EPISODE 2

3192 Words
Nakikita na mayro'ng pagkakasundo ang mga ito sa lahat ng bagay na hindi mo kakikitaan ng pagkainis o ano pa man, bagkus puro tawanan ang kahit pa puro asaran ang maririnig sa mga ito. "Senyorita, mamayang gabi ay papasyal tayo sa bahay nina mayor dahil inimbitahan tayo para sa gaganaping salo-salo at ilang pa-contest. Kaya okay lang ba, sa 'yo?" tanong ni Aling Nita, ang Nanay ni Ate Sarah, ngumiti naman ako 'tsaka tumango. "Aling Nita, puwede po ba akong humiling sa 'nyo?" tanong ko 'tsaka ako ngumiti. Hindi naman nakatakas sa aking pansin ang bahagyang pagtataka sa mukha nito gano'n na rin sa mukha ni Ate Sarah at ng iba pa. "Sige, senyorita, bakit hindi, kung kaya ko naman o namin ibigay," sagot naman nito na lalo ko namang ikinalapad ng ngiti dahil sa isipin na ang iniisip marahil ng mga 'to ay isang bagay ang aking hihilingin. "Salamat po. Pero 'wag po kayong mag alala dahil hindi naman po isang bagay ang aking hihilingin. Gusto ko lang po sanang 'wag n'yo na po akong tawaging senyorita, bukod po sa naiilang ako ay baka po kung ano pa po ang isipin ng mga taong makakarinig. Kaya maaari po bang pangalan ko na lang po ang itawag n'yo sa akin? Kahit na po ikaw Ate Sarah. Maaari po ba?" pakiusap ko. "Leizle na lang po o kaya ay Princess, kahit alin po sa pangalang 'yon, okay lang po, dahil parehas lang naman pong ako 'yon," 'tsaka ako ngumiti sa aking mga kaharap. Hindi naman nakatakas sa aking pansin ang waring pagkalito o pagkamangha ng mga 'to mula sa aking sinabi. "Senyorita, hindi po maaari dahil amo ko po kayo," waring hindi naman sang-ayong sambit ni Ate Sarah. Bumuntonghininga ako, "Please, Ate Sarah? Kahit ngayon lang sana pagbigyan mo ako," mahina kong sambit na may halong pakiusap. Nakita kong buntonghininga ito 'tsaka tumango na ikinangiti ko namang muli dahil sa naging pagsang-ayon rin ng mga 'to. HABANG nanonood ng parada ay hindi ko na namang maiwasang hindi mamangha, dahil sa edad kong disi sais anyos ay ngayon lang talaga ako nakakita ng gan'tong totoong parada, na kadalasan ay sa TV o video ko lang napapanood. Napangiti ako ng malapad nang makita ko pa ang iba't-ibang grupo na waring sasabak sa paligsahan. "Senyorita este Leizle, 'yang mga naka-costume na 'yan, 'yan ay mga sasali sa patimpalak mamaya sa bahay ni mayor, kaya dapat pumunta tayo ro'n para mapanood natin. Alas siete raw magsisimula kaya dapat alas sais pa lang nando'n na tayo para may mapuwestohan tayong maganda," nakangiting sambit ni Ate Sarah. Tumango naman ako rito 'tsaka ngumiti, ngunit gano'n na lang ang biglang pagkabog ng aking dibdib ng ibaling kong muli ang aking tingin sa mga taong pumaparada nang maramdaman kong parang may kung sinong nakamasid sa akin. Iginala ko naman ang aking tingin pero wala naman akong nakitang tao na maaaring nagmamasid sa akin dahil ang lahat ng mga taong narito'y halos lahat ay nalilibang sa panonood ng parada. Muli ko namang nilibang na uli ang aking sarili sa panonood habang hindi mabura-bura ang ngiti sa aking labi dahil sa tuwa at saya na aking nararamdaman sa mga oras na 'to. Ngunit agad naman nabura ang aking ngiti nang aksidenting napadako ang aking tingin sa isang lalaking nakaupo sa motor nito na nasa kabilang bahagi ng kalsada at waring sa akin din nakatutok ang mga mata. Gusto ko mang umiwas ng tingin pero bakit hindi ko magawa at waring ang aking pakiramdam ay ibang-iba ang nararamdaman ngayon. Nakakaramdam din ako ng kalituhan dahil sa hindi ko na rin maintindihan kung ano ang tawag sa damdaming iyon, dahil ang gano'ng pakiramdam ay bago lang para sa akin. Guwapo ang lalaki, na sa tingin ko ay nasa bente ayos na rin ito pataas dahil sa ganda ng hulma ng katawan at taas, may magandang hugis ng pangangatawan na para bang ang sarap pumaloob sa mga yakap nito, ang matangos na ilong na para bang ang sarap panggigilan, ang mga mata nitong madilim kung tumitig na waring may ibang ipinahihiwatig at animoy sa paraan ng pagtitig nito'y para akong hinahatak papalit, at ang mga labi nitong medyo mapupula na para bang ang sarap halikan at magpa-alipin sa mga halik ng labi nito. Hindi ko na maiwasang hindi humanga at pagpantasyahan ito dahil sa kaguwapohano katangiang aking nakikita. Aaminin kong marami ring magagandang lalaki ang nanliligaw sa akin, ngunit kahit isa sa mga 'yon ay walang nakakuha ng aking interes. Subalit ang lalakeng 'to ay iba, iba ang dating na agad nakuha ang aking atensyon o interes. Hindi ko kayang ipaliwanag ang damdaming iyon, dahil sa edad kong ito'y bago lamang ang gano'ng damdamin para sa akin. Bigla akong napapitlag nang sikuhin ako ni Ate Sarah, kaya naman agad akong napalingon rito ng may pagtataka. "Leizle, sino bang tinitingnan mo do'n? At kanina pa ako nagsasalita pero para namang hindi mo ako naririnig," nagtatakang tanong ni Ate Sarah. Umiling naman ako, "Ay sorry, Ate, may napansin lang kasi akong....." 'Tsaka ako muling bumaling ng tingin sa kabilang kalsada kung saan ko nakita ang lalaking gumulo sa aking presensya at bahagya pang napahakbang. Ngunit nang pagbaling ko'y wala na roon ang lalaki, saglit pa akong nagpalinga -linga, subalit hindi ko na muli pang nakita ang lalaking 'yon. "Napansing ano, Senyorita este Leizle?" tanong namang muli ni Ate Sarah, kaya't muli akong napabaling ng tingin dito. Muli akong umiling, "Huh? W-wala, Ate Sarah, 'wag mo na lang akong intindihin. Ano nga uli 'yong sinasabi mo kanina?" pag-iiba ko ng usapan, ngunit hindi ito umimik at nanatili lang nakatitig sa akin. Nginitian ko naman ito para hindi na mag-isip ng kung ano pa mang bagay. Maya-maya ay natapos na rin ang parada at nag-akit na ring umuwi ng bahay si Ate Sarah, at hindi na rin nito sinagot ang aking tanong tungkol sa sinasabi nito kanina. Hindi na rin naman ako nag-usisa pa dahil sa nanatiling naiwan ang aking isip sa lalaking nakita ko kanina. Bakit kaya gano'n na lang ang aking naramdaman kanina para sa lalaking 'yon, ang puso ko na hindi ko maintindihan kung bakit gano'n na lang kalakas ang pagkabog, ang aking sarili at isipan na parang gusto ko uling makita at makilala ang lalaking iyon. Sino ka ba? Bakit masyado mo na yatang ginulo ang aking presensya na kahit ang aking puso at isip ay parang naghahangad na makilala ka. "Sarah, Princess, nakahanda na ba kayo mga anak?" narinig kong tawag ni Nanay Nita sa amin ni Ate Sarah. Napatingin naman sa akin si Ate Sarah na waring nagtatanong, tumango naman ako 'tsaka tumayo at dumiretso na rin palabas ng silid. Papunta na kami ngayon sa bahay ng mayor dahil sa gagawing programa, alas sais pa lang ng hapon pero papunta na kami dahil sabi na rin ni 'Nay Nita na kung saktong alas siete pa raw kami pupunta ay baka mahirapan na raw kami, lalo na't dahil na rin sa dami ng taong maaaring manood. "'Nay, tara na po," sabi ni Ate Sarah nang makalabas na kami ng silid. Nadatnan naming naghihintay sa maliit na sala ng bahay nina Ate Sarah sina 'Nay Nita at Kuya Sherwin, na panganay na kapatid ni Ate Sarah. "Handa na ba kayo?" tanong ni 'Nay Nita. "Nauna na ang Tatay Nestor n'yo para makuhaan na raw tayo ng magandang puwesto." Sambit ni Nanay Nita, 'tsaka ito tumayo at tumungo sa pintuan, tumango na lang kami, at sumunod na rin sa mga ito palabas ng bahay. Mahigit nasa sampung minuto rin ang aming naging biyahe papunta sa bahay ng mayor, at nararamdaman ko pa ang tuwa sa aking sarili dahil sa gan'tong mga nararanasan ko. Kagaya ng pagsakay ko sa traysikle, nang