Bago pa man malunod ang isipan ko sa naging kasagutan ni Adam, nakuha na ng ibang bagay ang atensyon ko. Narinig ko kasi sa may bandang likuran ko ang mga yabag ng paa na mukhang pababa na ng hagdanan. Dahil doon kaya agad akong napalingon kung sino man ‘yon. Doon ay agad na tumambad sa paningin ko ang bulto ni Apollo. Tila ba ay naging magnet siya sa paningin ko sapagkat nang tumama ang mata ko sa kaniya; hindi na yon na alis pa. Wala sa sarili na napalunok ako ng laway. Oh my gracious flirty mind. Sunod-sunod na napalunok akong muli. Unti-unting bumaba kasi ang paningin ko sa hubad na katawan ni Apollo, he was half naked and he was only wearing a pair of blue and black cotton shorts. May nakasampay din na putting tuwalya sa kaniyang balikat, halatang maliligo siya ngayon. f**k! Lalo siyang naging hot sa paningin ko. Mas lalong na-flex ang biceps niya ngayon na hindi siya nakasuot ng t-shirt. Ang broad din ng shoulder niya na talagang gustong-gusto ko sa mga lalaki-- and damn-- may eight pack of abs siya! Perfectly made in heaven! Si Apollo nga talaga siya. Pakiramdam ko, mag we-wet na agad ako sa kaniya kahit na tinitingnan ko pa lang siya ngayon. f**k!
“Uyy, Bashyang… ‘yung laway mo tumutulo.”Nang marinig ko ang pagbibiro ni Adam, doon na ako muling napabalik sa realidad. Sakto naman na nakababa na nang tuluyan si Apollo at binatuhan niya lang kami ng saglit na tingin ni Adam saka siya dumiretso papunta sa may banyo. Hindi ko lang alam kung tama ba ang nakita ko o hindi, pero napansin ko na parang napagtuunan niya rin ng saglit na tingin ang suot ko bago tuluyang tumalikod na. He’s so masungit pa rin! Dideadma na naman niya ang beauty ko.
“Hindi ‘no!” Panlalaban na sagot ko kay Adam saka ipinagpatuloy ko na lang din ang ginagawa kong paghihiwa.
“Type mo si Kuya Apollo ‘no, aminin mo, Bashyang.” Pangungulit pa ni Adam at nang batuhan ko siya nang tingin, diretso na siya ngayon na nakatingin sa akin habang may nakakalokong ngiti sa kaniyang labi, halata naman na nang-aasar lang siya ngayon.
“Hindi rin, ang sungit niya eh,” sagot ko na medyo nakanguso pa. Buti na lang at saktong natapos na ako sa mga hinihiwa ko kaya naman ang pagbabati naman ng mga itlog ang sunod kong ginawa.
Muli kong narinig ang mahinang pagtawa ni Adam, “Pagpasensiyahan mo na si kuya, gano’n lang talaga ‘yun pero kapag nakilala mo na talaga siya nang matagal at nagkasundo kayo-- for sure malalaman mo na sweet din siya at maalaga.” There is assurance in the way he speaks about his brother, and it seems as though he idolized him.
Bigla tuloy akong nagkaroon ng interes na malaman kung sino nga ba si Apollo. Kung magtatanong ba ako kay Adam? Hindi niya ba mamasamain? I mean, hindi naman niya siguro ako pag-iisipan ng kung ano-ano, right? I’m just curious and curiosity kills kung hindi pa ako magtatanong ngayon.
“Eh… kung ikaw magsusundalo, ano naman ang trabaho ni Apollo? May trabaho ba siya?” I asked. Sinadya ko na hinaan lang ang boses ko dahil nasa banyo lang naman si Apollo, baka mamaya ay marinig niya na lang na ipinagtatanong ko siya sa kapatid niya at biglang masamain na lang niya ‘yun. Anyway, naitanong ko lang naman ‘yun kasi curious nga ako. Sa edad kasi ni Apollo, hindi ba dapat nagtatrabaho na siya dahil gaya nang sinabi ko-- magkasing edad lang kami kaya ibig sabihin tapos na rin siya sa pag-aaral.
