Kabanata 1

1041 Words
Chapter 1- Mortal Written by yeexizx   Reyna Tamina's POV   "AHHHHH!" malakas na sigaw ko.   "Silveo! Manganganak na ako!" sigaw ko sa Hari.   Kaagad naman itong napabalikwas at naalerto. "Mga kawal! Tawagin niyo ang pinakamagaling na kumadrona dito sa buong kaharian! Manganganak na ang Reyna! Bilisan niyo!" sigaw ni Haring Silveo sa mga kawal, dumating naman bigla ang kumadrona habang hingal na hingal.   "Mahal na Reyna, nandito na po ako." napadako naman ang tingin nito sa hari. "Mahal na Hari, maaari po bang lumabas muna kayo?" nakayukong usal ng kumadrona.   Hindi naman nagsalita ang Hari at naglakad na papunta sa labas dahil bawal na may lalaki sa loob ng isang silid habang may nanganganak. Isang pinagbabawal na gawain at nasa tradisyon na din namin.   "Mahal na Reyna! IIri niyo pa po! Malapit na! Nakikita ko na ang ulo ng magiging anak niyo!" sigaw ng kumadrona.   Malakas naman akong sumigaw, ramdam na ramdam ko ang sakit ng panganganak.   "Iiri nyo pa po! Huli na ito!" sigaw niyang muli.   "AHHHHHHH!" malakas na sigaw ko.   "Mahal na Reyna! Lalaki po ang inyong anak! Binabati ko po kayo!" masiglang sambit ng kumadrona.   Inilagay niya na ang anak ko sa aking tabi. Nagulat naman ako nang nagulat siya at nakatingin pa din sa pinaglabasan ko ng aking anak.   "Marsides? Ano ang iyong problema? May masama bang nangyari sa aking anak?" kunot-noong tanong ko rito.   "Mahal na Reyna! Mayroon pa pong kasunod! Kambal sila!" masayang ani ng kumadrona.   Naghanda naman ako para sa paglabas ng pangalawa kong anak. Napairi nalang ako ng malakas, napangiti naman ako nang marinig ang iyak ng aking pangalawang anak.   "Mahal na Reyna, kambal po inyong anak! Ano po ang ipapangalan niyo sa dalawang supling na ito?"   "A-Ang ipapangalan ko sa p-prinsepe a-ay Alexander Percy Collins Gloriette." nauutal kong tugon.   Magsasalita na sana ako nang magsalita ang hari.   "Ang ipapangalan natin sa pinakamalakas na prinsesa ay CHARLOTTE ELIZABETH LUCIENNE GLORIETTE!" pagdidiin at sigaw ng Hari.   -   Nagkaroon kami ng pagdiriwang dahil sa pagsilang ko sa prinsesa at prinsepe ng pinakamalakas na kaharian dito sa mundo ng mahika.   Alam kong balang araw ay ililigtas ng munti kong prinsesa ang buong kaharian sa kamay ng masasama at sakim sa kapangyarihan, ang Darkenians Kingdom, dahil iyon ang nakasaad sa propesiya. Ang huling anak namin na isisilang ay ang magliligtas sa'min mula sa kadiliman na hatid ng mga Darkenians. Alam ko ding matutupad ang mga katagang nasa libro ng propesiya.   Habang nagdiriwang kami, mayroong sumabog na apoy sa kaharian namin at tiyak kong mga Darkenians ang may kagagawan noon.   Nadatnan ko naman ang mga nilalang sa kaharian ko na natataranta. Ang iba ay lumaban, samantalang ang iba ay tumatakas. Kaunti na lamang ang natitirang nakikipaglaban dahil ang kalahati sa kanila ay mga patay na.   Nakita ko namang nakikipaglaban ang Hari sa Hari ng mga Darkenians. Kaagad naman akong nagtago dahil bawal akong makitang dala-dala ko ang prinsesa. Sana lamang ay makaligtas ang aking asawa.   Napagpasyahan kong pumunta sa tagong kwarto, inilagay ko sa ligtas na taguan ang prinsepe samantalang ang aking prinsesa ay hinabilin ko kay Marsides, ang nagpaanak sa'kin. Hinabilin kong dalhin ito sa mundo ng tao para ma-protektahan. Bawal siyang mamatay dahil siya ang nasa propesiya.   Mayroong akong isinuot na kwintas sa kan'ya na makakapagligtas sa kan'ya, tinawag ko ang aking mahiwagang agila upang samahan at alagaan siya sa mundo ng mga tao.   "Mahal kong agila, samahan mo ang aking anak sa mundo ng mga tao. Ilayo mo siya sa kapahamakan." ma-awtoridad kong utos sa agila at pinalaya ko na.   "Marsides, ingatan mo ang aking anak. Ilayo mo na siya rito" ani ko rito.   "Makakaasa ka, mahal na reyna." magalang na sambit niya.   "Sige na, umalis na kayo..." malumanay na tugon ko, hinalikan ko muna ang noo ng aking anak bago siya mapalayo sa'kin.   Tinutok ko ang ang aking kanang kamay sa hangin at sinabi ang salamankang magpapabukas sa portal.   "Alarte Ascendare monmentum adaviria de portal!" sigaw ko.   Nagliwanag ang aking kamay at lumabas ang malaking bilog rito, ang lagusan.   "Lumabas na kayo, mag-iingat kayo, huwag nawa kayong pabayaan ni Bathala..." namamaos kong usal rito, kasabay nu'n ang pagkawala ng dalawa.   Pagbalik ko, sasaksakin na sana ng hari ng mga Darkenians si Silveo, ngunit naunahan ko siya. Nag-teleport ako sa likod niya at sinasaksak ang likod ng hari ng mga Darkenians. Bakas mo sa mga mata ng anak nito ang pagkagulat na napalitan nang pagkamuhi.   "Ama! Mga hangal kayo! Babalik ako! Ipaghihiganti ko si ama!" naiiyak na sigaw ng prinsepe ng mga Darkenians at umalis. Kasabay nito ang pagkawala ng mga Darkenians.   -   Marsides' POV   Nakarating na kami ng prinsesa sa mundo ng mga tao. May alam akong bruha na p'wedeng alagaan ang prinsesa sapagkat alam kong hanggang dito nalang ang buhay ko dahil nararamdaman kong may nakasunod sa'ming mga Darkenians. Kaagad naman akong tumakbo papunta sa bahay ng aking anak na bruha.   Inilagay ko sa harap ng pintuan niya ang prinsesa at ginawa itong invisible. Ang makakakita lamang sa prinsesa ay ang mga nilalang na may mabubuting puso, hindi ang mga taong sasaktan siya.   Nakita ko namang naging invisible ito at kinausap ang aking anak gamit ang aking isipan.   "Anak, nasa labas ang prinsesa, alagaan mo siya, sapagkat hinabilin siya sa'kin ng mahal na reyna. Nawa'y naibigay ko ito sa may mabuting puso, huwag mo itong papabayaan bagkus turuan mo siyang lumaban. Ilayo mo siya sa mga Darkenians, sapagkat siya ang magliligtas sa mga nilalang na naninirahan sa mundo ng mahika. Hanggang dito na lamang ako, salamat mahal kong anak." emosyonal kong usal sa isipan ko.   Nakita ko namang lumabas siya mula sa kan'yang bahay, nabigla naman ito. Kaya, pagkakataon ko na upang lumisan at lituhin ang mga Darkenians. Alam kong nasa mabuting mga kamay ang prinsesa, habang naglalakad ako ay nakakita ako ng Darkenians.   Kaagad naman nila akong dinakip.   "Nasaan ang prinsesa!?" pasigaw na tanong ng kawal.   "Hindi ko alam." simple kong sagot.   "Papatayin kita kapag hindi mo sinabi kung nasaan ang prinsesa." matalim na saad ng isang pamilyar na boses.   Alam ko ang tinig na iyon, siya ang pinakaimportanteng rama sa Darkenians.   Anak... Anak ko.   "Alam ko namang pagkatapos ko sabihin sa'yo kung nasaan ang prinsesa, papatayin mo rin ako, hindi ako stupido." walang ka emo-emosyong pang-iinis ko sa kan'ya.   "Kung hindi ka rin aamin ngayon, magpaalam ka na sa pinakamamahal mong buhay. Walang k'wenta!" naramdaman ko naman ang kirot sa aking dibdib, nasaksak niya na pala ako. Ipikit ko na lamang ang aking mga mata at dinamdam ang kirot.   Paalam, Prinsesa. Hanggang sa muli...   Pangako, magkikita pa rin tayo sa takdang panahon...   - The Lost Princess. Chapter 1. Fantasy.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD