Kabanata 2

1410 Words
Chapter 2- Suffered Written by yeexizx   Tamara's POV   Paglipas ng labing-pitong taon...   Nakaraan...   Narinig ko ang pagkausap sa'kin ni ina sa'king isip. Hindi ko pa din nakakalimutan ang mga salita na kan'yang tinuran kahit ilang taon pa ang lumipas.   "Anak, nasa labas ang prinsesa, alagaan mo siya, sapagkat hinabilin siya sa'kin ng mahal na reyna. Nawa'y naibigay ko ito sa may mabuting puso, huwag mo itong papabayaan bagkus turuan mo siyang lumaban. Ilayo mo siya sa mga Darkenians, sapagkat siya ang magliligtas sa mga nilalang na naninirahan sa mundo ng mahika. Hanggang dito na lamang ako, salamat mahal kong anak." emosyonal na usal ni ina sa isipan ko.   Kaagad naman akong lumabas at nakita ko nga na may sanggol sa harap ng pintuan ng bahay ko, ito na siguro ang sinasabi sa'kin ni ina na prinsesa. Nangako ako sa sarili ko na papalakihin ko siyang mabuti at mayroong busilak na puso. Na-diskubre niya na din ang kan'yang mga kapangyarihan noong sampung taon siya, mahina pa ito ngunit unti-onti itong nalakas. Konting panahon nalang ay dadalhin ko na siya sa kan'yang pinanggalingan, papaaralin ko na rin siya sa isang akademiya roon, ang Arterya Academy.   Lagi ko itong tinuturuan na makipaglaban at matutong gumamit ng kapangyarihan. Palagi din siyang nag-tetraining, minsan nga ay mag-isa nalang din siyang nag-eensayo. Pinawalang bahala ko nalang 'yon, sapagkat alam kong kaya niya na at may tiwala ako sa prinsesa. Pinangalanan ko siyang Charlie Lany Lotte, inilapit ko ito sa kan'yang totoong pangalan na Charlotte.   Sana hindi matuloy ang nasa propesiya.   Sana.   Katapusan ng pagbabalik alaala.   Charlie's POV   Napabalikwas naman ako nang buhusan ako ng malamig na tubig ni Lola Tamara, bwisit talaga!   Alam niyo ba kung bakit lola ang tawag ko sa kan'ya? Dahil tinatawag niya akong baby paminsan-minsan, s'yempre babawi ako. Actually, malamig naman talaga ako at walang pakialam sa mundo maliban kung ang kausap ko ay si Inang Tamara.   "Ano ba 'yan, Lola! Natutulog pa 'yung tao!" sigaw ko rito   "Nakakalimutan mo bang hindi ka tao!? Magbihis ka na, may pasok ka pa!" pang-aasar nito.   Nainis ako nang sabihin niyang hindi ako tao, I just want to be a normal. Gusto ko na simple lang ang buhay ko katulad ng ibang tao. Ang hirap lumaki na wala man lang kaibigan.   "Anong klaseng panggigising 'yan!? Alas-kwatro palang La! Alas-syete pa pasok ko!" sigaw ko rito.   "Mag-tetraining tayo bago ka pumasok 'di ba? Kaya bumangon ka na d'yan. Go! Go! Go!"   Napilitan akong maligo, kumain na rin ako. Pagkatapos kong gawin lahat ng everyday routine ko ay may pinindot akong button sa bookshelf ko, may lumalabas naman na elevator doon kaya pumasok na ako.   Wala pa si Lola Tamara ah? Bakit pinapunta niya na kaagad ako!?   Pinakiramdaman ko naman ang mga enerhiya, alam kong may papalapit sa'king dagger pero nasalo ko kaagad 'yon.   I smell something fishy. Ha! Ha! Ha!   Pumalakpak naman si Lola Tamara.   "Improving, huh?" ngising saad naman ni Lola Tamara at ibinato naman sa'kin ang espada.   "Anong gagawin ko rito?" kunot-noong tanong ko.   "Labanan mo 'ko." sabay kindat sa'kin.   Ngumisi naman ako. "Seryoso ka?"   "Oo." patanong niyang tango.   Nagsimula na ang laban at siya ang unang umatake.   Sinipa naman niya ako pero nakailag ako, sinipa ko naman siya. Ay, sapol sa ulo! Nag-teleport naman siya papunta sa'kin para saksakin ako pero nag-bending ako patalikod at tumambling. Sumuot naman ako sa dalawang hita niya at sinipa ang p***t niya. Napadapa naman siya.   "Okay, suko na 'ko. You won Charlie." hingal na hingal nitong sambit. Wala naman akong naramdaman kahit na anong hingal.   "Okay, magpapalit lang muna ako ng uniform, tapos aalis na 'ko papunta sa school." ani ko, tumango lang naman siya.   Pumunta na ako sa taas ng k'warto para makapagpalit na ng uniporme, pagkatapos, umalis na ako.   Nag-teleport nalang ako sa likod ng school namin upang walang makakita. Pumunta ako sa may corridor. Unusual, laging may masamang titig nanaman ang bawat estudyante dito. Ewan ko ba, nananahimik ako pero lagi akong kumpulan ng tukso, kung p'wede lang sana na gamitin ang kapangyarihan sa kanila, matagal na silang tusta.   "Guess who's here!" maarteng sigaw ng babaeng malas sa buhay ko.   Ang tatlong pugita nanaman na nambibwisit sa pang-araw-araw na pagpasok ko dito, kung p'wede lang lumaban, baka pinaglalamayan na sila.   "Wala akong balak na makipag-away sa inyo." malamig kong saad rito.   "Aba! Paano naman kami? Paano kung gusto naming makipag-away?" nang-gigigil na sigaw niya at hinila ang buhok ko.   "Mang-aaway na nga lang kayo, hindi pa patas. Tss, nakita niyo na ngang mahina ako, kakalabanin niyo pa akong tatlo." pang-iinis ko.   Halatang na-badtrip sila sa'kin. Sasabunutan na sana ako nu'ng leader nila nang maunahan ko. Kinuha ko 'yung kamay na dapat ipangsasabunot niya sa'kin at marahang ipinulupot 'yon. She cried in pain. Napangisi naman ako.   Ayoko na rin dito, pinatulan ko na para pag umalis na ako dito, nakaganti na ako ng bonggang-bongga! Ang hirap din kaya magpanggap na mahina. Isipin mo 'yon? Labing-isang taon akong nagdusa at nagpakahirap rito.   "H-How dare you!" sigaw ng queen bee, bee bee bee beebuyog.   "I hate you! How could you do this to me!" maarteng sigaw ng alipores niyang clown na sobrang kapal ng makeup.   What a pathetic clowns...   "I'm just getting my revenge before I leave. Masama ba?" ngumisi ako.   "Walanghiya kang nerd ka! Lagot ka sa'kin kapag nakawala ako dito!" sigaw ng pinuno nila.   "Sa susunod gawin mo, daig mo pa ang numero unong hambog dito sa mundo. Hindi mo naman magawa."   "The heck!" pagalit na sigaw niya.   "Ang bastos ng bunganga mo ah, minura ba kita?" bulong ko rito.   Nakita ko namang marami nang estudyante ang nakapalibot sa'min, 'yung iba ay nagbubulungan, 'yung iba naman ay namamangha.   "Ms. Lany! Pumunta ka sa Guidance Office!" marahan na sigaw ng Principal.   Sulsol... Ganiyan ba ang marangal na principal?   Go with the flow. Aawayin ko din siya, napakatagal ko nang nagtitimpi sa Principal na 'to. Parte na din siya ng paghihirap ko. Ni kahit anong pagtatanggol, hindi ko man lang natamasa.   "Also the three of you!" turo niya sa mga bubuyog na mala-clown ang makeup.   Kasalukuyan kaming nasa opisina ni Principal lahat. Nakasimangot lang ang mukha nila.   "What happened?" mahinahon na tanong ni Principal.   "Kasi po itong si Charlie, Principal... Inaaway kami!" kunyaring iyak ng leader nilang bubuyog.   Nagsinungaling pa... Akala, kapani-paniwala.   "Tss. Nakita mo ngang tatlo kayo at mag-isa ako? Paano ako makakalaban kung nerd lang ako katulad ng sinasabi niyo?" simpleng sagot ko at napayuko sa inis.   "Wala na akong mapiling desisyon para sa'yo, Ms. Lotte. Ipapa-drop kita sa ginawa mo sa kanila, Ms.Lany! Ang dami mo nang atraso sa kanila! At isa pa, anak sila ng mga taong malaki ang ambag sa paaralan na ito. Pasensya na pero pirmahan mo ito. Hindi ka na p'wedeng pumasok bukas." kalmadong tugon ni Principal.   May nararamdaman akong hindi tama. Pero masaya ako dahil mission accomplished. Hindi na ako mag-aaral dito. I'm definitely happy.   "Are you afraid that these three woman beside me might kick your a*s or fired you as a principal? Oh maybe, mas malala pa 'don..." mahinahon pero seryoso at matinik kong saad kay Principal.   Nagulat naman silang apat. Ang effort naman ng tatlong 'to. Handang manakit ng tao, masunod lang ang gusto nila.   "W-What do you m-mean, Ms. Lany?" utal-utal na ani Principal.   "Hoy! Insecure ka 'no? Kaya gusto mo kami sirain kay Principal! Lagot ka sa'kin mamaya! Pagbabayaran mo 'to! Damn you!" galit na galit na sigaw ng leader nila.   I stare at her, sweet and tender as I could.   "Sinasabi ko lang 'yung totoo. And, Insecure? Mas maganda pa nga ako sa'yo." halakhak kong usal.   I'm not a war-freak. Sad'yang mayroon lamang katapusan ang pagiging mabait ko.   "Inggit ka ba sa'min? Napakasinungaling mo talagang babae ka! Akala mo naman maniniwala sa'yo si principal? Never, ever!"   "Oh, ito piso." kalmado kong turan at binigyan siyang piso kaya naman napakunot ang noo niya.   Tumaas naman ang kilay niya. "Anong gagawin ko dito? I'm sorry, pero hindi ako tumatanggap ng pera galing sa mga patay gutom at dukha na katulad mo."   "Bilhin mo pake ko."   "What the hell bi-" inis niyang tugon pero pinutol ko 'yon.   Pinaglaruan ko naman ang ballpen sa daliri ko. "Tss... Life state shamer... How can you accept that attitude of her, Principal? Very unprofessional..."   Natahimik naman sila. Kinuha ko na 'yung papeles na pipirmahan ko para sa pag-alis ko ng paaralan na 'to. Pinirmahan ko na ng madalian.   "Salamat sa memories. Bye, see you soon... Oh... No... I don't want to see the four of you again. Just forget it." maldita kong usal.   Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila dahil lumabas na ako, kitang-kita ko pa rin ang pagtitig sa'kin ng mga estudyante. Ang iba naman ay nakalapit ang tainga sa dingding para lang marinig ang mga pinag-usapan namin.   Mga chimoso't chismosa.   Hindi ko na sila pinansin at pumunta ulit sa likudan ng paaralan para mag-teleport. Pauwi na sana ako nang may makita ako...   "s**t!"   - The Lost Princess. Chapter 2. Fantasy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD