Kagigising lang ni Chelsy ngunit masama na agad ang kanyang pakiramdam. Nakabusangot siyang napalingon sa parte ng silid kung saan pumapasok ang mataas ng sikat ng araw. Sumasakit ang kanyang mata at naiirita sa buhok niyang humaharang sa mukha niya. Inilibot niya ang kanyang paningin sa loob ng silid, subalit gano’n pa rin ito. Walang pinagbago. Wala sa sarili siyang napailing nang makita niya ang basang na alarm clock. “So. Ayun. Tinanghali ako ng gising dahil binasag kita,” turan niya matapos pulutin ang sirang alarm clock sa sahig. Dahil sa inis niya kagabi nang inabot na siya ng siyam-siyam at sampu-sampu sa paghihintay kay Onyx, ngunit ni anono nito ay walang dumating. Nalulunod siya sa labis na selos kagabi dahil iniisip niya kung hindi siya nito sasamahan sa Valentine's night, isa