“Oo nga pala, ako si Adam at siya naman ang kuya ko na si Kuya Apollo.” Narinig kong pagpapakilala ni Adam sa babaeng ‘yun na nakaupo na ulit sa may sala matapos nitong magpaalam na magba-banyo. Kasalukuyan lang na nandito ako sa may kusina at iniinit ‘yung ulam na niluto ko kanina pa. Lumamig na kasi ‘yun. Kung hindi pa darating si Mama sa pagsapit ng alas-siyete mamaya, mukhang mauuna na naman kami na kumain. Nasa may kapitolyo pa kasi siya, sekretarya siya ng mayor dito sa bayan namin kaya may mga oras na mas ginagabi talaga siya nang pag-uwi. “Pero alam mo, Bashyang, maniwala ka man o sa hindi… pero hindi ka mukhang katulong.” Narinig ko na naman na saad ng madaldal kong kapatid. “Actually, mukha ka ngang imported eh.”
Well, medyo sang-ayon ako sa sinabi ni Adam. Noong unang beses pa lang na makita ko ang babaeng ‘yun kanina sa labas ng bahay namin, hindi ko talaga inakala na papasok siya sa amin bilang kasambahay. Oo nga at simple lang ang outfit niya, naka-hoodie lang siya na kulay navy blue at leggings na kulay itim… pero maganda siya. Hindi naman malabo ang mga mata ko para hindi ko mapansin ang mapupungay niyang mga mata, ang matangos niyang ilong at ang tila trimmed na kilay niya. Kapansin-pansin din ang makinis niyang balat na mukhang sagana sa body lotion, walang bahid na masamang kahapon ang mukha niya na para bang may skin routine siya, at idagdag ko na rin ang pantay-pantay din niyang ngipin na mukhang alaga ng isang magaling na dentista-- in short, mukha talaga siyang imported.
Narinig ko ang malakas na pagtawa ni Bashyang kaya hindi ko maiwasan na mapagawi ang mata ko sa kaniya habang nakasandal lang ako dito sa may counter at hinihintay na kumulo ang nilaga. Nang mapabaling ang tingin ko sa kaniya, doon ko nakita na binatuhan niya rin ako ng saglit na tingin kung saan ay kasing bilis lang ‘yun ng isang kisap-mata bago niya muling ibinalik kay Adam ang atensyon niya. “Ano ka ba naman serr, Adam! Hindi lang ikaw ang nag-iisang nagsabi niya sa aken. Nasa lahi lang talaga namin ‘to.”
The way she talks, there’s something in it. Alam mo ‘yung tipong… inaral? Parang gano’n ‘yung dating sa akin eh. May part na tonong probinsiyana, at may part na nawawala rin ‘yon-- parang hindi consistent. But who knows? Baka ganon lang naman talaga siya magsalita lalo na at hindi ko pa naman siya kilala nang lubusan.
“Talaga? Eh itong bag mo? Totoo ba ‘yan o peke?” Awtomatikong napagawi ang mata ko sa tinutukoy ni Adam na bag ni Bashyang na nakapatong sa may tabi niya. It’s LV. ‘Yun din ang unang nakatawag nang pansin ko kanina nang ako na ang humarap sa kaniya sa labas. Gusto ko ring malaman kung tunay ba ‘yon o hindi.
Muli ko na naman na narinig ang pagtawa ni Bashyang. “Ayy kung tunay ‘yan, eh di ipinagbili ko na ‘yan, serr. Ang yaman ko na siguro.” Oh right? Oo nga naman! Paano naman siya makakabili ng ganong klase ng bag sa sitwasyon niya ngayon. Malaking bag kasi ‘yung ng Louis Vuitton, malaki-laki ang perang iipunin niya para makabili ng ganon na klase ng bag. But I must say, mukhang legit ang bag na ‘yon.
“Oo nga naman.” Pagsang-ayon ni Adam. Napapailing na lang ako ng lihim sa pagiging madaldal niya. Tsk. “Teka, eh ‘yang sapatos mo? Peke rin ba ‘yan?”
Sa hindi ko malaman na dahilan, napatingin din ako sa sapatos na suot ni Bashyang. LV din ang tatak no’n. Nahagip pa nang paningin ko ang pagyuko rin ni Bashyang upang batuhan niya nang tingin ang suot niyang sapatos. Segundo lang ang lumipas nang ini-angat niya rin ang paningin pabalik sa kapatid ko.
“Ayy hindi ko po serr alam. Kasi ano-- ibinigay lang ‘to sa aken noong anak ng amo ko na lalake. Ay mukhang tipo ako no’n serr kaya panay ang regalo sa aken. Tinatanggap ko lang naman ang mga binibigay niya pero hindi ko po siya type.”
“Hala. Ang ganda mo naman Bashyang. Iba ka.” They both laughed. Tsk. Mukhang magkakasundo ang kapatid ko at si Bashyang, ngayon pa lang mukhang close na agad sila. I hope hindi masyadong ma-in touch si Adam lalo na at hindi pa naman sigurado kung makakapasok si Bashyang bilang kasambahay namin. Si Mama kasi ang magde-desisyon.
Sakto naman na kumukulo na ang niluluto kong nilaga kaya napunta na doon ang buo kong atensyon. Nang tumapat na ang oras sa saktong alas-siyete doon ko na tinawag si Adam para tulungan ako na maghain. Mukhang mamaya pa nga uuwi si Mama.
“Saluhan mo na kaming kumain, Bashyang. Baka mamaya pa makauwi si Mama eh, mag-hapunan na tayong tatlo.” saad ko sa kaniya nang makita ko na nanatili pa rin siya na nakaupo sa may sala habang pinapanood kami na mag-hain.
NANG niyaya ako ni Apollo na kumain, hindi gutom ang agad na nangibabaw sa nararamdaman ko kung hindi… unintentionally-- kilig ‘yon. Sa halos mag-iisang oras na kasi ako na nandito sa bahay nila ay ngayon na lang ulit siya nagsalita upang kausapin ako. Si Adam lang kasi ng si Adam ang kuumakausap sa akin. Geez! Hindi man lang ba siya magkakaroon ng interes na kausapin ako? Aba! Ang dami-dami kayang lalaki na pumipili para lang makausap ako. Nasaktan tuloy ang ego ko! Dine-deadma niya ang beauty ko.
But anyways, hearing his husky and low voice-- f**k! Parang gusto kong mag pre-c*m. Hahaha. Charr lang! Ang landi talaga ng isip ko. Mag hunos-dili ka nga Laurelle! Kalmahan mo lang.
Nakapaghain na silang dalawa ni Adam nang makalapit na ako sa lamesa nila. The dining table was so narrow, maliit lang at halatang gawa lang din sa kahoy-- but I have to admit, mukhang pang sosyal na kahoy naman ‘yun. Mukhang matibay kasi at may mga naka-ukit pa na design, bubog ang ibabaw noon pero may green pa rin na mantle na nakapatong. Mula sa pwesto ko ay amoy ko na agad ‘yung bango ng nilaga. Dahil sa naamoy ko kaya awtomatikong mas lalo akong nakaramdam ng gutom lalo na at mukhang masarap ‘yon.
Uupo na sana ako ngunit biglang nagsalita si Adam. “Ma!”
Nakatingin siya sa may bandang likuran ko kaya napagawi na rin ang paningin ko roon. Sa paglingon ko, nakita ko ang tinawag ni Adam na Ma, siguro ito na ‘yung Mama nila… kamukha kasi ‘yun ni Adam at konting kahawig lang ni Apollo. She was wearing a vintage yellow blouse-- halatang luma na ‘yun at bagay sa mga Tita na katulad niya. May ruffles kasi ‘yun sa may bandang colar, tipikal na suot ng mga tita out there. Sa bottom naman niya, simpleng white na pants lang ang suot niya and a pair of beige sandals.
She had thin eyebrows and copper-colored hair. The lipstick she had applied a few hours before had barely left any color on her lips, but all in all… I have to admit, ang ganda pa rin niya sa paningin ko. Sexy rin kasi siya kahit na may edad na. Hindi na ako magtataka ngayon kung bakit meron siyang dalawang anak na mala-adonis ang kagwapuhan.
“Ma, nandito ka na pala. Katatapos lang namin na maghain, kain na po tayo.” Magalang na wika ni Apollo sa may tabi ko. Noong una ay na kay Apollo ang paningin ng matandang babae, pero nang lumapit si Apollo sa akin, doon na napagawi ang paningin ng matanda sa pwesto ko.
“Oh? Sino naman ‘tong magandang dalaga na ‘to?” Tinuro niya pa ako. Ngayon pa lang, gusto ko na siya. She had a good taste, huh. “Girlfriend mo ba siya Apollo? Este, Adam pala.”
How I wish-- oh s**t! Scratch that out! Anong sinabi ko? That’s bad. May boyfriend ka, ‘wag mong kalimutan ‘yon. Geez. Ano bang nangyayari sayo, Laurelle.
“No, Ma. Si Bashyang ‘yan, pumapasok bilang kasambahay natin.” Walang emosyon na pagpapakilala niya sa akin. Tama! Kasambahay! Kasambahay ang pinapasok ko rito sa tahanan na ‘to at wala ng iba pa!