Chapter 5- Royalties
Written by yeexizx
Charlie's POV
Nagising ako dahil sa katok na naririnig ko mula sa pintuan, kaya naman nag-ayos muna ako ng sarili ko bago tumayo. Binuksan ko ang pinto, tumambad sa'kin ang magandang babae na may kulay-puti na buhok at may kulay-abong mata.
Kumunot naman ang noo ko. "Sino ka?"
"Ka-dormmate mo 'ko, ayieee!" sigaw naman niya, mapaghahalataan mo siyang masiyahin. Obvious naman.
"Sige." malamig ko namang turan rito at pumasok na siya sa dorm namin, kaya pala dalawa ang kama rito.
Bwisit na Headmaster 'yun!
"Teka, anong kapangyarihan mo?" kunot-noo niyang tanong.
"Unidentified"
"Ang power ko naman ay ice manipulator." aniya habang may kinakalikot sa bag niya. Hindi ko nalang sjya pinansin, I'm anti-social. Ayoko sa pakikipag-usap.
"Kumain ka na ba?"
"Not yet." simpleng tugon ko.
"Tamang-tama, may dala akong pagkain na pang-dalawahan, tara samahan mo 'ko!" masiglang pag-aaya niya.
Tatanggi pa sana ako nang bigla niya akong hinila papunta sa kusina. Ang daldal ng babaeng 'to, hindi man lang kayang itikom ang bibig. Natapos na kaming kumain nang hindi ako umimik. Inilagay niya na ang pinagkainan namin sa lababo.
"Pasok na tayo! By the way, anong section ka?" nakangiting tanong niya sa'kin.
Hindi pa nga ako nakakapag-pahinga, may pasok kaagad. Nevermind, iinom nalang ako ng potion para magkaroon ako ng lakas at enerhiya.
Tiningnan ko naman siya. "Rare section."
"Royalties section kasi ako e', pero konektado naman 'yung section niyo sa section namin kaya makakapag-usap pa tayo." she smiley said.
"Prinsesa ka?" kunot-noong tanong ko rito, siguro ay siya ang prinsesa ng Iceyland Kingdom.
Tss, prinsesa pero ang daldal.
"Yes." pagsang-ayon niya. I knew it, halata naman.
"Tara pasok na tayo baka mahuli pa tayo!" aya niya, nakaligo nanaman ako pero wala akong uniporme.
"Don't worry, may dala akong uniporme for you." aniya sabay abot sa'kin ng uniporme na pang-rare section.
Wait, nakakabasa siya ng isip?
"Yeah, I can read your mind."
"O-Okay." nauutal na tugon ko pero sa malamig pa rin na paraan, syempre. Oo nga pala, hindi ko pa naiisarado 'yung utak ko.
Nagbihis na ako sa may comfort room. Inobserbahan ko naman ng mabuti ang unipome nila. Maganda ang pagkakatahi nito, kaso napakaigsi naman. Grabe 'yung palda, bukod sa hanggang hita na nga ito, naka heels pa ng 5 inches. Mamaya, pilay na ako nito. May katernong ribbon din ang uniporme nila. Itinago ko naman ang kwintas na bigay sa'kin ni ina, itago ko raw ito palagi at huwag iwawala.
Naalala ko namang nakakapagbasa pala ng isip itong prinsesang kasama ko, kaya isinarado ko muna ang isip ko.
Lumabas na ako mula sa comfort room. Nagulat naman ako nang nasa harap pala ng pinto ang babaeng 'yon kaya naman nauntog siya, hindi ako nag-sorry. Katangahan niya naman 'yon kung bakit siya nauntog.
"Aray ha." malakas na sambit niya habang hinihimas ang ulong natamaan ng pinto.
"Anong name mo pala? Ang pangalan ko ay Princess Divina, and ikaw?"
"Charlie."
"Okay, tara Charlie! Pumunta na tayo sa classroom." aya niya sa'kin at hinawakan ang braso ko.
Habang papalabas kami ay bakas sa mukha ng mga estudyante rito ang gulat. Nakarinig din ako ng ilang bulungan. Hindi ko nalang sila pinansin, all of them are stupid and attention seekers.
"Ang sipsip naman n'yan! Paano niya nakuha ang loob ni Princess Divina!?"
"Tsk! Weak panigurado 'yan!"
"Hindi ba 'yan 'yung nakapatay sa infinity star monster?"
"Nandaya 'yan! Sigurado!"
"Panget siguro 'yan kaya naka-hoodie at naka-mask!"
"Weak na nga, pangit pa!"
"Kala mo maganda!"
"Plastik."
Ilan-ilang naririnig kong bulungan sa paligid ko, hinigpitan naman ni Divina ang pagkahawak niya sa braso ko. "Tumahimik kayo!" sigaw naman niya, napaatras naman ang iba at tumigil sa pagbubulungan.
Pumunta naman kami sa classroom namin. Nakakapagtaka, bakit iisa ang classroom ng Rare section at Royalties section?
"Nagtataka ka siguro kung bakit magkasama ang dalawang grupo, 'no?" natatawang saad nito.
Hindi ba't sinara ko na ang utak ko? Siguro't halata lang sa mukha ko ang pagkataka.
"Kasi sila lang ang section na maasahan sa labanan, kaya pinagsama na kami para lalo pang lumakas. Kung nandito lang ang prinsesa ng Arteya Kingdom! E' 'di sana, hindi na kami naggaganto!" aniya.
Nandito na 'ko, 'di na kayo mahihirapan pa.
"Okay." simple kong tugon.
"Tara! Do'n tayo sa likod" aya niyang muli.
Pumunta na kami sa likod. Wala pa namang teacher kaya nagsaksak muna ako ng earphones sa tainga ko na nasa loob ng hoodie ko. Ayoko kasi nila na makita 'yung totoong kulay ng buhok at mata ko kaya nagmamaskara at hoodie ako. Kulay-ginto ang kulay ng buhok ko sa baba, makintab naman ang gintuan kong buhok. Ang kabuuan naman ay kulay-pula at kulay-puti, hati ito. Ang kulay ng mga mata ko ay nagbabago, depende sa gagamitin kong kapangyarihan, kapag hindi ako nagamit o neutral ang emosyon ko ay kulay-pula ito.
May narinig naman ako ng mga babaeng tumitili, ang lakas ng boses nila. Kahit naka-headset ako ay rinig na rinig ko pa rin ang matining na boses nila. Napakunot naman ang noo ko at inalam kung bakit sila nasigaw.
Bumungad sa'kin ang isang lalaking mayroong kulay-pulang buhok at mga mata, halata mo dito na malamig din. Ang aura nito ay nakakatakot sa paningin ng iba, pero sa'kin? Hindi ko alam kung bakit kakaiba ang nararamdaman ko rito, hindi takot.
Tiningnan ko naman siya at hindi ko inaasahan na titingin din siya sa gawi ko. Nag-iwas na lamang ako ng tingin. Ewan ko ba, bakit may nararamdaman akong kakaiba? Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at ibinaling ang atensyon sa ibang bagay. Nakaramdam ko namang may paparating kaya napabalikwas ako.
Nand'yan na pala 'yung teacher namin.
"Goodmorning class! May bagong student nga pala dito. Care to introduce yourself?" nakangiting usal ng teacher namin sabay tingin sa'kin.
Tumayo naman ako. "Charlie Lany Lotte, 17." simpleng pagpapakilala ko.
"What is your power, Miss Charlie?"
"Unidentified." malamig kong tugon.
Nagpakilala silang lahat, nauna ay 'yung lalaking mayroong pulang buhok na pinagtitilian kanina.
"Prince Coldy Maxlins, 18. Power of fire and thunder." malamig niyang usal.
Sumunod naman ang iba pa niyang mga kasama.
"Prince Kian Derama, 17. Power of technology manipulator."
"Prince Larry Collins, 18. Power of telekenesis."
"Prince Marky Yap, 17. Power of shockwave generation."
"Prince Alexander Percy Gloriette, 17.
Power of air."
"Princess Trisha Kein, 18. Power of scream."
"Prince Kenneth Law, 18. Power of cell regeneration."
"Princess Kimmy Calf, 17. Power of electricity."
"Prince Corey Shift, 19. Power of weather changer."
"Princess Divina Elish. 18. Power of ice manipulator."
"Princess Freya Divine." Power of dark power manipulator."
"Princess Ahri Shikigami, 18. Healer."
"Princess Yannie Ellie, 18. Power of hypnotizing someone."
"Princess Zoe Ayumi, 19. Power of infinity hearing and sight."
"Prince Silky Tan, 18. Power of land."
-
The Lost Princess. Chapter 5. Fantasy.