“Bashyang!” Agad akong tumalima sa may sala kung nasaan si Aling Celine nang tawagin niya ako. Hanggang ngayon ay sinasanay ko pa rin ang sarili ko sa pangalan na Bashyang… kanina kasi noong naghahain ako ng almusal para kay Aling Celine-- noong nagsasandok ako ng kanin-- hindi ko napapansin na tinatawag niya ako para magpa-timpla ng kape. Hindi pa rin kasi ako sanay na tawagin sa gano’ng pangalan. Well, alam ko naman na ako ang mali sa part na ‘yon dahil ‘yun pang name na 'yun ang napili kong ipangalan sa sarili ko kung pwede naman ‘yung malapit lang sa tunay na pangalan ko na Laurelle. Like, Elle… or Lou. Hays. Dammit! “Yes po, Ma’am Celen?” Agad na saad ko nang makalapit na ako sa kaniya. Kasalukuyan siyang nakaupo sa may sofa at tinatakid niya ‘yung strap ng sapatos niya. Nakahanda na