Hindi ko maiwasan na mapangiwi nang makita ko kung nasaan kami ngayon ni Apollo. Ngayon lang ako nakapunta sa ganitong klase ng lugar kaya bago ang lahat nang nakikita ko sa paningin ko. What is this kind of place? Ito ba ang tinatawag nilang market? Parang ibang-iba naman yata ang alam ko at ang nakasanayan kong market sa lugar na ‘to. Wala sa sariling hinigit ko nang dahan-dahan ang manggas ni Apollo na ngayon ay nasa tabi ko lang. Naramdaman ko ang pag bato niya nang tingin sa akin kaya naman ibinaling ko rin ang mga mata ko sa kaniya. Hindi muna ako galit sa kaniya dahil kailangan kong malaman kung tama ba ang pinuntahan namin ngayon. “Tama ba itong pinuntahan natin?” Pa una kong tanong sa kaniya bago ko muling ibinaling sa paligid ang mga mata ko, “Sure ka ba na market ‘to?” Well,