Napanganga ako ng humarap na sa kin si Inay , hindi agad ako nakapagsalita . Ano bang sinasabi Niya na mamamatay siya ? So, may dahilan pala ang kaniyang pangangayat? Hindi ! Natauhan lang ako ng niyugyog Niya ang aking balikat . "May Kanser ako sa dugo Thea . Hindi na magtatagal ang buhay ko . Patawarin mo ako anak , iniisip ko lang ang kapakanan ninyong dalawa ng kapatid mo ."
"I'm sorry anak , inililihim ko sa iyo at sa iyong kapatid ang aking sakit ..ayaw ko lang mag-alala ka dahil ...ayaw Kong maistorbo ang pag-aaral mo ..at si Kliea ay bata pa para makaunawa ng higit sa unawa na meron ka , ang akala mo ba ay gusto Kong mapalayo sa Inyo ? Akala mo ba ay kagustuhan ko ang lahat na ito anak ? Hindi ..hindi ko magagawa na ipamigay kayo ...at lalong hindi ko gusto na Iwan kayo ...oero galing ako sa doktor noong Isang araw ..kaya alam ko na kailangan ko ng magpasiya..at wala akong ibang kamag-anak na pwede Kong pakiusapan na bantayan kayo ...patawarin mo ako anak ." Humahagulgol na sabi ng Nanay Salve .
"Inay ...bakit po kayo umiiyak ?" Lumingon ako sa aking likuran at nakita ko si Kliea na nakatayo sa pintuan ng balkonahe. She was rubbing her eyes , halata na nagising dahil siguro sa lakas ng iyak ni Inay at sa sigaw ko . " Kliea, anak ..." Sambit ni nanay, pagkatapos ay nagsumamo ang kaniyang mga mata na tinitigan ako . Nakiusap na hindi ko sasabihin Kay kliea ang kanyang sakit . Binitiwan ako ni Inay at nilapitan si Kliea ." Bakit po kayo umiiyak ni ate , inay ? " Tanong ni Kliea na umiiyak na rin habang hinila siya ni nanay Salve sa mahabang upuang kahoy at umupo katabi ni Kliea . Sumenyas siya sa akin at inaanyayahan ako na umupo sa kaniyang kanan. Dahan-dahan akong lumapit at umupo kasama nilang dalawa .
" Kliea ," hinawakan ni nanay ang mukha ni Kliea , bahagya siyang nakatalikod sa akin . " Kliea anak ..." Pagpapatuloy ni inay . " Nag-uusap kami ni ate mo anak na magbakasyon muna kayo doon sa lolo mo sa siyudad . Tutal , katatapos lang ng klasi ninyo para makilala naman ninyo siya . "
"Magbakasyon ? Saan po ang Lolo nakatira ? Sino pong lolo , Inay ?" Tanong ni Kliea sa inosenteng boses ."Si ate lang ba at ako ?" Tumango si inay ." Paano po kayo ? Bakit si ate lang at ako , inay ? " Dagdag pa niyang tanong .
" Si lolo Miguel Razon anak ang kaniyang pangalan , tiyak na matutuwa ka doon , dahil mayaman sila anak . Siya ang ama ng tatay Manuel ninyo , nakatira siya sa sentro ng Cebu City . Hindi na ako sasama anak , kayo na lang ni ate mo Thea dahil may aasikasuhin muna ako dito sa bukid ..."
" Ayoko inay , " Sabi ni Kliea na yumakap Kay nanay Salve . "Gusto ko kasama din kayo..." Patuloy na Sabi ni Kliea .
"Anak ," hinalikan ni Inay ang noo ni Kliea at hinaplos ang kaniyang buhok ." Anak , huwag Kang mag-alala , kasama mo naman ang at Thea mo at Isa pa ...susunod namn ako doon ..." Kinagat ko ang aking labi upang mapigilan ang pag -iyak . Alam ko na hindi na siya susunod . Oo, susunod siya , pero hindi sa amin ..kundi Kay itay . Tumingala ako sa langit . Bakit po , Panginoon ..bakit po ang inay pa . Paano na kami , kinuha mo na nga ang tatay , kukunin mo rin si inay...bakit po ? Pareho pong mabait ang aking mga magulang , pareho po silang responsable ...ang tanging pagkakamali lang nila ay ang umibig sila sa isa't Isa , dahilan ng pagtakwil ni Lolo Kay Itay.
"Nakita ba ninyo ang malaking bituin na iyan mga anak? ..." sinundan namin ang tingin ang dAliri ni inay na nakaturo sa kalangitan." Iyong malaking liwanag na nasa gilid ng buwan at nag -iisa ? " Opo ,.." sagot naman ni Kliea . "Alalahanin ninyo ang Inyong itay sa tuwing makikita ninyo Iyan ha , kapag nalulungkot kayo ...ang liwanag ng bituin na iyan ay isipin ninyo na habang may buhay may pag-asa . Huwag kayong susuko sa hamon ng buhay . " Bumaling ang tingin ni inay sa akin . " Anak .." nakangiti na hinawakan Niya ang aking kamay . " Ikaw na ang bahala sa bunso mong kapatid ha ? . " Garalgal ang kaniyang boses . Pigil na pigil niya ang mga luha , , ayaw niyang mag -alala pa ang musmos na pag-iisip ni Kliea . "
Alam ko na naunawaan mo ang lahat , huwag mo siyang pabayaan anak ha ? Mangako ka ..."
"Inay , ..." Tawag ni Kliea sa mahinang boses at humihikab . " Matulog na po tayo , inaantok na akong muli ..." Sabi nito na pilit nilabanan ang antok. Tumango si inay Kay Kliea , at muling bumaling sa akin . "Thea anak , ipangako mong hindi mo pababayaan ang iyong kapatid . " Tumango ako at agad na umiwas ako ng tingin sa aking nanay . Pagkatapos na ipinagtapat Niya na siya ay may kanser ay naintindihan ko na kung bakit siya palaging nasusuka , at minsan nakikita ko siya na dumudugo ang kaniyang ilong at nahihilo siya . Akala ko pa naman ay dala lamang ng pagod sa maghapong paglalako ng mga gulay . Minsan kasi ay hindi na siya pumipirme sa palengke at naghihintay na lang na bilhin ang kaniyang panindang gulay . Inilalako Niya ito sa bahay-bahay para mas mabilis maubos .
Kapag wala siyang gulay na paninda ay pumupunta naman siya sa bukid upang alagaan ang aming mga tanim na gulay at mga punong-kahoy na namumunga , sa katas ng pinahirapan nila ni itay noon na tamnan ang lupa na noon ay tigang , ay doon kami kumukuha ng aming ikinabubuhay . " Thea anak ," pukaw ni inay sa aking diwa . "Magsalita ka anak... mangako ka ...."
"Sige na ate ..." Humikab muli si Kliea . "Mangako ka na , sandali lang naman eh ...susunod din naman si inay sa atin ..di ba inay ?" Sabi ng walang kamuwang -muwang ng bunso Kong kapatid . Tumango si inay Kay Kliea , tinitigan ko ang aking inay na sa wari ko ay nagmumukhang pagod na pagod na ang kaniyang mukha na unti -unting numinipis sa kaniyang bawat paghinga ." Opo ..inay , nangangako po ako na aalagaan ko si Kliea at hindi ko siya pababayaan . " Sabi ko sabay yakap sa kaniya , hindi ko na napigilan ang umiyak muli .
" O siya , sige pumasok na tayo sa loob ..matulog na kayo dahil maaga pa tayong aalis bukas ..Inihanda ko na ang inyong mga damit . " Halos mabingi ako sa sinabi Niya , hindi ko naman akalain na bukas na bukas din ang alis namin . Kaya pala kahapon pa lang sa graduation ay inaasikaso na Niya ang lahat ng school records namin . Nakaplano na ang lahat . Yuko ang aking ulo na sumunod sa kanila papasok sa loob ng bahay .