“Tapos naman si kuya, mechanical engineer nga ang tinapos no’n eh. Kaya lang, mas gusto niya rin kasi talaga rito sa probinsiya, ayaw niyang mapalayo sa amin nina Mama. Siya na kasi‘yung tumayong padre pamilya simula nang mamatay si Papa. Nangako siya na hindi niya kami iiwan…” Ahh. Ngayon ko lang nalaman na wala na ang father nila, hindi ko man lang ‘yun naisip kahapon. “Pero ngayon, may maliit na talyer si kuya diyan sa likod bahay-- hindi siya open para sa lahat, tumatanggap lang siya kapag kakilala niya ‘yung nagpapagawa o kapag hindi niya lang mahindian.” Oh. That’s explain his filthiness yesterday. Hindi ba at ang dumi niya kahapon noong siya ang humarap sa akin… ‘yun pala, nag-aayos siya ng mga sasakyan. Hindi ko tuloy maiwasan na ma-miss ‘yung kotse ko, miss ko na rin na mag-road trip kasama ng mga girlfriends ko. Siguradong nabigla sila nang malaman nila na nawawala ako. Baka ngayon, pinag-uusapan na ng mga ‘yon kung saan ako hahanapin. I miss all of them. At kahit galit pa rin ako kay Dad, hindi ko naman itatanggi na namimiss ko na rin siya. Baka hindi ‘yon nakakatulog sa sobrang pag-aalala sa akin. Sana pala, nag-iwan din ako sa kaniya ng message bago ako umalis.
Natanggal lang ang atensyon ko sa mga iniisip ko ng tuluyan nang tumayo si Adam mula sa pinagkakaupuan niya. “Oh siya, ipagpatuloy mo na ‘yang niluluto mo, Bashyang. Aakyat na muna ako sa taas at magpa-plantsa pa nga pala ako noong uniform ko. Tawagin mo na lang ako kapag nakapagluto ka na.” Bilin niya sa akin. Tumango-tango naman ako bilang pagsang-ayon.
Tinapik pa nga niya ako sa balikat ko bago siya tuluyang umakyat na sa taas. Naiwan na ulit ako dito sa may kusina ng mag-isa. Habang nagpapatuloy ako sa pagluluto, hindi ko pa rin mapigilan na alalahanin si Dad. Katulad nga nang sinabi ko, alam kong nag-aalala na siya sa akin. Kaya lang, ano naman ang magagawa ko sa kaniya? Bigla rin akong nagdalawang-isip na i-text siya dahil hindi malabong ma-trace niya ako. Idagdag pa na wala naman ngang signal dito sa lugar na ‘to kaya malabo rin naman na mapadalhan ko siya ng mensahe. Muli akong napabuga ng malalim na hininga.
Siguro, itetext ko na lang siya kapag hindi pa masyadong mainit ang sitwasyon. Halos isang araw pa lang naman since noong maglayas ako kaya siguradong hindi pa rin tumitigil ang mga alagad ni Dad at saka ang mga kapulisan sa paghahanap sa akin. Pwede ko rin naman siyang i-text gamit ang ibang number, baka bumili na lang ako ng bagong sim; pero hindi pa sa ngayon.
HINDI nag tagal ay tapos na nga akong magluto ng omelet-- mabilis lang naman ‘yun na lutuin kaya after almost 5 minutes ay nag to-toast naman akong tinapay ngayon. Habang kasalukuyan lang na nkaharap ako ngayon dito sa may kalan, biglang napabaling ang tingin ko sa may ref ng isang bulto ng lalaki ang biglang sumulpot doon. Si Apollo ‘yon.
Walang salita na binuksan niya ‘yung ref at saka nilabas niya doon ang ‘yung babasagin na pitsel na may lamang tubig.
Hindi ko na naman alam kung bakit pero nasa kaniya na naman ang paningin ko. Basa pa ng konti ‘yung buhok niya, halatang bagong ligo siya. Hindi pa ‘yun nasusuklay kaya medyo magulo pa, but as always-- he looks so damn hot. Nakasuot siya ng itim na muscle sando,‘yung tipong hanggang kalahati ng tiyan ‘yung pagkakabukas noon sa may kili-kili niya. Kaya sa tuwing itatas niya ‘yung kamay niya, may posibilidad na masilip mo doon ‘yung abs niya. Bagay na bagay ang sando na ‘yun sa kaniya dahil kumakawala na naman ‘yung mga biceps niya. Sa tingin ko, kapag nahawakan ko ‘yon at napisil-pisil, baka bigla na lang manghina ang dalawang tuhod ko. Shet! Ang landi na naman ng utak ko.
Awtomatikong naibalik ko ang paningin ko sa tinapay na tino-toast ko noong humarap siya sa akin. Dala-dala niya ‘yung pitsel sa kamay niya, nakita ko sa gilid ng mata ko ang paglapit niya sa akin. Alam ko naman na kukuha lang siya ng baso dahil nasa tabi ko ‘yung lagayan ng baso at pinggan. At dahil hindi naman gano’n kalaki ‘yung space ng kanilang kusina tapos nakatayo pa ako roon sa harap ng lutuan, naramdaman ko ang pagtama ng katawan niya sa may bandang likuran ko. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na lihim na mapasinghap. Kusang napigilan ko ang sarili kong hininga ng dahil doon.
‘f**k!’ I can’t help it but to muttered a curse! Wala rin sa sarili na napakagat ako sa pang ibabang labi ko. Bakit pakiramdam ko ay nagtaasan bigla ang mga balahibo ko sa katawan at para bang may bumara sa lalamunan ko. Am I thirsty? Bakit parang nauuhaw ako kay Apollo? Damn!
Kung kilala ko siya at kilala niya ako bilang si Laurelle, siguradong iisipin ko na sinasadya niya na maging ganito kalapit sa akin. Gaano kalapit? ‘Yung tipong kahit nakatalikod ako sa kaniya ngayon, amoy na amoy ko ‘yung bango ng bagong ligo. ‘Yung shampoo niya at lalong-lalo na ‘yung amoy ng sabon sa katawan niya. Gano’n ka-close! Pero dahil siya si Apollo-- I mean, dahil hindi niya naman ako kilala bilang Laurelle at kilala niya lang ako bilang bagong katulong nila… so I think, walang malisya sa kaniya kahit na ganito siya kalapit ngayon.
Nakahinga lang ako nang maluwag nang makita ko na nakakuha na siya ng baso niya at agad na rin siyang umalis sa may likuran ko. Sa paghinga ko ng maluwag, ramdam ko pa ang pagbagsak din ng aking mga balikat. Hindi ko carry ‘to! Nag-wet yata ako sa ilang segundo na pagkakalapit niya sa akin. f**k!
Kung hindi pa siya lumayo sa akin, for sure hindi rin ako makakakilos. Muntikan na tuloy na masunog ‘yung iniinit kong tinapay. Damn!
“Bashyang.” Halos mapatalon ako mula sa rito sa pinagkakatayuan ko ng bigla na lang tawagin ni Apollo ang pangalan ko. Pumihit ako ng konti para harapin siya. Kasalukuyan niya nang ipinapatong ‘yung pitsel at baso sa may lamesa kaya medyo nakatagilid siya sa akin ngayon.
“B-bakit?” f**k! Bakit ba ako nauutal? May nakabara na naman ba sa lalamunan ko? Mapapahiya ka, Laurelle! Ayusin mo nga!
Hinintay ko ang sasabihin niya hanggang sa dahan-dahan na nga siyang humarap sa akin, doon ko kaagad napansin na wala na namang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha niya nang tuluyan na rin siyang umimik.
“Pwede bang… be conservative sa mga sinusuot mo?” Walang emosyon na saad niya. Hindi naman masungit ‘yung pagkakasabi niya, pero dahil neutral lang ang boses niya at wala rin namang reaksyon ang mukha niya-- hindi ko tuloy maiwasan na maramdaman na pinagsusungitan na naman niya ako.
“Huh?” ‘Yun lang ang nasambit ko sa kaniya at napataas pa ng konti ang kilay ko. Hindi ko masyadong naitindihan ‘yung sinabi niya dahil nga naka-focus ako sa mukha niya.
Humakbang siya ng isang hakbang papalapit sa akin kaya kusang naitikom ko ang bibig ko. Nakaka-intimidate ang paraan nang pagtingin niya sa akin.
“I said, be conservative sa mga sinusuot mo. Dalawa kaming lalaki ni Adam dito, bukas din ang bahay namin sa mga pumapasok at lumalabas na mga tao rito dahil sa trabaho ni Mama, kaya kung pwede lang-- ‘wag kang magsusuot ng ganyang damit. That’s too revealing.” At sinabi niya ang lahat ng kataga na ‘yon sa iisang tono lang ng pananalita-- walang pakiramdam pero malamig.
Hindi na ako nakaimik sa kaniya dahil pakiramdam ko bigla na lang niya akong inatake ng hindi ko inaasahan. Hindi rin naman niya ako binigyan pa ng pagkakataon na ma-depensahan ang sarili ko sapagkat dire-diretso na siyang tumalikod at muling umakyat sa taas.
Napa-awang ang labi ko sa sobrang pagkainis. I hissed! What the f**k?! Sino siya para sabihin kung ano ang dapat at hindi na susuotin ko. Too revealing? Revealing na ba agad ito? Kanina ko pa nga kausap si Adam pero hindi naman niya pinansin ang damit ko ah-- siya lang! So, ibig bang sabihin, binibigyan niya ng malisya ang nakikita niya? Damn! Nakakakulo ng dugo!