“Sige, pwede niyo na kaming iwan. Umuwi na kayo at mag pahinga.”seryosong wika ni Dad sa tatlong sundalo niya na naghatid sa amin dito sa loob ng bahay. Well, tuwing umaga- punong puno ng sundalo ang bahay namin kasi nga mabait si Dad when it comes to his platoon. Sobrang responsible niya when it comes to leading them kaya naman pinagkakatiwalaan siya ng mga ito and vice versa. Tuwing gabi naman ay bumabalik sila sa kampo nila kaya naiiwan lang kami ni Dad dito pati na rin ang dalawa naming kasambahay tsaka si Manang-- ang head cook na rin namin.
Nag-salute naman sila kay Dad bago sila tuluyan nang umalis.
Nakaupo lang naman ako dito sa may sofa ng sala habang hinihintay na humarap na sa akin si Dad para sabihin yung pag-uusapan daw namin. Inaantok na ako pero syempre— hindi ko naman pwedeng sabihin yun kay Dad kasi isusumbat niya sa akin ang pagpunta ko sa club kesa ang natutulog ako sa ganitong oras.
Hindi na nga nagtagal ay humarap na sa akin si Dad tsaka walang salita na umupo sa may solo couch which is kaharap lang nang inu-upuan ko ngayon.
“Dad, ano bang sasabihin mo?”tanong ko sa kaniya.
Ilang segundo muna akong tinitigan ni Dad kaya hindi ko maiwasan na medyo mag-alala dahil sa ekspresyon ng mukha niya. Mukhang may sasabihin nga siya sa akin na mahalaga.
I can't help it but to gulp.
“Gusto kong manggaling sa'yo mismo ang kasagutan Laurelle,”may pagka baritono na wika ni Dad. Napa ayos naman ako sa pagkaka-upo ko dahil sigurado akong serious matter toh.
“W- what Dad?”tanong ko at medyo kinakahaban na ako.
“May boyfriend ka ba o wala?”diretsong tanong niya and now— I’m f*cking dead.
He gave me no choice!
Kasi yung fact na tinanong niya sa akin ang tungkol doon ay alam ko na agad na alam niya na ang lahat. Mula sa full name ni Zandro, sa trabaho nito, kung nasaan siya ngayon— I mean lahat ng background tungkol sa boyfriend ko ay sigurado akong alam niya na.
I know him well! Syempre Dad ko siya.
Actually, hindi na tanong ang ginawa niya ehh. He just want me to tell the truth.
“You gave me no choice to answer a no, right?
So yes. I have a boyfriend Dad.”seryosong sagot ko at napayuko na ako.
Hindi ko nakita ang naging ekspresyon ng mukha niya sa ginawa kong pag-amin pero narinig ko na lang ang pagbuntong hininga niya.
Tumagal ng halos dalawang minuto ang pananahimik sa pagitan namin at maya-maya pa ay nagsalita na ulit siya.
“You gave me no choice too Laurelle.
That’s why—I'm going to set you up sa lalaking pakakasalan mo as soon as possible.”
Dahil sa sinabi ni Dad kaya naman hindi ko na maiwasan na mai-angat ko ang paningin ko sa kaniya at batuhan siya nang hindi makapaniwalang tingin.
“WHAT?!”tanong ko at medyo napalakas na rin ang tono ng boses ko.
Tiningnan naman ako ni Dad na walang mababakas na ekspresyon sa mukha niya, kalmado lang din siya.
“Pinayagan kita na wag munang i-meet ang soon to be husband mo dahil panatag ako na hindi ka maghahanap ng boyfriend. Binigyan kita ng kalayaan na gawin ang lahat pero— hindi ko akalain na malilihim mo sa akin ang pagkakaroon mo ng kasintahan sa loob ng halos isang taon at kalahati. I told you, YOU ARE BOND TO MARRY---“
“Dad! Wake up!”pagpuputol ko sa sinabi niya at napatayo na rin ako sa pagkaka-upo ko.
“Hindi na uso ang arrange marriage sa panahon na toh, and DONT DO THIS TO ME! Yeah, I know you owe his Father dahil like what you’ve said he’s your friend and niligtas ka niya sa balang tatama sana sa'yo, but all of this is really unfair. Ako ang ipapalit mo doon sa utang na loob mo sa kaniya. You cant just set my own marriage to someone that I REALLY DONT KNOW!”madiin na wika ko kay Dad.
Sh*t!
This is really bullsh*t!
Lagi na lang ganito ang nagiging takbo nang usapan namin sa tuwing napag-uusapan namin ang tungkol sa arrange marriage na yun.
Dahan-dahan nang tumayo si Dad pero nanatili pa rin ang kaniyang seryosong ekspresyon nang harapin niya ako.
“Baka patay na ako kung hindi dahil sa kaniya. At sinabi ko na sa'yo, wala ako sa kinanalagyan ko ngayon kung hindi dahil sa kanya.”
“Yeah. I GET IT!
You are the gangster back then and he is a stranger who approach you and became your friend then taught you to be a better man. But Dad- this is my life. Ako ang pipili kung sino ang dapat kong pakasalan.”matapang na sagot ko pa rin sa kaniya.
“Aren’t you thankful that I am alive because of him? Because if not—then I’m thankful. VERY THANKFUL!”- Dad.
“Im thankful!”I said at sa tono nang pananalita ko ay pinapakita ko sa kaniya na talagang I mean it.
“Then marry him. Wala ka nang magagawa pa Laurelle dahil matagal nang nakaplano yun— bata ka pa lang.”
SH*T!
“I’m out! You're so unbelievable Dad!” huling remarks ko na lang tsaka tumalikod na sa kaniya. Hindi ko na hinintay pa kung may sasabihin pa siya sa akin tsaka nagmadali nang umakyat sa kwarto ko. Mabilis kong ini-lock ang pinto nun para wala nang mangyari pa na second round na pagtatalo namin ni Dad.
Padabog akong lumapit sa kama ko at pabagsak na naupo dun.
‘No Dad! I am not going to marry a stranger. If I am bond to marry that man- then I will do everything to never make it happen. I am now on the right age that’s why I can handle my own decision. Yes, nangako ako kay Mama na lagi kang susundin at aalagaan but this thing is too much for me.’ Na sambit ko na lang sa isip ko tsaka nagpasya na akong tumayo at kunin ang isang malaking bag ko sa taas ng cabinet ko.
Pumasok ako sa walk in closet.
Hindi man lang pumasok sa isip ko na darating ang araw na aalis ako dito sa bahay na toh pero kung hindi ko toh gagawin—baka magsisi lang ako kaya naman- MAGLALAYAS AKO!