‘Urghh! Ang banas!’Hindi ko maiwasan na umangal sa isipan ko dahil talaga namang ang banas-banas nang pakiramdam ko ngayon dahil dito sa suot ko. Nakasuot lang naman ako ng black and white na Adibreak track pants and white fitted shirt. Ito lang kasi ang matino-tino kong damit na kaya kong ilabas sa ganitong kaalikabok na lugar. ‘Yung iba kasi, Chanel and Prada na... masyadong expensive ang mga ‘yon kaya nasasaktang ang puso ko na ipanglabas-labas lang. Ang alikabok kaya. Hindi naman kasi lahat ng kalsada rito ay sementado ‘no, katulad nitong nilalakaran namin ngayon ni Apollo. Sigurado na kapag maulan, maputik ang daanan... pero dahil hindi naman maulan kaya ang alikabok naman. Actually, nasasayangan din ako dito sa Adidas pants ko dahil kung hindi niyo alam-- almost 7,000 din ang bili ko