As what I expected, hindi naging maganda ang tulog ko. My back really hurts. Ang tigas ng kama, ang banas pa dahil walang aircon at kahit electricfan-- wala rin. I feel like lying on the floor underneath the sun. Last night was the worst night ever in my life. For the first time, ngayon lang ako hindi naging kumportable sa pagtulog ko. Idagdag pa na ang sakit din ng leeg ko, ang tigas-tigas ng unan nila. Well, expected ko na talaga na hindi ako makakatulog ng maayos kaya naman hindi ko maiwasan na kumibo nang kumibo sa ibabaw ng kama. Tumatagilid, tumitihaya, tapos dadapa-- paulit-ulit lang na ganon. Ikinadagdag pa ng inis ko ay ‘yung ingay na ginagawa ng kama, halatang mahuna na ‘yun dahil bawat galaw ko na lang ay naglilikha ‘yon nang tunog. Worst talaga! AS IN WORST!
Tinanggal ko na ang suot kong balck na eye mask. Kahit na suot ko na ang paborito kong eye mask kung saan may naka-burda doon na pangalan ko na regalo sa akin ni Zianna dati… hindi pa rin ako dinatnan ng antok. Siguradong kailangan ko ng ihanda ang sarili ko sa mga gabi na magdadaan hangga’t hindi pa ako nasasanay sa bagong buhay na meron ako ngayon.
Bumangon na ako at nang batuhan ko nang tingin ang cellphone ko na nakapatong sa may lumang bedside table, doon ko nakita kung anong oras na. Mag-a-alas singko pa lang pala nang umaga. Kagabi nga pala ay pinagtatanggal ko ang wallpaper at lockscreen ng phone ko. Ako kasi ang nakalagay doon kung saan ay halatang sosyal ako sa mga litrato na ‘yon kaya inalis ko muna. ‘Yung lockscreen ko ay ‘yung naka-upo ako sa isang beach chair sa Boracay habang nakasuot ako ng white na two-piece at ang background ko ay ‘yung dagat and the white sand. Habang ‘yung wallpaper ko naman ay noong nagpunta kami ng Japan ni Dad. Ayoko naman na may makakita noon kung sakali kaya naman tinanggal ko na for my safety purposes.
At dahil naalala ko bigla ‘yung sinabi ni Apollo kagabi na kailangan kong magluto ng almusal para kay Adam, doon na ako nag pasya na bumangon. Wearing a basic pink Barbie sando and a pair of white shorts at the bottom, with white furry slippers, I went out of my room.
This is my first day so I have to do my job well, dahil sigurado ako na kapag nakita nila na hindi ako magaling sa pagiging katulong nila… baka hindi sila mag-dalawang isip na paalisin ako. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ang unang trabaho na papasukin ko sa buhay ko ay pagiging kasamabahay. Hindi ko nga napagsilbihan si Dad ng sobra tapos ngayon-- pagsisilbihan ko ang ibang tao? Maybe, karma ko na ‘to sa pagiging stubborn ko. Pero, katulad nga nang sinabi ni Aling Celine kagabi, marangal na trabaho ang pagiging kasambahay, at hindi ko naman pinagsisisihan na nag layas ako at napadpad ako rito dahil alam ko kung anong ipinaglalaban ko. I won't ever look back on the decision I made to leave everything behind in order to fight for my right to marry the man I love rather than someone I had never even met. Stubborn is my second name: Laurelle ‘Stubborn’ Carter.
Pero ngayon, hindi muna ako si Laurelle. Habang nakatira ako dito sa bahay na ‘to, ako lang si Bashyang Perez. I'm not the rebellious one, not the only child of General Enrique Carter, or the woman who always gets what she wants; I'm just Bashyang, the nobody.
Paglabas ko, agad na natanaw ko si Adam na nakaupo sa may lamesa, naka-tagilid siya sa pwesto kaya hindi niya ako agad na napansin, idagdag pa na nakatuon din siya sa hawak niyang cellphone habang nagkakape. Nakasuot siya ng simpleng black na t-shirt at white na pajama; nakataas pa ‘yung isang paa niya sa upuan, halatang kagiging niya lang. Pero maya-maya pa,bigla akong natauhan. s**t! Late na ba ako? Nakapag-almusal na ba siya? Dapat ba mas maaga pa ang gising ko? f**k!
Mabilis akong lumapit sa kaniya, “Ser Adam, pasensiya na. Nahuli po ba ako ng gising? Magmamadali na po ako sa pagluluto ng al--”
“Chill ka lang, Bashyang…” Biglang putol ni Adam sa sinasabi ko at saka niya binaba ang hawak niyang tasa sa lamesa, “ Nagka-kape muna talaga ako tuwing umaga bago ako kumain ng almusal, ‘wag kang mataranta. Take your time sa pagluluto, maaga pa naman.” Natatawa pa na saad niya. Medyo nakahinga naman ako nang maluwag sa bagay na ‘yon. Buong akala ko kasi talaga ay papalpak na agad ako sa unang araw ko pa lang dito sa trabaho ko. Even though, I don’t really consider this as my job.
“Mabuti naman po kung gano’n. Sige, Ser Adam… magluluto po muna ako.” Paalam ko sa kaniya.
“Sige,” sagot niya. Tutuloy na sana ako papunta sa may kusina nang biglang tawagin niya ulit ang pangalan ko kaya naman binatuhan ko ulit siya nang tingin. Magtatanong pa sana ako ng bakit pero naunahan na niya ako na magsalita, “Huwag mo na rin akong tawaging sir, mukhang magkasing-edad lang naman tayo eh.”
Tumango naman ako bilang sagot sa kaniya. Mabuti naman kung gano’n. It feels weird when I was calling him sir… hindi ako sanay. Dumiretso nga ako sa may harapan ng ref upang maghanap doon nang maluluto ko. Nang may makita akong itlog, ham, cheese and some other ingredients that I can use in cooking omelet, napagpasyahan ko na ‘yun na lang ang lulutuin ko. Gaya naman nang sinabi ni Adam, hindi ko kailangan na mag madali… at saka gas stove naman ang lutuan nila kaya medyo madali lang para sa akin na magluto.
Nagsimula na akong maghiwa ng mga lulutuin ko, nasa harapan ako ng lamesa habang nandoon pa rin si Adam at nagkakape. Mukhang hindi niya pa kasi ubos ‘yung kape niya. I also love coffee, pero gusto ko ‘yung may ice.
“Anong lulutuin mo?” Tanong ni Adam bigla sa akin makalipas ang ilang segundo na walang nagsasalita sa pagitan naming dalawa. Nang batuhan ko siya nang tingin, doon ko napansin na mukhang kanina pa pala niya ako pinapanood.
“Ayy, umelet po, ser-- este Adam pala,” sagot ko sa kaniya.
Nakita ko pa ang sumilay na ngiti sa kaniyang labi, lumabas tuloy ‘yung dimples niya bago siya nagsalita, “Ah omelet… sosyal, huh.”
Sosyal na ba ‘yon? Napatawa lang ako ng mahina bago ko siya sinagot. “Specialty ko ‘yon. At saka, gaya nang sinabi ko sa inyo kahapon ni Ser Apollo, masarap ako magluto.” Tutal, nag-insist na rin naman siya na ‘wag ko na siyang tawagin na sir, kaya casual ko na lang din siya na kakausapin ngayon.
“Hulog ka nga ng langit eh. Sawa na kasi ako sa luto ni kuya.”
Hindi ko alam kung bakit sawa siya sa luto ni Apollo, samantalang nasarapan naman ako doon sa nilaga na ulam namin kagabi. Well, hindi nga lang kasing sarap ng luto ko pero pasok naman sa taste ko-- lasa namang nilaga. “Mukhang masarap din naman siya na magluto.” Komento ko.
Bigla siyang tumawa ng malakas, sapat lang para marinig naming dalawa. Bigla niyang ibinaba ‘yung paa niya mula sa pagkakapatong noon sa may upuan niya at saka siya nag-lean forward. Ipinatong niya ‘yung kamay niya sa may lamesa at parang may sasabihin sa akin na sikreto. Tumingin lang naman ako sa kaniya at hinihintay nga ang sasabihin niya. “Masarap naman, pero pa ulit-ulit nga lang. Nilaga, tortang talong at adobo lang ang kayang lutuin no’n. ‘Yung nilaga? Ulam lang din namin ‘yun noong nakaraan.” Halata sa mukha niya ang pagrereklamo.
Hindi ko tuloy naiwasan na mapatawa nang mahina sa sinabi niya. That’s funny!
“Kaya pala.” Natatawang saad ko at tumango-tango naman siya habang natatawa rin.
Sabi ko na nga ba at magkakasundo kaming dalawa, mabilis ko lang siyang nakapalagayan ng loob.
“Siya nga pala, ilang taon ka na ba? Nabanggit kasi sa akin kagabi ng Kuya Apollo mo na kaya maaga ka ngayon ay dahil may pasok ka. Nasa kolehiyo ka na ba?” Tanong ko habang patuloy pa rin ako sa paghihiwa ng mga lahok para sa lulutuin ko.
“Graduating na ako pero isa na akong intern sa kampo namin dito. Training sa madaling salita.”
Awtomatikong napahinto ako sa ginagawa ko nang marinig ko ‘yung salitang kampo na sinabi niya. Unti-unti kong na i-angat ang paningin ko sa kaniya kung saan ay humihigop na siya ulit ng kape niya habang diretsong nakatingin sa akin. Lihim akong napalunok ng laway. Actually, may kung ano ng bagay ngayon ang tumatakbo sa isip ko pero ayoko lang pangunahan ng pag o-overthink ko kaya muli akong nag tanong.
“Kampo? A-ano namang ibig mong sabihin do'n, Adam?” Tuluyan ko nang inihinto ang paghihiwa ko para hintayin ang magiging kasagutan niya.
"Magsusundalo kasi ako.” At tama nga ang hinala at sinasabi ng utak ko. Magsusundalo siya? So, ibig sabihin-- hindi malabong hindi niya kilala ang pangalan ng Dad ko lalo na at siya ang General. Patay!