The Revelation

2102 Words
"Ate.., saan ka ba pupunta? " "Sandali lang ..dito ka muna ..huwag Kang lalayo ..huwag Kang aalis dito ha .." "Bakit ba ate ?, umalis na si nanay ah .." "Basta , huwag kang umalis dito ka lang .." "Sama na ako sa iyo, ate ..natatakot ako , baka kasi ..kumidlat at kumulog ..bakit mo pa susundan si nanay ? umalis na siya hindi ba ?" "Basta..babalik ako ...hindi naman kita iiwan eh ...sandali lang ang ate .." "Pramis ha ..babalik ka ...ate ..ate ..ateeee!..." "Kliea !" Thea's POV Bigla akong napabalikwas ng bangon mula sa kama na aking hinihigaan . Ang lamig ng air condition sa aking malawak na silid-tulugan ay hindi sapat upang mapigilan ang mga pawis na namumuo sa aking noo. Pinahid ko ang aking pawis . Then , I turned on the lampshade on the bedside table and jump off the bed . Kinuha ko ang aking robe na nakasabit sa wooden rack at sinuot . I sighed in exasperation as I walked into the refrigerator that was located at the far side of my room. I open the refrigerator and then close it again . "Damn !" Sapo ang aking ulo , umupo ako sa silya na katerno ng small dining table malapit sa ref. Every night , for the past fifteen years , palagi Kong napanaginipan si Kliea . Hindi matatapos ang gabi ng hindi Niya ako dinadalaw sa 'king panaginip. Kung hindi siya umiiyak , nag-uusap kami sa panaginip ko : kagaya ngayong gabi . Pero ng mapatuon ang paningin ko sa orasan na nakasabit sa dingding ..mag-a-ala una na pala ng madaling araw . Bumuntong-hininga uli ako , kamusta na kaya ngayon si Kliea ? Ang nawawala Kong kapatid . Nanumbalik sa aking ala-ala ang nangyari fifteen years ago .... ----- "Inay ," Tinawag ko si nanay na nakaupo sa balkonahe ng aming simple at payak na bahay . Nakita ko siyang nakatingin sa malawak na kalangitan . Maraming bituin ang pumapaligid sa maliwanag na buwan . Lumingon si Inay sa akin , habang ako ay lumalapit sa kaniya. "Gising ka pa pala , Thea anak .." Sabi ni Inay . Sinuklay Niya ang aking mahabang buhok gamit ang kaniyang kamay ng ako ay maupo na sa kaniyang tabi . "Hindi po , nakatulog na ako inay , kaya lang nagising ako dahil nanaginip po ako eh ...at ng kinapa kita wala ka sa aming tabi ni Kliea kaya bumangon ako ." Paliwanag ko Kay nanay . "Ganon ba .." Sagot ni Inay na patuloy na sinusuklay ang aking buhok . Hinawakan ko ang kaniyang kamay dahil nararamdaman ko na nanginginig ang kaniyang mga kamay na dumadapo sa aking ulo . " Nilalamig po ba kayo ?" Nanlaki ang aking mata ng matitigan ko ang kaniyang kamay. " Inay , bakit po kayo nangangayat ?" Tumingala ako at tinitigan Kong mabuti ang kaniyang mukha . Kitang-kita ko ang hapis niyang mukha , ang liwanag ng buwan at ang liwanag ng ilaw na mula sa maliit na bombilya sa aming balkonahe ang magpapatunay nito . Hindi ko maiwasan ang magtaka , siguro hindi ko lang napapansin ang pangangayat ni inay dahil sa naging busy ako sa pag-aaral at sa pagtulong sa kaniya sa paninda ng gulay sa palengke . Maliban pa sa pag-aalaga ko sa bunso Kong kapatid na si Kliea . Tinitigan ako ni Inay Salve. " Anak , alam Kong matalino kang bata ," Sabi niya ." ...at responsable , sa edad mong dose anyos ay masasabi ko na Isa Kang mabait at responsableng anak . Kaya nga proud na proud ako sa iyo anak . " Sabi pa niya sa garalgal na boses . "Inay,..." Sabi ko na kinakabahan . Hindi ko alam , pero bigla akong kinabahan . Hindi ko maintindihan kung saan nanggaling ang kaba at kung bakit bigla akong kinutuban , ngunit dagli ko namang winaksi sa aking isipan . " Maraming salamat po inay , " Sabi ko na nakangiti . "Pasensya ka na anak ha ? Habang ang ibang bata na kaedad mo ay masayang nakipaglaro ...ikaw naman ay tumutulong sa akin sa palengke , hindi mo nagagawa ang mga bagay na dapat sana ay naranasan mo bilang isang bata ." Unti -unting nakikita ko ang namumuong luha sa kaniyang mga mata . " Magkahawak pa rin ang aming kamay at hindi pa rin Niya sinasagot ang tanong ko ." Kung nabubuhay lang sana ang iyong Ama..." sabi ni nanay Salve , binitiwan Niya ang kamay ko at hinaplos ang aking mukha sa dalawa niyang kamay . "Alam mo bang nagmana ka sa kaniya na matalino at mabait ? " Sabi ni Inay . "Matalino ka rin naman at mabait Inay ..mana ako sa inyong dalawa , kaming dalawa ni Kliea ay nagmana sa inyong dalawa ni Itay. " Sabi ko na nakangiti . Ngumiti din si Nanay Salve , bagama't hindi umabot sa kaniyang mga mata ang kaniyang ngiti . " Higit na matalino ang iyong Ama, Thea ..sa kaniya mo nakuha ang galing sa pag-aaral .. gumradwet Kang valedictorian sa elementarya, kung nabubuhay lamang siya .." muli na namang namumuo ang luha sa kaniyang mga mata habang inaalala si Tatay Manuel . Si Tatay Manuel ay namatay noong ako ay walong taong gulang at si Kliea naman ay apat na taong gulang pa lamang . Limang taon ang agwat ng aming edad , dalawa kaming anak nina Nanay Salve at Tatay Manuel . Parehong mahirap ang aming mga magulang , and so I thought . Namatay si Tatay dahil sa siya ay natamaan ng kidlat habang pauwi sa aming bahay mula sa bukid . Malakas ang ulan noon , at umuugong ang langit bunsod ng kulog pagkatapos ng kidlat . "Inay , hinawakan ko ang Kaniyang kamay na nakahawak sa aking mukha . Binaba ni inay ang kaniyang kamay , nakapatong na ito sa kaniyang kandungan . "Huwag na po kayong malungkot sa pagkamatay ni tatay ..nandito naman po kami ni Kliea eh , at saka tutulungan kita Inay , mag-aaral akong mabuti ..para makatapos ako ng high school , makatapos ng college , makapagtrabaho ako , tapos yayaman tayo .." tumawa ako . " Hindi po ba Inay .?" Ngumiti si Inay ," Ang totoo hindi mo na Kailangan pa na magpayaman Thea anak ... dahil mayaman ka naman , mayaman kayong dalawa ni Kliea ." "Po ?" Tanong ko sa nanay . Alam ko naman na ang tinutukoy Niya ay mayaman kami sa pagmamahalan , mayaman kami sa kasiyahan , lalo na noong nabubuhay pa si Itay . "Alam ko na po ang tinutukoy ninyo , Nanay Salve ..mayaman tayo dahil masaya tayo kahit mahirap lamang . Mayaman tayo , dahil nagmamahalan tayo sa isat-isa..kaya huwag ka na pong malungkot nanay . Dahil ang gusto ni tatay ay laging masaya tayo , kahit wala na siya ." Sabi ko sa kaniya na unti -unti na ring namumuo ang luha sa aking mga mata . Ngunit, hindi na ako nakapagpigil pa , niyakap ko si inay at umiyak ako . Naaawa ako sa kaniya dahil alam Kong nahihirapan na siyang itaguyod pa ang aming mga pangangailangan sa araw-araw . At kahit di Niya sabihin , nararamdaman Kong may iniinda siyang sakit sa kaniyang katawan . Iniangat ni nanay salve ang aking ulo at tinitigan Niya ako ng seryoso . Pinahid Niya ang luha sa aking mata at hinawakan muli ang aking kamay ." Makinig ka Thea anak, may sasabihin ako sa iyo . " At nagsimula ngang magkuwento ang nanay , mula sa simula hanggang sa natapos ay hindi ko ginambala ang kaniyang pagsalaysay . At ng matapos na siya sa mala fairytale niyang kuwento ay agad akong nagtanong . "Si Tatay Miguel ay tagapagmana ng kumpanya ? Ang Razon empire na tinitingala ng buong Cebu? " "Tama ka anak ," Sabi ni inay na tuluyan ng umiiyak . " Nang dahil sa akin ay itinakwil siya ng kaniyang mga magulang . Namatay siya ..."basag ang tinig ni nanay na patuloy na nagsasalita . " ...na hindi man lang nakabalik sa kaniyang pamilya .." dagdag pa Niya sa impit na boses . "Kasalanan ko ang lahat ...kung sana ay umalis na lang ako mag -isa , disin sana'y buhay pa siya ngayon ... kasalanan ko ang lahat ..." Nanginginig ang tinig ni Nanay Salve at patuloy sa impit na