Ayaw Kong Magpakasal

1616 Words

“Ate Tin-tin, mabuti naman dumating na kayo. Ipaghahanda ko po kayo ng pagkain. May natitira pa po kasing lechon manok. Sampung lechon manok kasi ang pina-deliver ni Itay,” salubong sa kanya ni Minggay ang kanyang kapatid na kasunod sa kanya. Ito ang naiwan sa bahay at nag-aalaga rin sa tatlo pa nila ng kapatid na nag-aaral ngayon sa Elementary samantalang nasa third year high school naman si Minggay. Ayaw na nga sana nitong mag-aral ng high school dahil sa sobrang hirap ng kanilang sitwasyon. Nais nitong tumulad sa kanya. Tumulong na lang sa mga magulang. Ngunit labis iyong tinutulan ni Celestine, dahil ayaw niyang matulad sa kanya ang mga kapatid. Inaapak-apakan ng mga taong nakakaangat dahil mababa lang ang kanyang pinag-aralan. Mataas ang pangarap niya para sa mga kapatid dahil naniniw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD