Kasalukuyan lang ako na nagluluto ng meryenda. Toron ang niluluto ko dahil ‘yun lang naman ang alam ko na lutuin at saka ‘yun lang ‘yung available na ingredients dito sa bahay. Alangan naman na magluto ako ng bake mac or pizza, ang sosyal naman yata noon. ‘Yun kasi ang kadalasan na mine-meryenda ko sa bahay, tapos noong minsan na nagpaluto si Dad ng toron sa cook namin, ‘yun yung first time na makatikim ako no’n at nagustuhan ko ‘yon agad kaya inaral ko na lutuin. At ‘yun nga ang niluluto ko ngayon. Medyo marami-rami rin ‘to dahil inutusan talaga ako ni Aling Celine na magluto ng marami dahil may bisita raw sila mamaya. Nabanggit ni Adam sa akin kanina noong tinutulungan niya ako na magbalot ng saging na pupunta raw mamaya ‘yung mga katrabaho ni Aling Celine sa munisipyo para pag-usapan ‘y