una'y medyo kabado pa ako pero kalaunan naman ay na-enjoy ko na rin. Ilang sandali pa ay naglalakad na rin kami sa loob ng compound ng mayor, malaki at malawak din ang espasyong pag-aari ng Mayor na halos puno na rin ng tao, at hirap na rin makipag siksikan sa mga oras na 'to. Ang iba'y mga nakatayo na lang, at marahil ay naubusan na rin ng mauupuan. Napabaling ang tingin sa bahaging kanan ko, at kita ko pa ro'n ang malaking bahay na kulay puti ang pintura at puno rin ng mga ilaw. October pa lang ngunit dama na ang kapaskuhan sa bahay ng mayor dahil sa puno ng mga palamuti para sa pasko. Napangiti na lang ako dahil sa magandang tanawin na aking nakikita, ngunit bigla naman akong napa-aray nang maramdaman ko ang pagbangga ng kung kanino man o sinong tao na muntik ko pang ikabagsak sa lupa kung hindi lang din ito naging maagap sa pagsalo sa akin, nailinga ko naman ang aking paningin nang hindi ko na mahagip ng tanaw sina Ate Sarah. Agad akong umayos ng tayo mula sa pagkakayakap ng tao na sumalo sa akin at handa na sana akong tarayan o talakan ang taong nananatiling nakahawak sa akin o tamang sabihin na nakayakap sa aking baywang, dahil sa inis na aking nararamdaman. Ngunit gano'n naman kabilis nawala ang inis na namumuo sa aking dibdib nang makita ko ang mukha ng lalaking sumalo sa akin, dahil ang lalaking 'to rin ang nakita ko kanina sa plaza habang nanonood ng parada Hindi ako agad nakaimik o nakakibo man lang dahil sa pagkagulat at sa biglang pagkabog ng aking puso. At para bang utay-utay hinihigop ng lalaking 'to ang aking buong pagkatao sa paraan ng pagtitig nito sa akin, na wari bang ano man ang gawin nito ay hindi ko kayang hindian o tanggihan na animoy nagnanais o gusto ko ring magpa-alipin sa mga labi nito na waring ang sarap halikan at magpakulong sa mga bisig nitong wari ko'y saktong-sakto lang ang hulma para sa aking maliit na pangangatawan. 'Oh, my God...you are just 16 Years old, Leizle, para maabot ng isip mo ang ganyang klase ng kamunduhan,' Bigla naman akong natauhan nang bigla 'tong magsalita, "Are you okay? Is there any pain? Tell me!?" tanong nitong waring may halong pag-aalala na lalo lamang akong parang inilutang sa ulap dahil sa ganda ng boses nito sa aking pandinig. Ang boses nitong para akong hinahalina, sa lamig at buong-buong boses, subalit gano'n na lang kabilis ang pagbalik ng aking reyalisasyon nang marinig ko ang boses ni Ate Sarah na humahangos papalapit sa akin kaya naman agad akong napabitaw mula sa pagkakahawak sa dibdib ng lalaking nakayakap sa akin at dali-dali kong inayos ang aking sarili saka humakbang ng dalawang hakbang paatras para magkaroon kami ng espasyo ng lalaking na nasa aking harapan. "Diyos ko, senyorita! Tinakot mo naman akong masyado pati sina Nanay. Grabe ang kaba ko nang hindi na kita nakita sa likod namin. Bakit ka ba lumayo? Baka mapatay ako ng mga magulang mo pag may nangyari sa 'yo rito," hinihingal na sambit Ate Sarah na kita ko pa sa itsura nito ang matinding takot at kaba. Bahagya naman ako, "Ate Sarah, I'm sorry. I didn't mean it. Nalibang kasi ako sa mga nakikita ko at hindi ko na napansin na napahiwalay na pala ako sa inyo," paliwanag ko kay Ate Sarah. "I'm sorry po, Nay Nita," paghingi ko nman ng pasensya kay Nanay Nita. Pagkatapos ay muli akong napabaling sa lalaki na nananatiling nakatayo sa aking harapan nang biglang may nagsalita na isa pang lalaki na marahil ay kasama nito na hindi ko namalayan kanina. "Couz, let's go. Dad is waiting." sambit ng kasama nitong lalaki na ikinatango naman ng lalaking kumuha ng aking presenya na pati yata ang aking puso ay utay-utay na nitong tinatangay. Hanggang sa tumalikod na ang mga 'to ay nanatili pa rin nakasunod ang aking tingin sa magandang hubog ng likod ng lalaking hindi ko man lang nakuha o nalaman ang pangalan. Napaliyad naman ako ng bahagya ng maramdaman ako ang marahang pagkurot ni Ate Sarah sa aking tagiliran habang may ngiting nakapaskil sa labi nitong waring nanunukso. Samantalang si Nay Nita naman ay para bang pinipigilan lang ang mapangiti ngunit mababakas pa rin sa mukha nito. "In love ka 'no?" panunukso ni Ate Sarah habang paminsan minsang sinusundot-sundot ang aking tagiliran. Napangiti ako kasabay ng aking pag-iling, "Ate Sarah, hindi ah!" mabilis kong tanggi, "Nabangga ko lang kasi 'yong lalaki, dahil hindi ko napansin na kasalubong ko na pala kasi nga nalilibang ako sa paligid," paliwanag ko at pilit pinagtatakpan ang kung ano mang aking nararamdaman, at totoo mang na-in love ako pero ayaw ko namang ipahalata, dahil kahit naman paano'y nakakahiya pa rin. Umirap ito kasabay ng pag-ismid ng labi, "Hindi raw? Eh, bakit nakayakap sa 'yo? Kilala mo ba kung sino 'yon?" waring nanunuring sambit pa ni Ate Sarah. Umiling ako, "Kasi, Ate Sarah, nasalo n'ya ako nang muntik na akong matumba, kaya akala mo lang po nakayakap sa akin o magkayakap kami. Hindi ko naman po pati 'yon kilala, eh...sino ba 'yon?" paliwang ko, na hindi ko na rin napigilang magtanong kay Ate Sarah kung sino ang lalaking 'yon. Ngumiti naman ng malapad si Ate Sarah na lalo kong ikinailang, "'Yong lalaki na nagsalita ay anak 'yon ni Mayor Delgado, panganay na anak. At 'yong isang lalaki na nakayakap sa 'yo ay marahil pinsan dahil tinawag na couz, 'di ba pinsan ibig sabihin no'n?" sabi ni Ate Sarah na ikinangiti ko naman dahil sa paraan ng pagtatanong nito sa paraang parang bata na kaedadan ko lang. Hindi na ako nakasagot at sabay kaming napalingon kay Nanay Nita ng magsalita ito. "Halina kayo, saka n'yo na ipagpatuloy ang pag-uusap. Ilang minuto na lang ay magsisimula na rin ang programa. Maigi at may nakuhang magandang puwesto ang Tatay Nestor n'yo." sambit ni Nanay Nita, 'tsaka kami inaya papunta sa aming puwesto. Tumango naman kami ni Ate Sarah at sumunod na rin kay Nanay Nita, hindi naman nagtagal ay nagsimula na rin ang programa. Aminin kong nag i-enjoy ako ngayon gabi dahil sa iba't ibang paligsahan ang aking nakikita. Maya-maya'y napalingon naman ako sa lalaki na tumayo mula sa isang mahabang lamesa na nasa unahan namin na marahil ay isa ito sa mga hurado nang tinawag ito ng emcee at pinakyat sa entablado. Nakatutok lang ang aking paningin sa lalaking papaakyat ng entablado at hanggang sa tuluyan na itong makaakyat ay hindi pa rin humihiwalay ang aking paningin, dahil ang lalaking 'yon ay ang lalaki ring nakita ko kanina sa plaza na nagpakabog ng aking dibdib sa hindi ko maintindihan dahilan kung bakit gano'n na lang ang dating na lalaking ito sa aking buong pagkatao. Hindi kaya umiibig na ako sa 'yo, at gano'n na lang ang epekto mo sa akin buong pagkatao? Kahit pa sabihing hindi naman kita kilala at kahit man lang ideya sa pagkatao mo'y wala akong alam. Narinig ko ang malakas na hiyawan ng mga kababaihang nand'to na waring mga kinikilig. At sino nga naman ang hindi kikiligin sa kakisigan ng lalaking bukod sa kagwapuhan ay malakas rin ang karisma, na kahit sa edad kong disi-sais anyos ay hindi ko rin mapigilang hindi humanga sa lalaking iyon. Ngunit nang makita kong may isang babaeng umakyat sa stage at agad itong hinalikan sa pisngi ang lalaki ay bigla akong nakaramdam ng kakaibang damdamin na waring ang bata kong puso ay nakakaramdam ng pagseselos. Gusto kong umakyat din ngunit hindi para halikan din ito kundi para hilahin ang babae na humalik dito na ngayon ay nakayakap na sa braso 'tsaka ihulog sa ibaba ng entablado. Oh, my god.. Kahit ang aking isipan ay nagiging bayolente na rin. Ano na bang nangyayari sa akin? Napabaling naman ako ng tingin kay Ate Sarah ng kalabitin ako nito na bahagya ko pang ikinapitlag dahil sa gulat. "Senyorita, ikaw na lang, please? Magaling ka naman kakanta 'di ba?" may kalakasang sambit ni Ate Sarah dahilan upang mapalingon naman sa amin ang aming mga kalapit. Ngunit ang ipinagtaka ko ay ang sinabi nito na hindi ko maintindihan kung ano ang ibig nitong sabihin at waring napansin naman nito ang aking reaction kaya't muling nagsalita. "Kasi, senyorita. Kakanta raw ang isang hurado kaso ang gusto raw ng mga manonood ay may ka-duet....teka? Hindi mo ba narinig 'yong sinasabi ng emcee?" nagtatakang sambit ni Ate Sarah, at bahagya namang napakunot ang aking mga kilay, 'tsaka ko muling ibinaling ang aking tingin sa stage kung saan nando'n 'ang lalaking nagbibigay ng kung ano'ng klase ng pakiramdam sa aking puso. Gano'n na rin ang babae na nananatiling nakayakap sa braso nito na lalo lamang ikinangitngit ng aking kalooban. Muli namang nagsalita ang emcee tungkol sa kagaya ng sinasabi ni Ate Sarah kanina sa akin. "Again. Does anyone want to be one of our jurors' duets? Is there a good singer here who could perform a duet with one of our jurors, Mr. Delgado?" narinig kong tanong ng emcee habang palinga-linga ang pa tingin nito sa mga taong nanonood. Ngunit muli ako napabaling kay Ate Sarah ng tumayo ito habang nakataas ang kamay kaya naman napabaling ang tingin ng lahat sa amin dahil sa ginawa ni Ate Sarah. Pagkatapos ay hinila naman ako patayo, at sa pagkabigla ko'y muntik pa akong matumba, na mabilis naman akong nahawakan mo Kuya Sherwin , kaya't nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi ako tuluyang natumba. "Maghinay-hinay ka naman, Sarah," hasik ni Kuya Sherwin kay Ate Sarah. At muli na sana akong uupo nang muli na naman ako nitong hatakin patayo, "Naku! Sorry, senyorita," hinging paumanhin nito habang may ngiting nakapaskil sa labi. "Na-excite lang kasi akong marinig uli ang boses mo, eh. Kaya sige na, pagbigyan mo na kami," may halong pakiusap na sambit nito. 'Di ko naman napigilang hindi mailibot ang aking paningin sa mga tao nang makarinig ako ng ilang pagtili. Maya-maya'y nagsalita na uli ang emcee at pinapaakyat na ako sa entablado. Hindi naman ako agad nakakilos dahil sa kabang nararamdaman ko sa mga oras na 'to, sagalit pa'y naramdaman ko naman ang pag-alalay sa akin ni Ate Sarah papunta ng stage. "Ate Sarah, ano ba 'tong ginawa mo sa akin. Hindi ako handa, eh, 'tsaka ang daming tao, oh? Baka himatayin lang ako sa stage n'yan, eh," mahina kong sambit bago pa man ako tululoyang maka-akyat. Umiling ito habang nakangiti, "Hindi 'yan, senyorita. Ano ka ba? Charge to experience mo na lang 'yan," mahina ring sambit nito habang nakangiti. Pagkatapos ay inihatid na rin ako ni Ate Sarah sa itaas ng stage at sinalubong naman ako ng emcee pagdating ko sa itaas. "Wow!" waring humahangang reaksyon ng emcee. "Ang ganda naman pala ni Ate, eh. Ayos lang ba kung magkaroon muna tayo ng ilang mga katanungan bago kita ibigay kay Mr. Delgado?" nakangiting sambit ng emcee, 'tsaka ito bumaling sa direksyon ng lalaki. Tumango na lang ako sa kabila ng kabang nararamdaman ko, kasabay din ng pabaling ko ng tingin sa direksyon ng lalaking tinitilian ng mga babaeng nand'to ngayon, hanggang sa kusa din namang bumaling ang aking tingin sa babaeng katabi ng lalaki na hanggang ngayon ay nananatili pa ring nakayakap sa braso nito, habang may magandang ngiting nakapaskil sa labi nito na waring kinikilig sa mga oras na 'to, at hindi ko naman napigilan ang pagtikwas ng kaliwa kong kilay habang nakatingin sa braso nitong mahigpit na yakap-yakap ng babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD