CHAPTER TWENTY-TWO: ••• ••• [ DITE HURT POINT OF VIEW ] Nawalan man ng gana ay tinapos ko na lang din ang pagkain ko. Tumayo ako at inilagay sa lababo ang plato at baso matapos kong gamitin. Huhugasin ko pa sana nang sinabihan ako ni Kuya Kent na ang mga kasambahay na 'raw ang bahala. A-angal pa sana ako nang maalala na wala pala ako sa bahay ko, nasa ibang bahay pala ako. Nagpaalam ako na kung pwede ay umakyat ako ulit sa itaas at bumalik sa k'warto niya, mabuti na lang pumayag siya. Isang tango lang naman ang isinagot niya sa'kin, kaya baka okay lang sa kan'ya. Umakyat ako sa itaas. Habang naglalakad papunta sa k'warto, may hinahanap 'rin ang mga mata ko. Yung kapatid ni Kuyang Kent, si Keanu... Kaso, ni kahit anino niya hindi ko na makita. Kahit si Manang Juliet wala 'rin. T