KINABUKASAN...
Mabilis kong isinuot ang hoodie ko nang pumasok na ako sa isang convenient store nang makababa na ako sa kotse na inarkila ko. Hindi ko kasi pwedeng dalhin kagabi ang kotse ko dahil sigurado akong baka magising si Dad.
Yes!
Nakaalis na ako sa bahay kaninang madaling araw.
Kung hindi ako nagkakamali ay almost 8 hours na akong nawawala. Nagpatigil lang muna ako dito sa isang store para bumili ng mga pagkain para sa mahabang biyahe ko.
Syempre, hindi naman ako pwedeng mag-stay around Manila dahil hindi malabong mahahanap ako ni Dad kaya naman balak kong lumuwas ngayon sa isang probinsya.
Hindi ko pa sure kung saan dahil duhh—wala naman akong alam na mga probinsya ehh kaya naman bahala na lang si Manong Driver. Mahalaga ay babayaran ko siya ng malaking halaga.
Mabilis ko nang kinuha ang kakailanganin ko at sinigurado ko na hindi ako mawawalan ng pera. Like what I've said-- wala pa akong alam na pupuntahan sa ngayon.
Pagkatapos kong mamili ay agad na akong pumila sa counter para bayaran yun.
Shit!
Hindi ako sanay na nagtatago ako sa mga tao. Like, what the f**k-- bakit ko naman itatago ang maganda kong mukha diba pero wala naman akong magagawa kundi ang gawin toh kasi hindi ako sigurado kung walang nakakakilala sa akin dito.
Sikat ako ehh.
Laman ako ng mga night clubs and bar tuwing gabi, and minsan na fe-featured na rin ako sa mga NEWS TV tungkol sa pagiging anak ko ng isang heneral.
My life is pretty perfect-- just scratch the part na arrange marriage ako at hindi ko kayang mahalin ang boyfriend ko ng malaya.
Hayyss.
Sana lang talaga ay mabasa niya na agad yung message na sinend ko sa kaniya kagabi bago ako lumayas sa bahay.
Typing...
'Babe, it's me-- Laurelle. I know it's been almost 6 months after you left and what I'm going to tell you right now is kinda crazy. But, if you are reading this maybe I'm not around Manila. Why? Because I left our house, I left Dad. Dont ask me why. I need to end this message right away because I dont really have much time. So, to make this message short -- MAGTANAN NA TAYO PAGBALIK MO! I'm willing to give you everything basta makasama lang kita.
I love you! '
And that is what I wrote to my message for him. Well, to be honest-- hindi ko alam kung kailan pa niya yun mababasa pero ang importante ay ang mabasa niya yun.
Gaya nang sinabi ko, handa akong magpabuntis sa kanya para lang hindi matuloy ang arranged marriage na yun.
I know na hindi na uso ang pagtatanan sa panahon ngayon pero yun lang ang tanging alam kong gawin para matigil na ang kalokohan sa buhay ko.
Bumalik na ako sa sasakyan.
"Let's go Manong. Mag-drive ka lang po. I want to go in province, any province will do. Basta yung malayo dito. "Diretsong wika ko kay Manong.
"Sige po Ma'am." nakangiting wika niya sa akin.
Nagsimula na nga siyang mag-drive. Buti na lang at tinted itong kotse na na arkila ko kaya hindi ko kailangan na magsuot ng hoodie sa buong biyahe namin.
Makalipas ang ilang minuto...
"Ma'am?"Agad na wika ni Manong out of nowhere.
Pinagtaasan ko naman siya ng kilay nang batuhan ko siya nang tingin habang nakatingin naman siya sa may rear mirror ng sasakyan.
"What? "I asked.
"Baka po nabo-boring kayo. Gusto niyo bang buksan ko itong radyo? "Tanong niya.
"I don't really care. Kung gusto niyo, it's fine with me." I said without any interest.
Wala akong panahon para mag-isip kung gusto ko ba na makinig ng radyo or what dahil madami na akong bagay na iniisip ngayon.
Hayyss.
Binuksan nga ni Manong yung radyo at balita agad ang lumabas don kesa tugtog.
'Kapapasok pa lang na balita. Idineklara na nawawala ang kaisa-isang anak na babae ni General Enrique Carter ngayong araw. '
Hindi ko mapigilan na mapalaki ang mata ko dahil sa narinig kong balita.
Shit!
I'm on the news!
Fuck!
Kahit nagulat ako ay hindi ko naman pinahalata kay Manong ang tunay kong nararamdaman dahil ayokong paghinalaan niya ako. Kaya naman, nanatili lang ako na nakaayos dito sa inuupuan ko at muling nakinig sa balita.
'Hindi pa kumikilos ang mga kapulisan ngayon sapagkat halos mag si-siyam na oras pa lang nawawala ang dalaga. Ito ay nasa edad bente-singko na nag ngangalang-- Laurelle Carter. Kasalukuyan na nakikipagtulungan na ang mga sundalo ni General Carter sa mga kapulisan upang ibigay ang mahahalagang impormasyon na pwedeng makapagsabi kung bakit nawawala ang dalaga. Napag-alaman na ito ay galing pa sa isang kilalang club kagabi kung saan sinundo pa siya ng mga sundalo.
Nagkaroon daw ng hindi pagkakaunawaan ang mag-ama at pinaghihinalaan na ito ay lumayas.Tumutok sa mga susunod pang balita. '
Gosh!
Alam na agad nila na naglayas ako? Sooner or later ay ipaghahanap na ako ng mga kapulisan at kasama pa ang mga sundalo ni Dad.
Baka maging epic fail itong paglayas ko. Huhuhu.
Wag naman sana.
"Hayy. Grabe na talaga ang mga kabataan ngayon. Akala ba nila ay makakaya nilang mag-isa kapag lumayas sila sa puder ng mga magulang nila. Tsk. "Wika ni Manong kaya hindi ko maiwasan na mapatingin sa kaniya.
Fuck.
See that?
Sinabi lang kasi nila na nagkaroon kami ng misunderstanding ni Dad pero hindi nila sinabi ng detalye kaya napapasama ako. Eh bakit kaya hindi nila sinabi na kaya ako lumayas ay dahil pinipilit niya akong ipakasal sa lalaking hindi ko naman kilala.
Tsk.
Hindi ko na lang yun pinansin.
FAST FORWARD
Halos pitong oras na kaming nag ba-biyahe. Actually, kagigising ko lang ngayon at pagmulat ng mga mata ko ay iba na agad na lugar ang nakikita ko-- I mean, malayong-malayo sa lugar na kinagisnan ko.
Hindi ko maiwasan na lalong buksan ang bintana para mas malinaw kong makita ang lugar.
Walang matataas na mga buildings, halos wala nga akong makita na mga sasakyan at tsaka -- hindi pa sementado ang kalsada.
I dont even see markets or malls.
As in-- parang wala! Parang ang boring ng mga nakikita ko.
May mga batang naglalaro sa tabi ng kalsada kasi maghahapon na.
Shit!
What kind is this place?
"Manong, nasaan na tayo? "Tanong ko at tsaka binatuhan ko siya nang mabilis na tingin.
Medyo mabagal na kasi ang takbo namin ngayon kasi gaya nang sinabi ko, hindi sementado ang kalsada at marami din ang mga bata sa mga tabi-tabi.
"Ahh. Nasa probinsya ko po kayo ngayon Ma'am. Naisip ko kasi na dito ko na lang kayo dalhin tutal gusto niyo naman po ng probinsya na malayo. Para mapuntahan ko na rin ang pamilya ko dito. "Sagot niya sa akin habang patuloy pa rin na nagmamaneho.
"Ganon ba. Okay. Then- ihatid niyo na lang ako sa pinakamalapit na hotel dito. "Sagot ko at sumandal na lang ako sa pagkakaupo ko sa upuan ko.
"Pasensya na Ma'am. Wala pong mga hotel dito."at dahil sa sinabi niya kaya napa-angat na ulit ang likod ko.
"What?! What do you mean na wala? "Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Malayo po sa kabihasnan ang probinsya na toh Ma'am. Malayong-malayo sa Manila. Masaya ang mga tao dito kahit na ganito lang ang buhay. Ang mga pwedeng tulugan niyo dito ay yung mga taong kakilala niyo lang dahil kahit boarding house ay wala dito. "Wika niya.
Napa nga-nga ako sa mga narinig ko sa kaniya.
What the f**k!
Ang sinabi ko probinsya pero parang impyerno naman ata itong pinagdalhan niya sa akin.
Walang hotel? And even boarding house ay wala din? My gosh!
Mas malala pa pala ito sa iniisip ko.
"Wala din po ditong cignal Ma'am. Kaya pagpasensyahan niyo na kung hindi gumagana ang Cellphone niyo dito. Kahit nga po mga telebisyon ay wala kami. "
Dahil doon kaya nawala ang pagkakakunot ng noo ko.
Good thing! It's fine with me. Actually, that's better right.
Yun naman talaga ang lugar na kailangan ko eh. Yung lugar na walang cignal o TV para walang makakilala sa akin.
This is the right place.
Binabawi ko na ang sinabi ko kanina that this place is hell-- I love here.
Diretso pa rin na nagmamaneho si Manong hanggang sa mapagawi ang paningin ko sa isang bahay.
Bakit? Simple lang. Dahil sa dami ng mga bahay na nadaanan namin kanina ay yun lang yung tanging may dalawang palapag.
Hindi malaki gaya ng bahay namin pero masasabi ko na may kaya sila. Sa part din ng lugar na ito ay medyo maayos na yung kalsada. May konting sementado pero putol-putol.
'WANTED: KASAMBAHAY'
Yun ang karatula na nabasa ko sa labas ng gate nila kaya naman--
"Manong dito na lang ako bababa. "Agad na sambit ko kaya mabilis na huminto si Manong.
"Ahh sige po Ma'am. "Wika pa ni Manong.
Tinulungan niya ako na ilabas yung bag ko na may laman na mga damit tsaka binayaran ko na siya agad.
"Salamat po Ma'am. "Sambit niya pero hindi ko na lang yun pinansin dahil nakatingin lang ako ngayon sa kabuuan ng bahay.
Kung wala akong pwedeng matuluyan na bahay sa lugar na toh kasi wala akong kakilala-- then, mas maganda kung papasok na lang ako bilang katulong.
Yeah I know!
Wala ako masyadong alam na gawaing bahay pero lagi ko naman nakikita ang mga katulong namin kung paano maglinis at magtrabaho.
Luckily, I know how to cook. I got that talent from my Mom.
Napagpasyahan ko nang lumapit sa bahay na yun at kumatok.
Hindi naman nagtagal ay unti-unti na yung bumukas at isang gwapong lalaki ang bumungad sa mga mata ko. Mukhang magkasing edad lang kami o parang mas bata siya ng konti sa akin.
Nilakihan niya yung pagkakabukas nung gate at medyo nagstep-forward siya para medyo lumapit sa akin.
"Ano po yun Ma'am? "Tanong niya.
My god! May ganito pa lang mga mukha sa probinsya. In fairness huh! Gwapo siya--
"Sino yan Adam? "Boses pa ng isang lalaki sa may likuran. Nang lingunin nung lalaki na nasa harapan ko yung nagsalita kaya naman nagkaroon din ako ng pagkakataon na makita kung sino yun at--
OH MY GOD!
ISANG MAS GWAPONG LALAKI ANG NAKIKITA NG MGA MATA KO AT-- (NAPALUNOK AKO NG LAWAY)
TOPLESS SIYA!
Shit!
He's hot.
Lalo na at lumapit na rin siya sa tabi nung unang lalaki kaya lalo kong napagmasdan ang gwapo niyang mukha.
Fuck!
Mukhang nagkakasala ako kay Zandro! ERASE.
"Anong kailangan mo Miss? "Tanong nung pangalawang lalaki.
Huminga muna ako ng malalim para magsalita.
"Naghahanap kayo ng katulong? "Tanong ko. Napatingin naman sila sa akin mula ulo hanggang paa at napansin ko na para bang hindi sila makapaniwala sa tinanong ko.
Kung ganito ba naman ka-gwapo ang makakasama ko sa bahay-- WHY NOT!