Chapter 33 -Mga matang nakamasid-

2757 Words

❀⊱Lyka's POV⊰❀ Ilang araw na mula ng huling makita ko ang aking mga anak. Madalas ay sa video call lang kami nagkakausap kaya ngayon ang araw na pupuntahan ko ang mga anak ko sa Batangas. Bibisitahin ko rin ang mga magulang ko dahil namimiss ko na rin sila. Pero mamaya maya pa ako aalis dahil naghihintay pa ako ng tawag ni Marc us dahil baka may ipapagawa siya sa akin. Napatingin ako sa aking orasang pambisig. Mag-aalas onse na ng umaga at kailangan ko ng magluto ng pananghalian ko. Napatingin ako sa aking phone na nakapatong sa ibabaw ng table at si Harvey ang tumatawag sa akin. Dinampot ko ang phone at agad kong sinagot ang tawag niya. "Hey love, anong ginagawa mo ngayon?" tanong niya. "Magluluto ako ng lunch, then pupunta ako sa Batangas para bisitahin ang mga bata at sila nanay,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD