"Apollo, ‘wag mong kakalimutan na samahan si Bashyang sa bayan para mamalengke huh, nasa counter na ‘yung pera na pang grocery, iniwan ko na doon. Kayo ng dalawa na ang bahala dito sa bahay...” Kasalukuyan lang ako na naliligo rito sa loob ng banyo nang marinig ko ang mga sigaw na ‘yon ni Aling Celine kaya hindi ko maiwasan na mapatigil sa pag sha-shampoo ng buhok ko. “Ako’y aalis na.” Sigurado ako na aalis na ang matandang babae para pumunta sa trabaho nito sa munisipyo. Ang ibig sabihin no’n ay kami na namang dalawa ni Apollo ang naiwan dito sa bahay. Maaga kasing umalis si Adam dahil kailangan daw niyang pumunta sa kampo nila para kunin ang mga naiwan niyang gamit doon. Wala na kasi silang pasok ngayong linggo dahil piyesta na nga at bakasyon na rin. And speaking of Apollo… wala na n