Kabanata 3

928 Words
Chapter 3- Death Written by yeexizx   Charlie's POV   Nakita ko si Lola Tamara na duguan sa labas ng aming bahay, nakakita ako ng mga nilalang na naka-itim na cloak. Pumunta kaagad ako sa kinaroroonan ni Inang Tamara na gulat na gulat at para bang binagsakan ng langit at lupa.   Ano nanaman 'to!?   Sumugod sa'kin ang mga naka-cloak na itim. Mga pesteng Darkenians na 'to! Talagang sinusubukan akong magalit. Nagliwanag ang mga pula kong mata, simbolo ng hinagpis at galit.   "Mga walanghiya kayo! Anong ginawa niyo sa Inang Tamara ko!" galit na galit kong sigaw sa kanila, 'di naman sila sumagot.   Pinagsisipa ko sila at ginamit na ang aking kapangyarihan, dahil madami sila. Kapag nakipaglaban pa ako rito ng pisikal ay baka 'di na ako umabot kay Lola Tamara.   "Air blades!" sigaw ko.   Itinama ko rito ang aking kamay at pinagbabato sila nito. Natamaan naman silang lahat ang biglang naging abo.   Naubos mo naman ito kaagad at pumunta kaagad sa gawi ni Lola Tamara na duguan.   "Inang Tamara! Anong nangyari sa inyo? Bakit nila tayo ginugulo?" natatatanta kong sigaw.   "C-Charlie, anak ko... Hindi talaga ako ang tunay mong ina, pero napamahal ka na rin sa'kin... Tandaan mong ikaw ang nawawalang p-prinsesa ng Arteya Kingdom. Hanggang dito na lamang ako, mahal kong anak..."   "Hindi Inang Tamara! Papagalingin kita!" sigaw ko sa kaniya.   Tiningnan naman ako nito nang hinang-hina. "Anak, aalam mo nanamang gumamit ng mga salamanka... Mag-spell ka para magkaroon ng lagusan papunta sa Arteya Academy. Nandoon sa m-may silid ng ating pinag-eensayuhan, nandoon ang mga libro ng salamanka... Nakikita mo ba ang pintuan roon? Alam mong hindi kita pinapapasok roon dahil ayokong malaman mong hindi ako ang tunay mong ina, ayokong iwan mo 'ko... Ngayon ay p'wede na, alamin mo lahat... Paalam, Prinsesa Charlotte..."   Hinawakan ko naman ang kamay nito, nagulat ako nang halikan nito ang noo ko. "Nawa'y h-hindi m-mawala ang d-dignidad sa p-puso mo..." huling katagang tinuran niya bago ipinikit ang kan'yang mga mata.   "HINDI P'WEDE! INA, GUMISING KA!" hagulgol ko.   "PAGBABAYARAN NIYO 'TO!" naiiyak kong sigaw.   Tinatawag ko siyang lola ngunit ina ko talaga siya. Tinawag niya akong prinsesa, hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya, ngunit Imposible 'yon. Ipinawalang bahala ko nalang 'yon. Nag-spell ako ng mga kataga upang manahimik na ang kaluluwa ni ina.   Paalam, Inang Tamara.   Pumunta kaagad ako sa silid ng aming pinag-eensayuhan at pinasok ang nag-iisang pintuan nang sawi pa rin. Nagulat naman ako sapagkat punong-puno ito ng mga libro.   Binasa ko naman ang nakasaad sa libro.   Ang mga Kaharian sa Mundo ng Mahika:   Arteya Kingdom - Ang Arteya Kingdom ay pinamumunuan ni Haring Silveo Gloriette at Reyna Tamina Collins-Gloriette. Nandito ang mga malalakas na diwata at mga engkanto, tinagurian ding ang Arteya Kingdom ang pinakamalakas sa buong mundo ng mahika. Ngunit, nagkaroon ng labanan sa pagitan ng Darkenians Kingdom at Arteya Kingdom. Nakaligtas si Prinsepe Alexander, samantalang madaming nagsasabi na nasawi na si Prinsesang Charlotte.   