CHAPTER 11: Thinking Deeply

795 Words
Two years ago April 18, 2016 (Mindoro province) "Woi, dahan-dahan sa pagbayo! Sumasabog!" Tiffany "Iyon nga ang maganda! Lalong sasarap 'yan kapag binabayo ng malakas!" Bryan "Sira-ulo ka ba? Tumatalsik! Matatapon, sayang!" Tiffany "P'wede mo naman saluhin habang binabayo ko!" Bryan "Hoy, pasali naman d'yan!" Chris "Anong pasali? Hindi pa nga ako pinapawisan, eh. Hawakan mo, Tiffany baby!" Bryan "Baby mo mukha mo! Bilisan mo d'yan!" Tiffany "Pwede na 'yan, malagkit na, eh. Asan na 'yong mani?" Floyd "Yong gatas pa na malapot!" Chris "Sharap na nito, ah," ani Bryan habang dinudotdot na ng daliri niya ang nilupak na nasa lusong pa bago isinubo sa bibig niya. "Bastos ka talaga! Huwag mong dinadaliri 'yan! Mapapanis!" sigaw muli ni Tiffany sa kanya. "Masarap nga kapag daliri, eh. Try mo, oh." Inilapat ni Bryan ang daliri niya sa bibig ni Tiffany at napahid sa labi nito ang ilang nilupak sa daliri niya. "Hayop ka! Huwag ka magpapahuli sa akin!" Namula bigla sa galit si Tiffany at kaagad na hinabol si Bryan bitbit ang sandok. Si Bryan naman ay bumubunghalit na ng tawa habang kumakaripas nang takbo. "Hindi na ako magtataka kung magkatuluyan ang dalawang 'yan," ani Charisma habang may hawak na lata ng gatas at pinapanood din ang pagbabayo naman ni Chris sa nilupak na nasa lusong. Naririto kami ngayon sa likod-bahay nila Caithy. May isang mesang napapalibutan ng maraming upuan at kasalukuyan ako ngayong naririto at pinagmamasdan lang sila. May hawak akong papel at ballpen. Iniisip ko kasi kung anong isusulat ko kay Prinsipeng Kuwago. Hindi kasi mawala sa isip ko ang huli niyang liham. Si Zyra naman ay nakasandal sa akin at always busy sa pagdotdot ng cp niya.  "Hello, Cail!" biglang bati ni Chris. Napalingon naman kami kay Cail, ang nakababatang kapatid ni Caithy. Kasalukuyan siya ngayong bumababa sa hagdan ng bahay niya sa puno ng balete. Oo, may bahay siya sa puno ng balete at ayon kay Caithy ay sila lang daw dalawa ang gumawa niyan. Lakas din ng trip ng magkapatid na ito, eh. "Advance happy birthday, Cail Baby," bati din ni Nash, na bagong dating kasama sila Rhaine at Caithy. May mga bitbit silang tatlong case na malamang ay alak ang mga laman. Mag-iinuman na naman sila at ako ay hanggang isang baso lang ang kaya. Tumango lang si Cail sa kanila bilang sagot. Napakatahimik na bata lang talaga niya. "Halika dito, Cail." Nilapitan siya ng ate niya at niyakap. Hinila din siya dito sa kinaroroonan namin at pinaupo. "Happy Birthday!!!" masayang bati namin sa kanya ngunit pagtango lang muli ang isinagot niya sa amin. "Gift ko para sa 'yo. Buksan mo na, dali!" Iniabot ko sa kanya ang regalo ko. Sigurado akong magugustuhan niya 'yan. Binuksan naman niya ito kaagad at nakita kong nagningning ang mga mata niya kahit hindi siya ngumiti. Black cap ang gift ko para sa kanya. Ang sabi kasi sa akin ni Caithy ay 'yon daw ang paborito ni Cail. Gan'yan na daw talaga ang personality ni Cail, bata pa lang siya. Boyish gesture. Hindi siya showy sa nararamdaman niya at mas lumala daw ang kalagayan nito simula noong muntik na daw itong malunod sa rumaragasang ilog sa Bulacan, 2 years ago.  Magtatapos na ang buwan nang pasukan sa school noon. Nananalasa daw noon ang bagyo at nadulas daw kasama ang mga kaibigan, base sa k'wento nila sa amin. Sinagip daw ng ama nila kaya lang nailigtas si Cail pero ang ama nila ang tinangay ng alon. Natagpuan na lang daw ito sa isang kuweba na daanan ng tubig sa ilog na wala ng hininga. Nakakalungkot lang na sa ganoong paraan nawala ng maaga ang ama nila pero malaking pasasalamat din dahil nailigtas si Cail. At bukas ay birthday niya, 16 years old na siya. Kasabay ng 2nd death anniversay ng papa nila. Two years na rin daw hindi nagse-celebrate ng birthday si Cail. Sino nga ba naman ang magagawa pang mag-celebrate ng birthday mo kung sa mismong araw na 'yon binawian ng buhay ang pinakamamahal mong ama.  At ikaw pa ang naging dahilan nang pagkawala nito. Kahit sa akin siguro iyon mangyari, pero huwag naman po sanang pahintulutan ng Diyos na mangyari iyon sa amin. Hindi namin iyon kakayanin. "Ikaw lang ba ang may regalo? Kami rin, no!" sigaw ni Bryan at inilabas nga nila ang mga regalo nila para kay Cail. Ngayon naisipan ni Caithy na magbakasyon dito sa kanila dahil nga magbi-birthday si Cail bukas at kahit papaano ay magiging maingay man lang ang birthday niya. Kahit hindi namin alam kung magugustuhan niya ba iyon. One week vacation. Next week ko pa pala maipapadala kay kuya Ed ang sagot ko sa liham ni Prince J. Napahinga muli ako ng malalim. Habang sila ay nagkakasayahan na, ako naman ay malalim pa rin ang iniisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD