Chapter 4- Challenge
Written by yeexizx
Charlie's POV
Pumasok na ako sa portal at napunta ako sa madilim na kagubatan.
"Tss, akala ko ba sa mahiwagang mundo ako dadalhin nito?"
Inobserbahan ko muna ang paligid ko, nakaramdam naman ako ng malakas at kakaibang enerhiya.
Napangiti naman ako. "Nandito na nga ako..." bulong ko sa sarili ko.
May nakita naman akong puno na medyo lumiliwanag, idinikit ko naman doon ang kamay ko.
"Magandang gabi, binibini." malalim na usal ng puno.
"Ano ang ipaglilingkod ko sa iyo?" pasunod niyang ani.
"Maaari ba akong pumunta sa Arteya Academy?" magalang kong tanong rito.
"Maaari, ngunit may pagsubok bago ka makapasok." tugon nito.
Tinitigan ko naman ang puno. "Marangal kong tatanggapin ang iyong pagsubok na ibibigay."
"Ngayon, maghanda ka na." ani puno.
Nakakita naman ako ng mga mababangis na hayop. Ito na siguro ang pagsubok na sinasabi ng puno. Ginamitan ko nalang sila ng spell at umilaw ang aking mata ng kulay-pula. Tiyak na matagalan pa ako kung pisikal na pakikipaglaban ang gawin ko, mas mainam na ang kapangyarihan ko nalang.
"Fire Blast!" sigaw ko rito at itinama ang kaliwa kong kamay na may apoy sa mga hayop.
Madali lang pala, tss.
"Ginagalak kita! Ikaw ay nagtagumpay sa pagsubok, maaari kanang pumasok." masayang usal ng puno.
Pumasok na ako sa punong iyon. Tumambad sa'kin ang mala-palasyong paaralan na nasa aking harap.
Mukhang hindi naman ito paaralan. Ang laki nito kaya naman nagmumukha itong palasyo. Biglang bumukas ang malaking gintong gate. Bumungad sa'kin ang maraming nilalang, kaya pumunta ako roon.
"Magandang umaga sa inyo, ngayon na magsisimula ang Transferynia Levelling, kung sino man ang makapasa sa pagsubok na ito ay p'wede nang mag-aral sa Arteya Academy. May apat na basehan na seksyon. Una ay Beginning section, dito makikita ang 'di pa sanay sa kanilang kapangyarihan. Pangalawa ay ang Emergence section, dito makikita ang mga kayang nang gumamit ng kanilang kapangyarihan. Pangatlo ay ang Rare section, dito makikita ang mga sanay na sanay at experto na sa paggamit ng kapangyarihan. Pang-apat ay Royalties section dito nag-aaral ang mga prinsesa at prinsepe, kung malakas ang kapangyarihan niyo ay posibleng makapasok kayo rito." pagpapaliwanag ng Emcee.
"Ipapadala ko kayo sa Raisty Forest, upang doon maganap ang pagsubok. Pumunta na kayo sa opening ng gate, para makapunta na kayo sa Raisty Forest." sunod na paliwanag ng Emcee.
Halata mong takot na takot ang mga itsura ng mga estudyante at mga nilalang rito.
Wala naman silang dapat katakutan, tss.
Pumunta na kami sa opening ng gate at naglaho. Binuksan ko na ang aking mata nang may maramdaman na akong mga hayop. Pinagsisipa ko naman ito at kumuha ng dagger sa batok ko.
Dinaganan ko ang malaking lobo at sinaksak sa likod. Madami naman akong napatay na mga mababangis na hayop.
Pero nakaramdam ako ng malakas na enerhiya, nakita ko sa pangatlo kong mata ang mga nilalang na nakaitim na cloak na sa tingin ko ay mga Darkenians.
Paanong nagkaroon ng Darkenians dito!?
"Lumabas kayo! 'Wag kayong magtago d'yan! Hanggang dito ba naman, sinusundan niyo pa rin ako!" sigaw ko rito, naalala ko naman si Inang Tamara na nagpabigat sa loob ko.
Lumabas naman ang mga ito at pinagsusugod ako. Tiyak na walo ang mga nilalang na 'to, sinipa ko naman sila at lumipad patalon sa isa at nag-split pataas at umikot-ikot, sabay-sabay naman silang naputulan ng ulo.
Mahihina kayo, paano niyo nagawang talunin si ina!?
Headmaster's POV
"Ano kamong sabi mo!? May nakapasok na mga Darkenians!? Pero paano!?" sigaw ko sa assistant ko.
Nakakapagtaka, ano namang pakay nila sa mga bagong estudyante?
"Opo, Headmaster. Ngunit natalo ito ng isang babaeng nakaitim na cloak. Hindi ko nakita ang mukha nito dahil naka-mask din ito ng itim hanggang ilong. Nakatago din ang mukha niya gamit ang cloak, ngunit alam ko ang pangalan niya." magalang na saad ng assistant ko.
Kumunot naman ang noo ko. "Ano ang kan'yang pangalan?" tanong ko rito.
"Charlie Lany Lotte."
Napatingin naman ako sa kawalan. "Pamilyar ang pangalang iyan."
"Pero nakakapagtaka lang, bakit kailangan pang pumunta sa gubat ng mga Darkenians? Mas hamak na mas malakas sila at isa pa... 'Di pa masyadong dalubhasa ang mga bagong estudyante sa paggamit ng mahika." pahabol kong sambit sa assistant ko.
"Baka naman po... Gusto lang talaga nila patayin ang mga bagong estudyante, upang kapag sumugod sila ay paniguradong mananalo sila."
May lumalabag sa kalooban kong maniwala doon. Alam kong hindi sila susugod basta-basta kung walang mabigat na dahilan.
"Sana nga, Volt."
Charlie's POV
Nakakita ako ng higanteng nilalang mula sa taas at kinakalaban sila ng sampung estudyante. Hirap na hirap na sila. Nauubusan na din sila ng kapangyarihan.
"Ako na d'yan." malamig kong usal sa sampung nakikipaglaban sa higante.
"Hindi mo sila kaya!" mataray na tugon ng babae, ngumisi ako.
"Basta, umalis nalang kayo." ani ko.
Umalis na sila sa pagkalaban sa higante at pinanood nalang nila ang gagawin ko. Halatang manghang-mangha sila sa liksi ng kilos ko.
"Tss." bulong ko.
Binilisan ko ang kilos ko, lumipad ako papunta sa likod ng halimaw, pinagsasaksak ko ito ng sampung beses at nakailag naman ako nang akmang susutukin na niya ako. Dahil na din sa pagod, ginamitan ko na ito ng kapangyarihan. Nagpaulan din ako ng matutulis na hangin, invisible sword air.
"Air tornado!" sigaw ko.
Tiinatangay siya ng malaking ipo-ipo na gawa ko, pumasok naman ang sarili niya ang kapangyarihan ginamit ko. Tinusok ko ang kan'yang mata sa sobrang gigil. Sinunod ko naman ang kan'yang isang mata at tuluyan na siyang natumba. Kasabay nu'n ay ang pagkawala ng ipong-ipo ipinalabas ko. Upang matiyak kong patay na talaga ang putanginang higanteng 'to ay kinuha ko ang espada ko at sinaksak ang kan'yang puso. Umagos naman ang berdeng dugo niya sa may lupa, umalis na ako.
Nagulat naman itong sampung estudyante sa ginawa ko. Pinagpapatay ko ang lahat ng mga lobo sa paligid ko at sinunod ang leon at tigre. Hindi ko na mabilang ang mga napatay ko sa sobrang dami. Bigla naman naming narinig si Emcee sa aming isipan.
"Magaling, mga estudyante. Inuutusan ko na kayong bumalik dito." ma-awtoridad na usal ng isang matandang boses na sa tingin ko ay ang Headmaster.
Pumunta naman ako sa opening na pinaglabasan namin at naglahong muli. Nakita ko naman ang mga nilalang na nakipaglaban sa mga halimaw, nakatitig lamang sila sa'kin.
"Paano mo nagawang talunin ang halimaw na 'yun? Ang alam ko ay wala pang nakakatalo na nilalang sa halimaw na 'yun, kahit pa ang mga prinsepe at prinsesa. Wala pa, ikaw lang." namamanghang usal ng babae na nakikipaglaban kanina sa higante.
"Oo nga! Ikaw palang ang nakatalo sa infinity monster! Ang galing mo!" masayang ani ng isa pang babae.
Hindi ako sumagot at tumalikod na sa kanila.
"Ang snobera naman ng isang 'yun!" sigaw naman ng isa pa nilang kasamahan.
Alam ko. May dahilan lahat ng bawat pinapakita kong ugali.
"Magpahinga muna kayo, bukas namin sasabihin ang mga nagwagi o ang mga nilalang na nasa top sa pagsubok na 'to." ani Headmaster.
Pumunta nalang ako sa girls room at humiga sa kama habang naka-maskara pa din. Dumilim naman ang aking paningin hanggang sa makatulog na ako.
Kinabukasan, paggising ko ay ang oras agad ang tiningnan ko.
Alas-nuebe na pala.
Nagsabi ako ng mga spell na natutunan ko sa libro ni Inang Tamara upang hindi na ako magutom, nagmamadali na din kasi ako.
Time is gold. S'yempre.
Naligo na ako ng madalian. Unusual, naka-hoodie at mask pa rin ako.
Outfit: Black Jeans, Black Hoodie, Black Sneakers
Wala akong magagawa, black ang paborito kong kulay. Lumabas ako, kasabay nu'n ang pagsasalita ng Emcee. No offense, mukha siyang tanga because of his mic.
Ang sakit sa ulo ng mic... To be honest.
"Magandang umaga sa lahat, nandito ako para i-annouce ang mga nananalo at top!" masigla niyang sambit at sabay-sabay namang nagsigawan ang mga nilalang rito.
"Ang top 3 natin ay nagngangalang Sabrina De Fluente. She killed almost 55 monsters and 5 big monsters." nakangiting saad ng Emcee, kumakaway-kaway pa ang babae. Nag-sigawan at palakpakan naman ang mga estudyante.
"Ang top 2 natin ay nagngangalang Rico Maharlica. He killed almost 74 monsters and 10 big monsters." masayang ani ng Emcee, halata mo namang kinikilig pa ang mga babae rito. May itsura siya pero 'di ko type ang lalaking 'yon. Pumunta na sila sa stage habang sinusuotan ng medal.
"And the top 1 is..." pabitin na usal ng Emcee na siyang dahilan kung bakit lalong umingay.
"Charlie Lany Lotte!" nakangiting sambit naman niya, padabog akong pumunta sa stage. Madaming bulong-bulungan, 'yung iba naman ay namamangha.
Daming bubuyog.
"Wow! Unbelievable statistics!" gulat na sigaw niya.
"She killed 590 monsters and 450 big monsters. She also killed the infinity star monster. Congratulations, Charlie! Ikaw lang ang nakapatay sa halimaw na 'to!" nakangiting ani nito.
"Salamat." malamig kong tugon.
Inilagay niya na sa'kin 'yung medalya na ginto.
"Pinapatawag ka ni Headmaster, Ms. Charlie Lany Lotte." kalmadong saad ng isang babaeng maganda at makinis na sa tingin ko ay ang assistant ni Headmaster.
"Lead the way." ani ko.
Nagsimula na siyang maglakad at nagsimula na din akong sundan siya, madami namang mga estudyante ang nakatingin sa'kin at nagtataka kung bakit kasama ko ang magandang dilag na 'to.
"Ayan na ang room ni Headmaster." aniya habang nakangiti, hindi naman ako umimik rito.
Pumasok na ako sa k'warto at sumalubong kaagad sa'kin ang mukha ng Headmaster.
"Congrats, Ms. Charlie for getting the top 1 achievement and for killing the infinity star monster." masiglang pagbati naman ni Headmaster sa'kin.
"Ayan lang ba ang dahilan kung bakit mo 'ko pinatawag?" malamig kong tugon.
"Hindi, balak ko lamang ibigay ang susi and number ng dorm mo. Goodluck. Ang section mo ay Rare." nakangiting usal niya.
What's the problem of these creatures?
"Salamat, sa uulitin." simpleng sagot ko.
Lumabas na ako, sinilip ko naman ang papel na ibinigay sa'kin ni Headmaster para silipin ang room number ko.
Room 435
Naisipan ko nalang na mag-teleport para mas madali. Isang segundo ang lumipas, nang buksan ko ang mga mata ko, bumungad sa'kin ang kwartong may numero na 435. Kaagad naman akong pumasok rito. Napagdesisyunan kong matulog na lang ulit para makapaghanda na bukas.
-
The Lost Princess. Chapter 4. Fantasy.