"Huwag Kang mag-alala Harold , okay lang ako ...kahit nasasaktan ako .. naniniwala pa rin ako na patas ang Diyos sa lahat ng bagay .." malungkot ang tinig na sabi ni Sara . "Kung gayon , bakit ka umiiyak Sara .?" Tanong sa kaniya ni Harold habang pinahid ang kaniyang luha at pagkatapos ay hinawakan ang kaniyang kamay. "Hindi naman kasi ibig sabihin na dahil sa pinipilit Kong magpakatatag ay hindi ako nasasaktan . Nasasaktan din ako Harold , pero kailangan Kong magpakatapang upang makapagtiis ako . Iniisip ko na maswerte pa rin ako , dahil may kinikilala akong pamilya . " "Bakit Sara ? Tama nga ba ang hinala ko na hindi ka nila tunay na anak ? Nakausap mo na ba ng masinsinan si Mang Kanor ? " Umiling si Sara ." Sila ang pamilya ko .." "Sara , kahit ikaw ay nagdududa hind