Hindi ko pa rin binibitawan ang kamay ni Sophia hanggang hindi ako nakakasigurado na nakalayo na talaga kaming dalawa sa bahay nina Apollo. Ayokong may makarinig sa magiging pag-uusap namin, buti na lang din at hindi naman siya umaangal sa paghila ko sa kaniya ngayon. Hanggang sa hindi nag tagal ay nakarating na nga kami sa may likod bahay, sa may lote kung saan nakaparada ang sasakyan ni Apollo. Hindi masyadong maliwanag dito sa pwesto namin dahil nahahagip lang kami ng malabong ilaw ng poste mula sa may labas, pero sakto lang ang liwanag noon para makita ko ang mukha ni Sophia na diretsong nakatingin sa akin kung saan ay halatang naguguluhan nga ang ekspresyon ng mukha niya. Bago pa man ako magsalita sa kaniya ay nilingon ko muna ang paligid naming dalawa, naninigurado lang ako na hin