‘SIGURO naman, walang checkpoint sa Laguna?’ Hindi ko maiwasan na sambitin ang mga kataga na ‘yon sa isipan ko habang kasalukuyan lang ako na nandito sa may shotgun seat at diretso lang na nakatingin sa may bintana kung saan karamihan lang sa mga natatanaw ko ay mga halaman at matatas na puno ng niyog. Kaming apat lang ang pupunta dahil abala si Aling Celine sa kapitolyo dahil nalalapit na nga ang piyesta ng bayan nila at ang magaganap na Flores de Mayo. Nasa tabi ko si Apollo dahil siya ang nagmamaneho habang si Adam naman at si Sophia ay nasa likod aty kasalukuyang natutulog nang mahimbing. Gusto ko rin sanang matulog katulad ng dalawa sa may likuran, para hindi ako masyadong nag o-overthink sa mga pwedeng mangyari once na nakapasok na kami sa Laguna… kaya lang, sa sobrang dami naman n