CHAPTER 14 “Tin-tin, bakit ka umiiyak? Ano ’ng nangyari sa ’yo? Sinasaktan ka ba ng lalaki na ’yon?” puno ng pag-aalalang tanong ni Ryan sa kanya. Ito kasi ang kanyang tinawagan para may makakausap at mahingan ng advise. Si Jenny sana kaso umalis pa ito. Mabuti na lamang at nakuha pa niya ang contact number ng kaibigan kanina kaya niya ito natawagan. “Huwag kang mag-aalala sa akin hindi naman niya ako sinaktan, Ryan. May hihingin lang sana ako favor sa ’yo.” “Spell it, Tin. Ano ’yan, ha?” may himig pa rin na pag-aalala ang boses ni Ryan. Ramdam kasi ito ang lungkot ng kanyang tinig. “P-p-puntahan mo ako rito sa bahay namin, Please Ryan. Kailangan ko ng kausap ngayon.” Nahihirapang sambit ni Celestine dahil sa sobrang paninikip ng kanyang dibdib. Kailangan niyang may makakakausap dah