“B-BITIWAN M—MO AKO, H-HAYOP KA! N-nagsasaya ’yong tao, eh! Pakialamero ka talaga!” galit na utos ni Celestine sa lalaking basta na lamang kumarga sa kanya na parang isang sakong bigas at basta na lamang siya isinampay sa balikat nito. Nakatiwarik ang ulo niya sa likod. Ngunit hindi man lang nagpatinag ang lalaki. Bagkus mas lalo lamang binilisan ang bawat hakbang. Hindi nito alintana ang mga maraming tao na nasa loob ng bar at para itong hari na naglalakad sa gitna, sa bawat nadadaanan nito ay bigla na lamang nahahawit ang mga tao. “J-Jenny! T-tulungan mo ako! Tinangay ako ng isang Kapre!” sigaw ni Celestine nang nasa bukana na sila ng pintuan. Nauutal na ito, halos hindi na makabigkas ng mga salita dahil sa labis na kalasingan. Dumagdag pa sa kanyang pagkahilo sa paraan na pagkarga sa