Sunod-sunod na pagkatok sa may labas ng bahay ang narinig ko kasabay nang pag tao po ng kung sino man ‘yon na naging dahilan kung bakit ako napatigil sa ginagawa ko. Kasalukuyan ko lang kasi na iniinit ‘yung sinigang na baboy na niluto ko kaninang tanghali. Maya-maya ay maghahapunan na rin kami. Sinilip ko ang sala, nag babakasakali na nandoon si Adam para siya ang mag bukas ng gate pero wala na siya roon. Parang kanina lang ay natanaw ko pa siya roon na nagbabasa ng libro, siguro ay hindi ko lang namalayan na umalis na siya dahil abala ako kanina na mag in-in ng sinaing. Mukhang ako lang din naman ngayon ang nakakarinig noong kumakatok sa labas kaya nag pasya na muna akong iwan ang niluluto ko at pag buksan ng gate kung sino man ‘yung tao sa labas. Didiretso na sana ako papalabas ng bah