Nang makarating na sila sa black mansion ay agad na silang dumeretso sa guest room kung saan siya natutulog. Kinarga siya nito paakyat sa hagdan na para silang bagong kasal na labis na nagpapakilig sa kanya hanggang ngayon. Nang tuluyan na siyang mailapag nito sa kama ay mabilis ang mga kilos nitong kumuha ng bimpo at maligamgam na tubig upang punasan ang nagsisimula na niyang mamagang mga sugat sa paa. Ilang sandali pa ay kumuha na ito ng cureidine, ginagamit upang mabilis na matuyo ang sugat at iwas na rin sa impeksyon. “Aray ko . . .” bulong niya habang pilit na tinitiis ang hapding dulot ng mga sugat niya sa paa na ginagamot. Mas lalo lang siyang napaluha nang ang pinaka malalim na sugat na ang binibigyan nito nang pansin. Mahaba at mapayat ang nakuha niyang shell na tumusok doon. Kay