Darkenians Kingdom - Ang Darkenians Kingdom naman ay pinamumunuan ni Haring Lucas na nasawi na dahil sa labanan ng Arteya Kingdom. Napag-alaman na ang namumuno na rito ay ang kaniyang anak na si Prinsepe Arthur. Gagawin nila ang lahat para lamang mapatay si Prinsesa Charlotte at mapasakaniya lahat ng kapangyarihan.   Aqua Kingdom - Ang Aqua Kingdom naman ay pinamumunuan ni Haring Salamanca at Reyna Avria, nandito ang mga taong nangangalaga sa tubig. Mapamundo man ng mga tao pati na rin ang mundo ng mahika. Sila ang dahilan kung bakit hindi nauubos ang tubig mula sa isla, karagatan, o iba pang katubigan na lugar.   Keantis Kingdom - Ang Keantis Kingdom naman ay pinamumunuan ni Haring Shaddie at Reyna Sharina, magkapatid itong dalawang ito. Nandito naman ay kung sino ang may mataas posisyon, kaya nitong kontrolin ang panahon. Kaya nilang gawing maaraw o umulan ang panahon, sila ang natulong sa Aqua Kingdom. Ang mga nasa mababang posisyon naman ay ang taga-gawa ng mga weather forecast.         Siggitarius Kingdom - Ang Siggitarius Kingdom, walang pinuno rito, lahat sila ay pantay-pantay. Sila ang kumakausap sa mga hayop o bulaklak. Kapag may mababangis na sumusugod sa iba't ibang Kaharian maliban sa Darkenians Kingdom, sila ang kumakausap rito para paamuhin.   Iceyland Kingdom - Nandito naman ang mga taong nakokontrol ang yelo o nakakagawa ng yelo. Pinamumunuan ito ni Haring Tyron at Haring Taylor. Magkakambal sila.   Machinery Kingdom - Nandito ang mga taong kaya kumontrol ng teknolohiya at gumagawa ng mga sandata para sa iba't ibang kaharian. Pinamumunuan ito ni Haring Bronzeo at Reyna Goldea.   Explodery Kingdom - Nandito ang mga taong kaya kumontrol ng kidlat o kayang gumawa ng bagyo o kidlat. Pinamumunuan ito ni Reyna Thundrea, kaya din niyang pasabugin ang mga kidlat kung ito'y nakabubuti para sa lahat.   Blasting Kingdom - Nandito ang mga taong kayang kumontrol ng apoy o nakakagawa ng apoy. Pinamumunuan ito ni Haring Blasty at Reyna Firey.   Wavery Kingdom -Nandito ang mag-asawa si Reyna Carlita at Haring Paxyn, sila ang namumuno sa mga nilalang na kumukontrol ng waves at dugo ng isang nilalang.   "Ang wirdo ng mga pangalan..." bulong ko sa aking sarili.   Dumaan ang mga panahon ay naging mas magaling ako. Nangako akong ipaghihiganti ko si Inang Tamara. Mag-iisang taon na akong nag-eensayo sa sarili kong mga kamay at isinasaulo ang mga spells na nakasulat sa libro rito. Siguro nga, panahon na upang pumunta na ako sa totoo kong pinanggalingan.   Kinuha ko na ang aking mga gamit at damit, nagsuot na rin ako ng ng cloak. Ginamit ko ang spells ko para mawala ang mga libro at itago ko ito sa likod ng aking kapangyarihan.   Binigkas ko ang spell na ito, "Alarte Ascendare monmentum adaviria de portal." sigaw ko.   May lumabas na malaking bilog na kulay-pula habang nakaangat ang kanang kamay ko.   Unang hiling ni Inang Tamara na pumunta ako sa mundo niya, ang mundo ng mahika. Ako daw ang nawawalang prinsesa at unti-onti ko iyong napagtanto.   - The Lost Princess. Chapter 3. Fantasy.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD