Kahit na napakalamig nang ihip ng hangin ay patuloy ang mag-ina sa kanilang pag-usad. Pagod at gutom man ay wala silang pagpipilian kung hindi ay madidiskubre lang din sila kaagad, at mahuhuli rin. “Mom . . . Please, not now. Not now . . .” bulong niya habang pilit na hinihila at inaalerto ang kanyang Ina. Panay din ang tingin niya sa paligid upang masiguradong walang makakakita sa kanila. Alam niyang nagwi-withdrawal na naman ito dahil ilang araw ng hindi nakadroga. Even at his young age ay alam na niya ang mga nangyayari sa kapaligiran at sa kanila. That he was abducted together with his Mom. Kung matalino si Fifi ay talagang genius si Sy. Maaring nakuha niya ang katalinuhan na ’yun sa kanyang Ama kaya lumalaki siyang sagana sa lahat ng paraan. He even pretended that he was suffering fr