Tumatagos sa may bukas na parte ng bintana ang mataas nang sikat ng araw. Mula doon ay tinatamaan naman ang parte kung saan natapat ang kanyang mga paa. Bahagya siyang gumalaw dahilan kung bakit napaungol ang babaeng kanyang katabi. Bigla niyang iminulat ang kanyang mga mata. Sa paglinaw ng kanyang tingin ay nabungaran niya ang babaeng palaging nagpapawala sa kanyang libido. Sa tuwing kasama niya ito ay wala siyang ibang nais gawin kundi ang akinin ito sa kahit na anong paraan. “Chelsy . . .” Hindi niya alam kung bakit bigla itong nagbago. Masasabi niyang ang babaeng kasama niya ngayon ay matindi ang pagkakaiba pagdating sa pag-uugali kung ikukumpara sa naging kasama niya noon. Ngayon ay mas masayahin ito at tila ba ubod nang pilya. Naaalala pa rin niya habang kanyang pinapanood kahapon