"Kamusta ka naman sa Maynila, Romeo?" Narinig kong tanong ni Aling Celine kay Romeo habang nagsisimula na kaming kumain ng hapunan. Sadyang niyaya pala ni Aling Celine si Romeo na dito na kumain ng gabihan kaya pala ito dumalaw ngayong gabi rito. Mukhang sinabay niya lang talaga ang pag dala ng bulaklak sa akin. Katabi ko ngayon si Romeo, talagang sinadya ko 'yon para ipakita talaga kay Apollo na close na kami agad ni Romeo kahit hindi naman talaga. Usually kasi ay si Adam ang katabi ko sa upuan habang nagsosolo naman si Apollo sa kabilang parte ng lamesa. Pero ngayon ay sila ang magkatabi ng Adam habang si Aling Celine naman ay nakaupo sa may kabisera. Si Adam ang kaharap ko habang si Romeo naman ang kaharap ni Apollo. "Ayos naman, Ninang." Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag ngiti