Kinaumagahan ...
"Thea , anak ... gumising ka na .."
"Thea ...anak ..."
"Hmmn.." dahan-dahan Kong idinilat ang aking mata nakita ko si inay na nakabihis na . " Bumangon ka na diyan anak ..maaga tayong aalis dahil mukhang uulan ..para hindi tayo maabutan ng ulan sa daan pababa ng bundok . " Sabi ni inay na umupo sa gilid ko . Kagabi ay sa sahig kaming tatlo natulog hindi sa papag. Gusto ni nanay na magkatabi kaming tatlo sa pagtulog , sa huling pagkakataon . Pagkatapos naming mag-usap kagabi ay hindi kaagad ako nakatulog . Kaya ako natagalan sa paggising . Paano nga ba naman ako makatulog ? Iiwan namin siya na nag-iisa at may sakit , dapat ay kasama namin siya sa huling sandali ng kaniyang buhay . Nang makatulog na si Kliea kagabi ay kinausap ko siyang muli at sinabi sa kaniya na saka na lang kami aalis pag wala na siya . Ngunit hindi siya pumayag .
"Nasaan po si Kliea ? Tanong ko sa kaniya .
"Nandoon na sa kusina , kumakain ng almusal . Sige na anak ...bilisan mo na..para makaalis na tayo baka kasi..." Hinawakan ko ang kaniyang kamay . " Inay , hindi na ba magbabago ang isip mo ? Saka na lang kami aalis kapag ..kapag .." hindi ko halos masambit ang salita na kapag patay na siya , o mawawala na siya . Tumulo na naman ang aking luha . Pinahid ni inay ang aking mga luha .
"Thea , anak ..tahan na ...di ba nag-uusap na tayo , akala ko ba ay naiintindihan mo ako anak .." Sabi ni inay na mugto ang mga mata . Obviously, hindi rin ito nakatulog kagabi kagaya ko rin na balisa . Kahit hindi siya umiyak sa harapan ko , batid ko na nauubos na siguro ang kaniyang mga luha , dahil mugto masyado ang kaniyang mga mata .
"Ang hirap po inay ," Sabi ko sa kaniya na impit ang aking pag-iyak . Bumangon ako ngunit hindi ako tumayo , umupo ako kagaya ng pag-upo ni inay sa sahig . " Ang sakit -sakit po ..hindi ko po matanggap na Iwan ka dito ...nag-iisa , hindi ba dapat kailangan mo ako , para tulungan ka kung ..kung sakali man na ..."
"Shhhhh..." Nilagay ni inay ang kaniyang daliri sa aking labi upang manahimik ako . " Pasensya ka na at sa murang edad mo ..ay binigay ko sa iyo ang responsibilidad na alagaan ang iyong kapatid . Alam Kong hindi mo pa kaya anak . Hindi . Kaya nga Kailangan mong tumira doon sa lolo mo kasama ang iyong kapatid. Gaya ng sabi ko , nakausap ko na ang butler ng lolo mo . Ipinaalam ko na ang tungkol sa Inyo . Sinabi ko rin ang tungkol sa nangyari sa iyong Itay at sa kalagayan ko . Maliban pa doon ay may sulat akong iniwan para sa lolo mo . "
"Inay ..hindi naman ako nagrereklamo sa responsibilidad bilang ate ni Kliea , kaya ko siyang alagaan ..Pero ang sakit inay , ang sakit -sakit po na isipin na ...maaga mo kaming iiwan dahil sa iyong sakit . Wala na nga si Itay, mawawala pa po kayo ..unfair po inay . Masyadong unfair ...hindi po ba tayo mahal ng Diyos ? " Bahagyang nanlaki ang mugtong mga mata ni nanay . Nakaawang ang bibig na nakatingin sa akin . Maya -maya pa
ay hinaplos Niya ang aking likod . " Thea anak , huwag Kang mag -isip ng ganiyan anak . Huwag please ..mahal ka ng Diyos anak , mahal Niya tayo .."