pag-iyak . "Inay , hindi mo naman kasalanan ang pagkamatay ni Itay .." Sabi ko sa kaniya . Hindi ko alam Kong paano amuin si inay , ngayon ko lang siya nakitang umiyak nang matindi na sa wari ko ay labis siyang nasaktan . Kahit noong namatay si tatay ay hindi naman ganito ang kaniyang pag-iyak . Patak lamang ng luha ang nakita ko sa kaniya , ngunit sa palagay ko ay pinipigil lamang Niya ang kaniyang damdamin noon para sa aming dalawa ni Kliea , siya ay nagpakatatag , hindi Niya ipinakita na siya ay nasasaktan . Pero ngayon , nangangamba ako sa kaniyang paghagulgol , na sa wari ko ay Inubos na Niya ang kaniyang mga luha . "Inay , ano ...." "Shhh.." Hindi ko natapos ang aking pagtatanong sa kaniya dahil tinakpan Niya ang aking mga labi gamit ang kaniyang daliri . "Makinig ka sa sasabihin ko anak ." Tumigil siya sa pag- iyak, pinahid Niya ang kaniyang luha gamit ang kaniyang mga kamay at nagsisikap na pigilin Niya ang maiyak habang nagsasalita . Hinawakan Niya ang aking mga balikat . " Ikaw at si Kliea ay kailangan na umalis sa lugar na ito at makipagkita Kay Mr. Miguel Razon . Kailangan ninyong umalis at puntahan ang inyong lolo . Mangako ka anak na hindi mo pababayaan ang iyong kapatid na si Kliea , ipangako mo sa akin na aalagaan mo siya . " Mahabang paliwanag ni Inay . "Ano bang nangyayari sa iyo Inay ? Bakit mo kami ipamigay sa kaniya ?" Nasaktan ako sa sinasabi ni Nanay Salve , winaksi ko ang kaniyang kamay na nakahawak sa aking mga balikat . "Anak , hindi ko kayo ipinamigay , Pero ..." "Pero ano nay ha ? " Naging emosyonal ako dahil sa kaniyang sinabi . " Hindi ko naman kailangan ang yaman Niya nanay eh ," garalgal na ang aking tinig habang nagsasalita . " Kayo na rin ang nagsabi na kahit sarili niyang anak ay itinakwil dahil sa ikaw ay mahirap . Matapobre si Mr .Miguel Razon nay ,bakit mo naman kami gustong pumunta doon ? Para ano pa ? Hindi ba okay naman tayo kahit ...wala na si Itay? Isa pa , paano mo naman nasisiguro na tatanggapin kami nila ha ? Ayaw ko po doon inay .." "Thea anak , nakausap ko na ang Butler ni Mr. Razon ." Tumalikod si inay sa akin at tumingala sa langit . "Ano pong sabi ninyo inay ?" Tanong ko sa kaniya . Nanatili akong nakaugat sa king kinatayuan na sa kaniyang likuran . Telling me something big about my father's background is hard to process . And telling me that she had a talk with the man who despised her because of her poverty is one thing . " Hindi ko po maintindihan inay , bakit ka pa lumapit sa taong kinamumuhian kayo? " Tanong ko sa kaniya na nagtataka . Ngayon pa ba siya lalapit na patay na si Itay? Mabuti na lang at hindi siya sinaktan . "Dahil kailangan ko .." sagot Niya . "Hindi naman ang lolo mo ang kinausap ko anak , nagkamali ka ng dinig. Ang Butler Niya ang nakausap ko . At ayon sa kaniya , hinahanap na Niya ang inyong tatay . Matanda na rin siya anak , baka nagbago na ito. " "Bakit nga ?" tanong ko sa kaniya . "Bakit kinakailangan mo pang magpakita doon ?" "Para nga sa Inyo , para makilala Niya kayo na mga apo Niya ..kailangan ninyong manirahan doon ." Sabi Niya sa mahinang tinig . "Hindi Inay , ayaw Kong pumunta doon .." Kahit sa mura Kong edad nasasaktan ako sa kuwento ni inay . Matapobre pala ang lolo ko . Kung tutuusin siya ang dahilan kung bakit namatay ang Itay , dahil itinakwil Niya kaya na rin naghirap ang sarili niyang anak. "Ayoko Inay , ayoko doon .." "Kailangan ninyong pumunta doon ni Kliea ." "Inay bakit ba , ipinagpilitan mo kaming pumunta doon ! Ayoko ! Bakit ba pinipilit mo kami ?! " Tanong ko na medyo tumaas ang boses ko dahil sa pagtataka kung bakit Niya ako pinipilit . "Dahil mamamatay na ako Thea !" Sigaw ni Inay sabay harap sa akin .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD