The Lost Princess
© All Rights Reserved 2018
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Plagiarism is a CRIME punishable by LAW.
Genre: Fantasy
The Lost Princess. Jellian Kim yeexizx.
Total estimated number of words: 130,900 words.
No soft-copies.
PROLOGUE
Written by yeexizx
Someone's POV
Wala na akong oras... Kailangan ko nang patayin ang babaeng nasa propesiya... Kung hindi, mauubos ang lahi naming mga DARKENIANS!
-
Napadaan ako sa isang iskinita sa aming lugar, nakatingin sa'kin lahat ng nag-iinuman.
Mukhang may gagawin nanaman sa'kin ang mga ito, kung bigyan ko kaya ng leksyon ang mga ito?
"Hoy babae!" sigaw sa'kin ng isa sa mga nag-iinuman.
Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy na lamang sa paglalakad.
"Miss? Hindi pa kami nagsasaya, aalis ka na kaagad?"
"Halika rito at samahan mo kami uminom!" malakas na usal naman ng isang nag-iinom.
Aalis na sana ako nang hawakan niya ang braso ko ng sobrang higpit.
"Ikawshh! Waagggg kasngggg umaalishhh 'di paaaaa tayosh taposhhh!" lasing na saad ng isang lasinggero.
Halata mo rito na marami nang nainom at wala na sa katinuan. Lalapit na sana ito nang magsalita ako.
"Huwag kang lalapit." malamig kong sambit rito ng wala man lang kaemo-emosyon.
Lalapit na sana ito sa'kin nang makaramdam ako ng malakas na enerhiya. Naramdaman ko naman ang pagbabago ng kulay ng mga mata ko.
'Wag ngayon!
"H-Halimaw!"
Susuntukin na sana ako ng isang lasing na lalaki nang mahawakan ko ang kamay niya at pinaikot ito, napainda nalang ito sa sakit. Sumunod naman ang isa at pinagsisipa ko hanggang mapaupo siya. Ang huli naman ay nakatingin lamang sa kawalan habang pinapanood niya kung paano ko puruhan ang mga kasamahan niya, tiningnan ko lamang ito ng matalim at masama. Halatang takot na takot sa'kin ang isang lalaking ito at napaupo nalang ng biglaan.
"H-Halimawww! E-Engkanto!" sigaw nito.
Mabuti na lamang at gabi, walang tao dito sa eskinita. Tanging mga taong nag-iinuman lamang ang nandito kaya wala akong poproblemahin.
"Hindi ako halimaw at engkanto, kahit tao. Hindi lang talaga ako ordinaryo katulad niyong mga tao."
"Binibigyan ko kayo ng sampung segundo upang tumakas, pag hindi pa kayo nakalayo, PAPATAYIN KO KAYO!" pananakot ko rito't tumakbo silang lahat.
Malas na buhay 'to! Lagot nanaman ako kay Inang Tamara!
-
The Lost Princess. Prologue. Fantasy.