"Hindi po totoo iyon inay ," Sabi ko sa kaniya na may tampo at humihikbi " Kung totoong mahal Niya tayo , bakit Niya hinayaan na
mangyari sa atin ang mga kalungkutan na ito ? Mabait ka naman , mabait din si Itay ..wala rin kayong mga bisyo . Walang kaaway , pero bakit Niya hinayaan na nagkasakit ka , bakit Niya hinayaan na matamaan ng kidlat si Itay ? Marami namang ibang tao riyan na masasama ...bakit hindi na lang sila ang bigyan ng sakit na kanser ..bakit ikaw pa inay ? Bakit??" Kinabig ako ni inay palapit sa kaniyang dibdib at niyakap . " Anak ko , huwag Kang mag-isip ng ganyan . Hindi natin pwedeng sumbatan ang Diyos sa mga pangyayari sa ating buhay . May dahilan ang lahat anak ..maniwala ka sa akin , darating din ang panahon na maunawaan mo ang lahat - kapag nahanap mo na ang kasagutan ay maintindihan mo rin kung bakit nangyayari ang mga bagay na ito sa ating buhay . Isa pa , lahat naman tayo ay mamamatay anak ...nagkataon lang na mas maagang namatay ang tatay mo , at .. kung maaga man akong pagpapahingahin ng Diyos ...may dahilan siya anak , na hindi pa natin masasagot kung bakit . Ang hiling ko lang ay magpakatapang ka , para sa kapatid mo ..pakipunan mo please ang aming pagkukulang para sa kaniya. At maraming salamat ..dahil mabait ka at responsable. Magpakatapang ka anak ..." Tumango ako na lalong naguguluhan kung ano ang ibig niyang sabihin na dahilan ..ang kami ay saktan at paluhain? What kind of reason is that ..
Binabagtas na namin ang daan pababa ng bundok . Malamig ang simoy ng hangin , kataka-taka para sa buwan ng Abril na dapat sana ay summer. Kunsabagay , dahil sa climate change ay nag-iiba na ang panahon , hindi na ito tumutugma ayon sa Kaniyang panahon . Hindi na ito kumikilala ng rainy at sunny season bunsod nga ng climate change. Naaalala ko pa ang Sabi ng aming guro sa science : Climate change refers to long -term shifts in temperatures and weather patterns .These shifts may be natural , but since the 1800s, human activities have been the main driver of climate change , primarily due to the burning of fossil fuel (like coal , oil and gas ) , which produces heat -trapping gases. Malinaw na explanation ang sinabi ng aming teacher science pagkatapos niyang magbigay ng definition ukol sa climate change. Ang tao ang dahilan kung bakit nasisira din ang kalikasan , dahil naging irresponsible ang mga tao . Walang pakialam sa kahinatnan ng mundo , sana ang mga taong iyon na lang ang tinamaan ng kanser at hindi si nanay . At sana ang mga gahaman sa sariling pakinabang na lamang ang natamaan ng kidlat at hindi si Itay.
"Inay , susunod ka ba bukas sa amin ni ate ?" Tanong ni Kliea na nakahawak sa kamay ni inay habang patuloy kami sa paglalakad .
"Hindi pa anak bukas , pero susunod ako .."
"Pinky promise inay ...?"
"Hmmn.."
"Bakit inay ? Nagsisinungaling ka ba ?" Sabi ni Kliea na tumigil sa paglakad .
"Anak , hindi ako sinungaling ..at huwag Kang mag-alala ...kasama mo naman ang ate mo , aalagaan ka Niya at malaki ang bahay ninyo doon, maraming masasarap na pagkain ..maraming chocolate at ice cream at maraming laruan doon .."
"Maraming barbie doll..? Tanong ni Kliea na kumislap ang mga mata .
"Oo naman anak at tiyak ko rin na bibilhan ka ng maraming magagandang damit . Maging masaya ka , kayong dalawa ni ate Thea mo . " Sabi ni inay na nagpatuloy sa paghawak sa kamay ni Kliea habang patuloy na lunakd muli . Sa likod Ni inay ay Isang knapsack na gusgusin at luma . Sa loob ng knapsack ay mga konti at lumang damit ni Kliea . Ang Isa pang luma at butas butas na knapsack ay bitbit ko , mayroon ding konti at lumang damit ko ..kasama na ang school records namin ni Kliea . Dala ko rin ang picture frame nang aming pamilya noong si Itay ay nabubuhay pa . Pagkaraan ng kalahating oras ay nakababa na kami ng bundok at nakarating sa bayan . Sumakay kami ng traysikel patungong terminal . Sa pagkakataong ito ay dumilim ang langit , ilang segundo pa ay uulan na .
Binigyan kami ng instructions ni inay . Ayaw na niyang sumama sa amin sapagkat kulang ang aming pamasahe. Nagastos daw Niya sa pagpapa check up at gamot na niresita ng doktor . Bagama't wala ng lunas ang kaniyang sakit ay may mga reseta pa din namang ibinigay sa kaniya ang doktor. Paliwanag Niya sa amin kung bakit ayaw na niyang sumama pa . " Naintindihan mo ba ang instructions ko anak ?" Tanong Niya sa akin . " Opo inay .." Niyakap Niya kami isat-isa at hinalikan . Isang huling mahigpit na yakap at huling matamis na halik ang ibinigay Niya sa amin . " O siya , sige mga anak mag -iingat kayo ha , hanggang sa muli nating pagkikita .." matapang na sabi ni inay na nakangiti bagama't obvious na obvious na hindi nakarating sa mugto niyang mga mata ang kaniyang ngiti na ipinapakita .
Binigyan Niya ng lollipop at maliit na teddy bear si Kliea . Pagkatapos ay kinuha nito mula sa kaniyang bulsa ang dalawang kuwentas .Ang bawat kuwentas ay may pendant na singsing . Ang isang kuwentas ay pinasuot Niya Kay Kliea , ang Isa naman ay isinuot rin Niya sa aking leeg . " Ayan , ang pendant sa inyong mga kuwentas ay wedding band namin ng Itay Manuel ninyo . Tingnan ninyo ang pangalan na nakaukit sa singsing . "
Hindi ko ginalaw ang singsing ..sapagkat may plano akong iniisip pagdating namin sa bahay ng ama ni itay na si Mr . Miguel Razon . Makikiusap ako sa kaniya na ipagamot ang aking ina . Oo iyan ang plano ko , kahit gagawin pa Niya akong alila ..ay okay lang sa akin basta ipagamot Niya si inay . " Paalam nanay .." sigaw ni Kliea , saka lang ako nalimpungatan sa malalim Kong pag-iisip . Umalis na si inay , likod na lamang Niya ang nakikita ko , ni hindi na siya lumingon pa . Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa hindi ko na siya nakita pa . Parang tinutusok ng karayom ang aking puso. Binalingan ko si Kliea na hinawakan ang singsing . Yumuko ako at binasa ko din ang nakasulat sa singsing : Salve & Manuel , nasa loob ng infinity design ang nakaukit na pangalan . Binasa ko rin ang pangalan na nakaukit sa loob ng infinity design sa singsing na nasa kuwentas ni Kliea : Manuel &Salve . Ang wedding ring nila ay maganda at halatang mamahalin .Ito kaya ang huling pera na itay bago siya pinalayas ng lolo ?
Maya-maya pa ay biglang pumatak ang ulan . Nakikisimpatiya sa luha na nag-uunahan sa pag-agos sa aking mata . " Ate bakit ka ba umiiyak ? Susunod rin naman si inay . " Wala ito Kliea , huwag mo akong alalahanin . " Nakita ko sa katabing upuan ang payong ni inay . Naiwan Niya ! At malakas ang buhos ng ulan . Dali -dali Kong kinuha ang payong at tumakbo upang sundan si inay . "Ateee...!"