SM MEGAMALL
MEN'S WEAR DEPARTMENT
"Beb, daan tayo ng NBS, ha. Bibili ako ng stationery," aniko kay bff Zyra habang naririto kami sa men's wear department.
Nagpipili-pili kami ng mga polo-shirt ng boys. Bibilhan daw niya kasi ang daddy niya dahil magbi-birthday daw bukas at iyon daw ang ibigay niyang regalo.
Nagtingin-tingin na rin ako nang maaari kong bilhin bilang gift ko na rin kay tito.
"Bakit mag-stationery ka pa? Yellow pad na lang ang gamitin mo, p'wede na 'yon. Marami ka pang maisusulat," sagot niya habang itinataas sa harapan niya ang isang naka-hanger na polo shirt na color white.
Napangiwi naman ako sa sinabi niya.
"Grabe naman, hindi naman si madam Charo 'yong susulatan ko, eh," nakanguso kong sabi habang lumilinga sa paligid. Naghanap pa ako ng ibang maaarin kong ipang-gift din kay tito. Ayoko naman ng damit din. Para iba naman 'yong sa akin.
"Susulatan mo na naman si mahal mong prinsipe. Hindi ka ba nagtataka sa kanya? Ni hindi niya maibigay ang full Name niya. Walang social media account at naririto lang siya sa Pilipinas. My God, beb. Pinagtitripan ka lang niyan," mahabang sabi niya habang naglalakad naman kami kung saan. Tulak niya ang isang pushcart.
Alam ko naman na concern lang siya sa akin, kahit minsan ay nasasaktan din ako sa mga sinasabi niya. Pero pinapaliwanag at ginigising lang daw niya ako sa mga kahibangan ko.
Sino nga ba naman ang mukhang tanga ang makipagsulatan sa lalaki na hindi mo pa nakikita ni minsan. Ang masaklap pa sinagot ko sa liham lang din at nag-one year na kami last february.
Take note, three years na namin itong ginagawa at sa loob ng three years na 'yon ay maraming beses na kaming nagpalitan ng mga liham.
Noong unang taon ay hindi ko gaanong pinapansin ang mga sulat niya.
Actually, bigla na lang may dumating sa aking liham, isang araw.
THREE YEARS AGO
Nov. 4, 2015
Magandang Binibini,
Alam mo bang kasing-ganda mo ang araw-araw na dumadaan sa buhay ko simula nang masilayan ko ang iyong kagandahan?
Unang talata pa lang ng kanyang liham ay agad na niya akong napangiti.
Kasing ganda ng rosas sa umagang namumukadkad. Kasing ganda ng anghel sa kalawakan sa tuwing ika'y ngingiti. Kasing ganda ng paligid kapag ikaw ang aking napagmamasdan. Kasing ganda ng ulap sa aking paninging dati ay kay dilim.
Sana ay huwag mong masamain kung aking nanaisin, na ang iyong ganda ay pansamantalang maging akin.
Sa umpisa pa lang ng kanyang liham ay nahulog na ako ng hindi ko namamalayan.
Sa aking unang liham sana ay iyong pagbigyan. Ang aking hiling, sa iyong matamis na kasagutan.
Umaasa,
Mahal na Prinsipe
KASALUKUYAN
"Alam mo, beb, okay fine! Nand'yan na tayo, eh. Kayo na, wala na tayong magagawa. Boyfriend mo na eh. Maging ready ka na lang kapag dumating na 'yong time na magkita na kayo. Baka mamaya niyan. Gorilya pala 'yan. Maitim, ma-buhok--wait. Tingnan mo ang pogi! Baka siya 'yon!" Itinuro niya ang isang lalaking naka-uniform na katulad ng mga sales boy na naririto sa department store na ito. Siguradong dito rin siya nagwo-work.
Matangkad, moreno, curly hair, pero pogi nga. Tantalizing eyes. Daig pa ang mga mata namin na puno ng mascara. Ang tangos ng ilong niya. Hiyang-hiya naman 'yong sa amin! Nakadapa!
"Hoy, san ka pupunta?!" sigaw ko kay Zyra dahil bigla na lamang bumilis ang paglalakad niya at mukhang may plano pa yata siyang sundan ang lalaking 'yon! Nagpatumba-tumba na rin sa hallway ang itinutulak-tulak niyang pushcart!
"Sundan natin, dali!"
"Gaga talaga 'to." Wala akong nagawa kundi ang sumunod na lang din sa kanya.
Patungo sa men's shoes ang poging sales boy. Baka doon siya naka-assign.
Nang makalapit na kami ay nakita naming nakikipag-usap na ito sa isang saleslady. Sa Zyra na isang Marites ay lumapit din sa kinaroroonan nila at nagkunyaring nagtitingin-tingin ng mga shoes sa rack.
Napangiwi na lamang ako habang sumusunod din sa kanya. Napakatsismosa naman talaga ng kaibigan kong ito, oo. Pati tuloy ako ay nahahawa!
"Kailan ba raw papasok si Alliyah? Hindi naman siya nag-resign, 'di ba?" dinig naming tanong ng sales boy sa magandang saleslady.
Matangkad din si girl. Siguro ay nasa 5'6 o 5'7 ang height niya. Bagsak ang buhok niyang mahaba na umabot hanggang baywang niya. Maputi, medyo chinita. Maliit lang ang face niya pero cute.
Eto namang si baby boy--este sales boy ay mukhang 6 footer.
"H-Hindi ko nga alam," mahinang sagot ng babae sa kanya habang nakayuko. Nakikipag-usap siya ng nakayuko ang ulo. Nasa lupa ba 'yong kausap niya? Ang tangkad kaya ni babyboy kulot.
Wushooo! Namumula si bebegirl! Alam na this!
Bigla luminga sa paligid si baby boy kaya sabay naman kami ni Zyra napabaling sa mga shoes na nasa harapan namin.
"Take this. There's an envelope in my locker, take it and give it to Alliyah kapag nagkita na kayo. Sulisit 'yon from the whole home department."
Oh, ang cool naman niyang magsalita kahit sales boy lang siya. Hindi ko mapigilang humanga din sa kanya, katulad nitong katabi ko na nagkakandahaba ang leeg sa pagmasid sa kanila.
Hinawakan ni baby boy ang kamay ni bebe girl at may inilagay na susi doon. Marahil ay susi ng locker na sinasabi niya.
"Ang mamahal naman ng shoes, beb," bulong ni Zyra sa akin ngunit hindi ko siya nilingon dahil napansin kong nangangatal ang kamay ni bebe girl na ngayon ay hawak na ni baby boy kulot.
Oy, parang may ibig sabihin ang nakikita ko.
"9,999.95. Isang pares? Grabe, 'yaw ko na," muling bulong ni Zyra sa likod ko. Akala ko ba ay makiki-tsismis ito kay baby boy kulot?
"Ikaw ba ang nagpaplantsa ng mga uniform mo?" tanong ni baby boy habang hawak pa rin niya ang nangangatal na kamay ni bebe girl at titig na titig sa mukha ng namumulang saleslady.
Napakagat-labi ako. Oh, my God! Ako yata ang kinikilig sa kanila!
"O-Oo, b-bakit?" sagot pa rin ni bebe girl habang nananatili siyang nakayuko at kita kong mas lalo pang namumula ang mukha niya.
"So, paano mo pa mapaplantsa ang mga uniform ko sa mga susunod na araw kung ngayon pa lang ay pasmado ka na?" banat ni baby boy kay bebe girl.
OMG! Panty ko yata ang nalaglag! Sana all!
Napatingalang bigla si bebe girl kay baby boy at napatulala. Gulat na gulat ang hitsura niya.
"Good evening, Ma'am. May napili na po ba kayo?"
Bigla naman akong napalingon sa aking tabi at nakita kong may kumakausap ng sales boy kay Zyra.
"Ah, eh...w-wala kasi 'yong g-gusto kong design," sagot niya sa sales boy habang hinihila na niya ang braso ko paalis.
Oh, ano ka ngayon?
"Tara na, beb. Wala 'yong design na gusto ni daddy eh," pag-aya niya niya sa akin at hindi pa man ako nakakasagot ay kaagad na niya akong nahila palayo.
Napabunghalit na lang ako ng tawa sa kanya. Para siyang natakot bigla sa sales boy.
"Wala akong gano'n kalaking pera, no! Ang mahal-mahal, itatapak din naman sa lupa," nakasimangot niyang paliwanag sa akin.
"Sabi ko naman sa iyo, huwag na tayong makitsismis, eh. Wala ka rin namang naintindihan doon sa sinundan natin."
Nagtungo na kami sa counter upang magbayad ng mga pinamili niya. Wala pa rin akong napali. Siguro ay sa iba na lang ako titingin.
Bigla naman akong napahinto nang may pamilyar na lalaki akong natanaw sa kabilang counter.
"Colton?" tawag ko sa kanya na ikinalingon din naman niya sa akin.
Ngayon ko lang ulit siya nakita, matapos ang ilang buwan. Palagi ko kasi siyang nakikita sa kung saan-saan at malimit ay nakatambay sa restaurant kung saan kami nagtatrabaho ni Zyra.
"Nancy! Long time no see!"
Halata ang tuwa sa kanya nang makilala niya rin ako kaya naman lumitaw na naman ang ginintuan niyang ngipin sa paglawak ng kanyang ngiti.