CHAPTER 04

1975 Words
Kahit na nagwa-gawapuhan ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon, hindi ko pa rin maiwasan na lihim na mapakunot ng noo nang mapansin ko kung paano niya ako tingnan mula ulo hanggang paa. Hindi ko ‘yun nagustuhan! It’s like, he’s examining my whole being on that kind of look. It’s insulting! Siya lang ang nakakatingin ng gano’n sa akin and it’s irritating me. Oo na. He's as hot as hell; his broad shoulder, chiseled chest, and wonderfully formed biceps make me want to cling to him. Halatang laman siya ng mga gyms, oh wait… may gyms nga ba sa ganitong lugar? I don’t think so. Anyway, he was dressed in a plain pair of faded gray shorts and a black racerback sando. May hawak din siya na maduming bimpo, lagi ko ‘yung nakikita na hawak ng mga driver namin sa bahay kaya sigurado ako na naglilinis siya ng sasakyan. Kung hindi ko lang kailangan nang matutuluyan na bahay ngayon, baka nilabahan ko na ang mga nakaka-insulto niyang tingin sa akin. Pero hindi! Kailangan kong maging mabait dahil kailangan kong makapasok bilang kasambahay sa bahay na ‘to dahil kung hindi, hindi ko alam kung saan ako pupulutin. “Sigurado ka ba na kasambahay ang pinapasok mo?” Seryoso at walang emosyon na tanong niya sa akin pagkaraan ng ilang segundo na pagtitig niya. Hay nako! Kakasabi ko nga lang, ‘di ba? At para saan pa ang karatula na nakadikit sa bahay nila kung itatanong pa nila sa akin kung pagiging kasamabahy ang pinapasok kong trabaho. Sasagot na sana ako kaya lang napansin ko ang pagbulong noong isang lalaki sa may likuran niya na tinawag niyang Adam kanina. Masyadong tahimik ngayon sa paligid namin kaya hindi sinasadya na narinig ko ang ibinulong niya sa gwapong lalaki na nasa harapan ko. “Hindi siya mukhang mahirap, kuya.” Dinig ko. Hindi ko alam kung bakit nasabi niya na mukhang hindi ako mahirap-- oh f**k! Yeah right. I get it now! Napasilip ako sa bag na bitbit ko ngayon. Sino ba naman kasing tanga na papasok bilang isang katulong samantalang branded na Louis Vuitton bag ang bagahe na dala ko. Idagdag pa ang branded na LV shoes na suot ko rin ngayon. Kahit na naka-hoodie lang ako at itim na leggings, mukhang mayaman pa rin ako dahil sa sapatos at bag na dala-dala ko. Silly Laurelle! Kung papasok ako bilang katulong, hindi ba dapat magmukha akong mahirap at ‘yung tipong nangangailangan talaga? Kailangan kong makapag-isip ng paraan. Maybe, a slight change in how I speak will work. Hindi naman pwedeng mag-english ako or ‘yung tipong slang ako na magsalita ng Tagalog. In a circumstances like this, that will not be helpful. Buti na lang at marami-rami kaming katulong na probinsiyana kung saan ay naririnig ko na iba nga ang dialect nila, I should give it a try, right? “Serr, ay kailangan ko po talaga ng trabaho eh.” Panimula ko, idiniin ko pa talaga ‘yung ‘eh’ na salita.. Geez! I’m not used to this. Kung naririnig ako ng mga kaibigan ko ngayon, like Tracy and Amy… for sure, they will laugh at me. “Marunong po ako ng mga gawaing bahay…” Even though I'm not convinced about that, who cares? “Ayy napakasarap ko rin pong magluto, aba! Subukan niyo po ako.” That one… meron naman akong ibubuga. I’m a good cook! I sounded so mayabang sa mga sinasabi ko, as if naman na marami talaga akong alam sa pagiging kasambahay. Kaya lang, dahil nga kailangan ko nang matitirahan, kahit pagiging katulong-- papasukin ko na. “Talaga? Magaling kang magluto?” Parang nakuha ko naman ang atensyon noong Adam dahil sa sinabi ko. Mukhang tuwang-tuwa rin siya nang sabihin ko na masarap akong magluto. Maybe, I should use that as my stepping stone. “Ayy nako po. Oo namna po, serr. Sira ang diet niyo kapag ako ang nagluto ng mga pagkain niyo.” And that comes off as me bragging. Pero, katulad nga nang sinabi ko… meron naman talaga akong maipagyayabang when it comes to cooking. Mas magaling pa nga ako sa chef namin dati. “Sige, tanggap ka na. Sawa na ako sa luto ni Kuya-- aray!” Hindi natuloy noong Adam ang mga sinasabi niya dahil nakita ko ang mabilis na paniniko noong kuya niya na nasa harapan ko. Siniko kasi niya ito sa may tiyan na naging dahilan nga nang pag-aray nito. Nanatili pa rin ang walang emosyon na mukha noong gwapong lalaki nang magsalita na ito, “Ikaw ba ang magpapasweldo?” Medyo sarkastiko na wika noong lalaki sa kapatid niya. “Kuya Apollo naman… sawa na nga ako sa luto mo.” Oh. So his name is Apollo: one of the Olympian deities in Greek. That name suits him well, especially since he looks like a god on that aristocratic physique. That’s so interesting! “Wala pa si Mama, nasa kapitolyo pa. Siya ang magde-desisyon…” Seryoso na naman na saad nu’ng Apollo hanggang sa batuhan niya na ako nang tingin. Wala ring mababakas na kahit anong emosyon sa mga mata niya nang magsalubong ang paningin namin. “Pero pumasok ka na muna sa loob, pauwi na rin naman ‘yun dahil hapon na.” Hindi niya na nga hinintay pa ang sasabihin ko dahil nauna na siyang tumalikod para pumasok sa loob. Naiwan sa harapan ko ang nakakabata niyang kapatid na si Adam kung saan ay malapad ang ngiti niya sa akin. “Pasok ka.” Binuksan niya ng mas malaki ‘yung gate ng bahay nila para magkasya rin ‘yung dala kong bag. Sabay na kaming naglalakad ngayon. “Tulungan na kita diyan sa dala mo.” Nang aabutin niya na sana ang bitbit kong bag-- iisa lang naman ‘yun pero malaki-- agad ko ‘yung iniwas at saka inilayo sa kaniya. “No thanks.” Mabilis na sagot ko. s**t! Not with that filthy hands of him. This bag is expensive. Duh! Napansin ko na natigilan siya sa sinabi. Doon ko na-realize na medyo maarte pala ang pagkakasabi ko noong no thanks… ‘yun siguro ang dahilan kaya napatigil siya. Old habits, die hard! Geez! Sa likod ng isip ko, napa-irap na ang mga mata ko sa kaniya, pero kailangan kong maging mabait dahil hindi pa naman official na tinatanggap na nila ako bilang kasambahay nila dahil hinihintay pa raw nila ‘yung mama nila. Lalo na at siya lang ang halatang approve sa akin kaya kailangan kong maging mas mabait sa kaniya, ‘di ba? “No tenks na, serr, ayaw ko naman pong mapagod pa kayo. At saka, magaan lang din naman po ito.” Itinaas-baba ko pa ‘yung bag na bibit ko para ipakita sa kaniya na magaan talaga. Tumawa naman siya ng mahina, buti na lang at hindi na rin siya na nagpumilit pa. Nang tumawa siya, naging visible sa paningin ko ‘yung dimple niya sa kaliwang bahagi ng pisngi niya. He’s cute, unlike his brother-- hot as f**k! Gwapo rin naman siya pero in a charming way, baby face kasi at mukhang innocent boy rin. Hindi ganyan ‘yung mga tipo ko. Apollo is the perfect definition of my type. He looks dominant, rough and aggressive, I like that. Napapangisi na lang ako sa malanding isip na tumatakbo ngayon sa utak ko. Pero dahil nga may boyfriend ako, ekis na siya sa akin. Loyal ako, ‘no. Pumasok na nga kami sa loob ng bahay nila. In all fairness, mukha talaga silang may kaya. May sofa set naman sila na kulay beige, maliit lang ang sala nila unlike sa bahay namin pero okay na ‘yun. Kung magiging katulong nila ako, hindi ako mahihirapan na maglinis. Bumungad din sa paningin ko ang magadang tiles sa sahig, it looks like a marble. May counter, mga vase na may lamang maliit na kawayan, may flatscreen TV, may maliit na counter para sa santo at simpleng chandelier sa taas. Beige and brown ang scheme color ng living room nila. Kung meron lang akong irereklamo, siguro ‘yun ‘yung hindi fully air-conditioned ang buong bahay hindi katulad ng bahay namin. Ang init! Natanaw ko pa sa may hindi kalayuan ang kapatid niya na si Apollo, ‘yung sala kasi ay kadugsong lang din ng kitchen nila. ‘Yung mahabang counter ang nagsisilbing divider ng lugar. Nakatalikod si Apollo habang nakaharap siya sa may sink, base sa pag galaw ng balikat niya, I think naghuhugas siya ng kaniyang kamay. “Maupo ka,” saad ni Adam sa akin kaya napunta na sa kaniya ang atensyon ko. Umupo nga ako kasabay nang pagpatong ng bag ko sa katabi rin na upuan. Alangan naman na ilapag ko ‘to sa sahig? That’s a big NO! “Ano nga palang pangalan mo?” tanong niya pa sa akin. Sasagot na sana ako ng Laurelle ngunit awtomatikong inihinto ko muna ang bibig ko sa pagsasalita. Laurelle Carter? It sounds expensive, right? Parang ako lang-- expensive rin. Mukhang hindi babagay ang pangalan ko sa trabahong papasukin ko. I need to come up with a different name that I can use as my disguise. Nang makapag-isp na ako ng pangalan, doon na ako sumagot, “Bashyang, serr.” Napatango-tango si Adam sa harapan ko pero napagawi naman ang paningin ko sa may gilid nang makita ko na binuksan ni Apollo ‘yung ref at kumuha siya nang tubig doon. Uminom siya sa isang bottled water, hindi ko alam kung bakit napako ang paningin ko sa kaniya. I could see his Adam's apple moving from where I was seated due to drinking. Sa hindi ko malaman na dahilan, napalunok na rin ako. I feel as thirsty as I do for him! f**k! It's ridiculous! Kailan pa ako nauhaw sa isang lalaki? Wake up, Laurelle! Loyal ka! Kailangang mawala sa paningin ko ang gwapong si Apollo, dahil kung hindi… mas lalong lolokohin ka lang ng malanding utak mo. “Serr, pwede ba akong gumamit ng banyo. Nawiwiwi na ako.” What the f**k, Laurelle. Saan naman nang galing na baul ang salitang wiwi na ‘yan. Yuck! That’s gross. “Ah sige. Nandoon lang sa may kanto ‘yung banyo.” Tinuro pa ni Adam sa akin ‘yung daan, dumiretso na nga ako doon hanggang sa may nakita na nga akong kulay puting pintuan kung saan ay alam kong banyo na ‘yon kaya pumasok na ako sa loob. Pagpasok ko sa loob, agad na bumungad sa paningin ko ang maliit na espasyo ng banyo. Sobrang liit noon. Baka nga hindi kasya ang apat o lima na katao sa loob noon ng sabay-sabay. May salamin na parang cabinet ang loob, may malinis na bowl, tiles and white na sink. “Walang shower?” Hindi ko maiwasan na maitanong sa sarili ko ‘yon lalo na at wala nga akong nakita na shower. Wala rin akong nakitang bathtub. Isang malaking tumbler lang na kulay green ang nakikita ko, faded na rin ang kulay no’n dahil na rin siguro sa kalumaan. Puno ‘yun ng tubig at may pulang tabo rin doon na nakalagay. “And what the heck? Walang flush ang toilet nila?” Mahinang saad ko ulit. Hindi ako makapaniwala. What sort of place is this? Napailing na lang ako. Doon ko naalala na hindi pala ang shower o ang flush ng toilet ang kailangan kong problemahin sa ngayon, kung hindi ang Apollo na ‘yon. He’s too hot to handle. That goddamn man seems to be too much for my flirty mind to ignore. Do I genuinely believe I can get through a circumstance like this? Not according to me. f**k! Mukhang mahihirapan ako. Ngayon pa nga lang ay sobrang nauuhaw na agad ako sa kaniya na hindi naman dapat. Oh God! Please help me. I love my boyfriend, Zandro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD