CHAPTER TWENTY-ONE: ••• ••• "Eat, Drink and have Fun. Just imagine na nasa bahay ka lang ninyo." wika niya. Imagine... Na nasa bahay lang ako? Ang hirap naman e-imagine 'yun ihhh. Eh halatang-halata naman na nasa ibang bahay ako. Nagsimula nang kumain si Kuya Kent. Kaya wala na'rin akong nagawa kundi ang gayahin siya. Kung dati ay ako ang pinakamabilis kumain, ako pa nga yung nauunang natapos. Ngayon naman ay medyo hininaan ko na. Ngayon ko lang ata na-realized na nakakahiya palang kumain ng nagmamadali. Hindi mo mas'yadong nalalasahan yung pagkain 'pag minadali mo. Napansin ko na kaming dalawa na lang ang nandito sa kusina, wala na ang mga kasambahay niya. Hindi ko naman nakita si Kuya Kent na pinaalis sila, kusa siguro silang umalis. Sayang, gusto ko pa naman sana silang ipa