CHAPTER 06

2075 Words
“Taga-saan ka nga pala, hija?” Biglang tanong sa akin ng Mama nina Adam at Apollo. She told me to call her Ma’am Celine since tinanggap niya na ako bilang magiging kasambahay nila. Hindi pa naman niya dini-discuss sa akin kung magkano ang sweldo ko or kung may mga specific ba ako na gagawin sa trabaho ko. I think, mamaya na lang niya ‘yun ipapaliwanag o bukas since kumakain na nga kami ngayon ng dinner at saka gabi na rin. To be honest, hindi ako sanay na may tatawagin ako na ma’am-- mas sanay kasi ako na ako ang tinatawag ng gano’n. Kaya lang, wala naman akong magagawa sa bagay na ‘yun dahil ito ang ipinasok ko na trabaho. At least ngayon, hindi ko na po-problemahin kung saan ako titira habang nagtatago ako kay Dad. Mukhang perfect place naman ‘to para sa akin dahil for sure… hindi iisipin ni Dad na pupunta ako sa ganitong kaliblib na lugar. Alam niya kasi na I hate provinces. Noong minsan nga na binisita namin ‘yung Lola ko na pumanaw na-- mom siya ni Dad at nakatira sa isang malayong probinsiya sa Quezon, probinsiyano kasi si Dad, hindi siya pinanganak na mayaman. He was a thug back then, nagbago lang siya noong may nakilala nga siya na kaibigan niya at naging better version na siya ng sarili niya. Nabanggit ko na ‘yun! Anyway, noong pumunta nga kami sa isang probinsiya… nasa loob pa lang ako ng sasakyan noon pero niyayaya ko na siyang umuwi. Hindi ako makakatagal sa ganoong lugar. There’s no signals, mall, even parks wala rin. Katulad na katulad ng lugar na ‘to. Dad probably didn't expect me to hide here, but I think this place will be very useful. He will undoubtedly choose to look in cities because he is aware that I will blend in more easily there than in the provinces like this place. Katulad nga nang sinabi ko dati, matalino si Dad pero mas matalino nga lang ako. Kahit na gusto ko lang kumain ng tahimik at walang istorbo, wala naman akong choice kung hindi ang i-angat ko na ang paningin ko sa kay Celine-- I mean, Ma’am Celine, para sagutin ang katanungan niya. “Taga-isla po talaga ako, Ma’am Celen bago ako napadpad sa Maynila.” Urgh! I really hate when I have to act and speak like a dumb person when I was not. Is it necessary for me to pronounce some words incorrectly, like her name? Naalala ko kasi si Manang Eugene, ‘yung isang kasambahay namin. She consistently mispronounced my name and Dad: Enreque and Lurel, when it should be Enrique and Laurelle (Lowrel). "Eh ano naman ang trabaho mo sa Maynila? Kasambahay rin ba?” tanong niya pa ulit. Nakita ko sa gilid ng mata ko na nakikinig si Adam sa usapin namin. Napapansin ko kasi na napapahinto siya sa pagsubo ng pagkain niya para hintayin ang magiging kasagutan ko. Samantalang si Apollo naman ay patuloy lang sa pagkain niya at walang ka inte-interes na makinig… ang sungit! Geez. Si Apollo kasi ang kaharap ko habang katabi naman ni Apollo si Adam sa kabilang bangko. Nasa may kabisera si Ma’am Celine. “Ay opo Ma’am Celen… noong namatay kasi ‘yung Lolo at Lola ko ay nagpasya na po akong pumunta ng Maynila para magtrabaho. Hindi po kasi ako nakapagtapos ng pag-aaral kaya wala po akong mapagpipiliian na iba’t-ibang trabaho na papasukin kung hindi bilang kasambahay lang.” I hate that one too! Not to brag but degree holder ako ng La Salle ‘no. I graduated business management. Geez! “Hayaan mo, hija. Marangal naman na trabaho ang pagiging kasambahay.” Malambing na saad ni Ma’am Celine at saka ngumiti pa siya sa akin. Well, agree naman ako sa kaniya lalo na at kadalasan ay mga katulong lang din namin ang kasama ko sa bahay lalo na kapag napapa-destino si Dad sa malayong lugar. Nakita ko na naman sa peripheral vision ko ang pagtango-tango ni Adam kahit na hindi naman siya kasali sa usapan, hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti na naman ng lihim. “Eh teka, kung nasa maynila ka na nagta-trabaho… eh bakit naman bumalik ka pa dito sa ganitong probinsiya para maging kasambahay rin. Hindi ba at dapat nasa siyudad ka? Mas maraming opportunity doon pagdating sa mga trabaho.” Doon na ako awtomatikong natigilan. Oo nga pala! Karamihan sa mga taga-probinsiya, pumupunta sila sa siyudad para magtrabaho at kung ano pa. Pero ako? Mukhang kabaligtaran ang ginawa ko… talagang dito pa ako sa probinsiya naghanap kaya siguradong nakakapagduda ‘yon. Ano naman ngayon ang idadahilan ko? Maya-maya pa ay nakaramdam na ako ng kaba nang umangat na rin ang paningin sa akin ni Apollo, mukhang pati siya ay hinihintay ang magiging kasagutan ko. Bakit naman kaya bigla siyang nagkaroon ng interest na makinig, all of a sudden? Mas nakaka-pressure pa ‘yung fact na magkaharap lang kaming dalawa ngayon dito sa upuan, magkasalubong tuloy ang mga mata namin. Bahala na! “Ayy, ayoko naman pong m-mag mukhang mayabang, Ma’am…” Pa unang saad ko at ibinaling ko na ulit sa matandang babae ang tingin ko na nakikinig din sa magiging kasagutan ko. “Pero kasi… ‘yung anak po kasi ng amo ko na lalaki ay patay na patay po sa aken. Biruin niyo po, gusto niya po akong pakasalan eh hindi ko naman po siya tipu. Natakot po ako na mapikot niya ako kaya tumakas na po ako sa bahay nila at nagpakalayo-layo. Napadpad po ulit ako dito sa probensiya dahil doon.” Thanks God! Nakaisip din ako ng meyo realistic na palusot. Buti na lang din at matapos kong sumagot ay unti-unti na ulit umiwas nang tingin sa akin si Apollo. Doon na ako nakahinga nang maluwag. Bakit kasi pakiramdam ko hanggang ngayon ay ine-examine niya pa rin ang buong pagkatao ko. That’s rude! “Ay na ko, grabe naman pala ang inabot mo sa dati mong amo. Pero, hindi ko siya masisisi kung patay na patay siya sa ‘yo, eh kaganda mong dalaga, oh. Kung hindi nga lang sinabi nitong si Apollo kanina na pumapasok ka sa amin bilang kasambahay, hindi ko iisipin na katulong ka.” Natawa na lang ako ng mahina sa sinabi niya. Well, hindi lahat ng mukha-- nabibiyayaan ng ganito kaganda. Maliit na bagay. Hindi nagtagal ay tapos na nga kaming kumain lahat. Si Aling Celine ang unang tumayo sa kaniyang inuupuan at saka hinarap niya kaming tatlo. “Ako ay aakyat na sa taas, marami pa akong gagawin,” saad niya at saka niya ako binatuhan nang tingin. “Bashyang, hayaan mo na lang muna na si Adam at Apollo ang mag-impis nitong mga pinagkainan, bukas ka na lang magsimula na magtrabaho. Alam kong pagod ka pa.” Sunod-sunod ang ginawa kong pagtango. Salamat naman at makakapagpahinga na ako. Buti na lang talaga at mabait sila dahil kung hindi, hindi ko na talaga alam-- baka hindi ako makatagal dito. Maya-maya pa ay ibinaling naman niya ang tingin kay Apollo at muling nagsalita, “Apollo, ikaw na ang bahala kay Bashyang. Ituro mo ‘yung magiging kwarto niya rito, at saka ibigay mo ‘yung mga kailangan niya huh.” Hmmm. That’s sounds nice. Ibigay ang kailangan ko? Paano kung kailangan ko ang katawan niya? Hahaha. Bad girl ka talaga Laurelle! Char lang naman ‘yon. Tumayo na nga si Apollo sa pinagkakaupuan niya nang tuluyan nang tumalikod si Aling Celine at umakyat ng hagdan. “Hala. Teka, kuya! Tutulungan mo pa ako na magligpit dito eh.” Narinig namin na angal ni Adam. “Ako na naman ang paghuhugasin mo ‘no. Madaya ka talaga.” Lihim akong napatawa dahil doon. Ang cute talaga ni Adam, mukha siyang childish despite na parang magkasing edad lang kami. Well, may pagka-childish din naman ako minsan kaya naiintindihan ko siya. “Tsk. Ako na ang nagluto kaya ikaw na ang bahala diyan.” Walang emosyon na wika ni Apollo at nauna na rin siyang tumalikod sa akin. Dahil nasa may bandang likuran niya ako kaya narinig ko na naman ang pabulong na pag-angal ni Adam pero hindi ko na rin siya nilingon pa. Nauna nang naglakad si Apollo pero nagmadali muna akong pumunta sa may sala para kunin ko ‘yung bag ko doon na nakapatong sa sofa. Pagkatapos noon ay sumunod na ulit ako sa kaniya kung saan ay patungo siya ngayon malapit sa may CR. Akala ko ay didiretso siya sa masikip na hallway sa daan papuntang banyo pero huminto siya sa tapat ng isang pinto. Kulay mahogani brown ‘yun habaang may sky blue na kurtina na hanggang itaas lang ang haba. Walang salita na binuksan ‘yon ni Apollo at saka pumasok siya sa loob. Lihim na napataas ang kilay ko. Oh f**k! Don't tell to me that the restroom will be close to my room. That’s… that’s forbidden. However, I am unable to change anything, and it appears that my suspicions were accurate—especially now that Apollo has opened the door for me so I can enter. Gaya nang sinabi ko, wala na akong magagawa pa. Pumasok na nga ako sa loob at tumamba sa akin ang isang maliit na kama. Maliit talaga ‘yun! I think, wala pa sa one half ang laki noon sa dati kong kama. It's simply an ordinary piece of old foam on top of an old bed frame. Nice! Don’t forget the sarcasm. But in all fairness, mukha namang kwarto talaga ang loob ng silid na ‘to. Hindi siya mukhang bodega na may kung ano-ano na nakalaman o nakatambak. Maayos ‘yung pagkakalapat noong white and pink na bedsheet na mukhang mumurahin sa kama, manipis kasi ‘yun at faded na rin ‘yung design kaya masasabi ko na luma na talaga. May dalawang pares ng unan idagdag pa na may bedside table din sa tabi ng kama at saka stand mirror na whole length. “Ito ‘yung magiging kwarto mo. At diyan…” Tinuro naman ni Apollo ‘yung antic na double door closet na kulay mahogany brown din sa may tabi ko malapit sa pinto na pinagpasukan ko. “Pwede mo diyang ilagay ‘yung mga gamit mo. Bakante naman ‘yung kabila niyan at malinis.” Hindi naman sa nagrereklamo ako pero-- wala bang walk in closet? Obviously, wala. Ngumiti ako ng simple, pero sana hindi niya mahalata na peke lang ang ngiti na ‘yon, “Salamat po, Ser Apol--” “Apollo na lang.” Agad na putol niya sa sasabihin ko kaya naman awtomatikong naitikom ko ang bibig ko. Napalunok pa ako ng laway bago muling inulit ang gusto kong sabihin. “Salamat, Apollo.” Akala ko ay ngingiti man lang siya sa akin bilang tugon pero nanatili lang ang walang emosyon na mukha niya na tumagal din ng ilang segundo bago siya umimik. “Bukas, kailangang maaga ka gumising. Kailangan mo kasing ipagluto ng umagahan si Adam, may pasok kasi siya ng umaga.” Ohh. So, estudiyante pa siya? Mukhang tama pala ang hinala ko na medyo magkasing edad lang kami o mas bata lang siya sa akin ng isa o hanggang dalawang taon. “Si Mama naman, mga bandang alas-siyete siya ng umaga gumigising at umaalis bago mag-alas otso.” Tanging pagtango lang ang naisagot ko sa kaniya. Nakikinig lang ako habang seryoso siyang nagsasalita sa harapan ko. Isa lang ang masasabi ko, ang hot niya! “Malinis naman ‘tong kwarto na ‘to. Kakaalis pa lang kasi noong last Sunday ng dati naming kasambahay. Pero kung gusto mong magpalit ng punda at bedsheet, nasa loob lang niyang kabilang closet ‘yung mga gamit. Malilinis din ang lahat ng ‘yon.” Muli akong tumango. “May kailangan ka ba pa?” Gusto ko sanang sabihin na oo at akitin siya na mag MOMOL, kaya lang wala pa akong energy eh. Baka sa susunod na araw na lang. Hahaha. “Wala na.” Tipid na sagot ko. Nagpaalam na rin siya agad sa akin para lumabas ng silid ko kaya ngayon ay naiwan na ako ulit dito ng mag-isa sa kwarto ko. Siya na ang nagsarado noong pinto kaya naman tuluyan na akong dumiretso sa kam para maupo. Hays. Talagang luma na nga ang bed foam ng kama na ‘to, hindi na kasi siya malambot. RIP na lang sa likod ko. Masasanay ka rin, Laurelle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD