka pala eh , sumasagot ka na na ngayon ha ?! Hoy itong tandaan mo , kung hindi dahil sa aking paggabay noong maliit ka hindi ka lalaki ngayon ! Palibhasa ay walang utang na loob ...akin na ang cellphone mo !"
Labag man sa kalooban ni Sara ay binigay Niya ang kaniyang cellphone Kay Swylin. "Tsk ,tsk ...ang ganda at mukhang mamahalin nga ito , saan kaya kumuha ng pera ang kumag na iyon .? Humanda siya pagdating Niya rito !"
Dahil nag-aalala si Sara na mag-away na naman ang mag-asawa ay sinabi Niya na ibigay na lamang Kay Mica ang cellphone . Ayaw niyang magkagulo dahil sa kaniya . Tahimik siyang lumabas ng kuwarto at umalis ng bahay .
"Nandito ka lang pala Sara , kanina pa kita hinahanap .." lumingon si Sara sa kaniyang likuran.
"Harold .." Ngumiti si Sara .
"Kanina ka pa ba rito ? " Umupo si Harold sa kaniyang tabi , sa malaking bato ng tabuelan beach , kung saan paborito niyang puntahan Kong saan siya nalulungkot .
"Mga kalahating oras siguro .." sagot ni Sara .
"Inaaway ka na naman ba ?" tanong ni Harold sa kaniya . Si Harold ay kaniyang malapit na kaibigan simula ng sila ay lumipat at namalagi sa lugar ng Tabuelan , Isang municipality na sakop ng Cebu City . Siya ang tumulong Kay Sara upang makapasok sa program ng libreng pag-aaral sa Cebu Technological University kung saan nagtatapos ng kursong BSIT si Sara . Bagama't non board ay bachelor naman at kailangan lamang Niya kumuha ng civil service upang maging license professional.
" Hanggang kailan ka ba magtitiis Sara , sumama ka na sa akin sa Cebu City at mag apply tayong trabaho doon . "
Sabay na gumradwet ang dalawa . Ang mga magulang ni Harold ay parehong professor ng University kung kaya kahit hindi mayaman ay hindi rin namma mahirap si Harold . Siya na ang kakampi ni Sara sa tuwing siya ay inaapi , dalawa sila ni Mang Kanor ang kinikilala niyang Ama .
"Okay ka lang ba ? " dagdag na tanong ni Harold sa kaniya .
"Okay lang ako , huwag Kang mag-alala , Harold ...naniniwala pa rin ako na patas ang Diyos sa lahat ng bagay ..."
"Kung gayon , bakit ka umiiyak Sara ." tanong ni Harold habang hinawakan Niya ang kaniyang kamay .