EPISODE 1

3171 Words
PAALALA lang po, ang istoryang ito ay sumasailalim pa rin po sa pagsasaayos ng mga mali. Kaya sana ay maunawaan po ninyo kung hanggang ngayon ay napaka-kalat pa rin po ng aking mga story. PRINCESS's POV "What's going on here?" nagtataka kong tanong sa aking pamilya nang mabungaran ko ang seryosong itsura ng mga ito habang nakaupo sa loob ng opisina sa mansyon. Kadarating ko lang mula Los Angeles dahil sa trabahong dinaluhan. Ang aking Fashion Show. At dahil sa gano'ng aking trabaho ay bihira rin lang akong makauwi rito sa mansyon at makita ang aking pamilya. Isang buwan uli ang nakalipas mula sa pananatili ko sa Los Angeles at ngayon lang uli ako nakauwi rito sa Pilipinas. "Hi, hija!" masiglang bati ni Mom. "I miss you, Princess." 'Tsaka ito tumayo at hinalikan ako sa aking pisngi nang tuloyan na akong makalapit sa akin. "Hi, Mom," ganting bati ko. "Ano'ng mayro'n? Bakit parang ang laki yata ng problema n'yo?" nagtataka kong tanong na sinabayan ko pa ng mahinang pagtawa. "Ready for yourself, Princess. Next week darating na ang lalaking mapapangasawa mo," seryosong sambit ni Dad, ngunit waring mababakas naman sa mukha nito ang kalungkutan. Bahagyang napaangat ang aking likod mula sa aking kinauupuan, kasabay nang bahagya ring pagbuka ng aking bibig dahil sa pagkabiglang naramdaman sa sinabi ni Dad. "W-What? Dad....tama ba ang narinig ko? Lalaking pakakasalan ko?" naguguluhan at sunod-sunod kong tanong. "Yes, Princess." tugon ni Dad. "The man you will marry," seryosong nitong sagot, 'tsaka nagpakawala ng malalim na paghinga. "A-are...are you serious, Dad!? Paano ako magpapakasal sa isang lalaking wala akong alam tungkol sa katauhan ng taong 'yon, o kung anong klaseng tao ba 'yan!? Hindi ako magpapakasal sa lalaking hindi ko mahal." matigas kong sambit, na ikinatahimik naman ng lahat. Bumuntonghininga si Dad at muling nagsalita, "Yes, I'm serious, anak. Kilala ko ang pamilya ng lalaking pakakasalan mo, mabait, edukadong tao at kilala sa lipunan," 'tsaka ito tumingin kay Mom. Napataas naman ang kilay ko, "Wow! At kailan ka pa tumingin, Dad, sa antas ng pamumuhay ng isang tao, para sa mga taong mamahalin namin? Isa pa, 'yang lalaking sinasabi n'yo wala akong pakialam kung mayaman man s'ya o mahirap, handa akong pakasalan kung mahal ko, pero ang mali, Dad, pakakasalan ko ang lalaking 'yon dahil lang sa kagustuhan n'yo?...Oh, come on, Dad!" Hindi ko na napigilang magtaas ng boses, kasabay ng aking pagtayo sa harapan ng mga ito. Pansin ko naman ang pananahimik ng aking pamilya habang nakikinig sa nagiging takbo ng usapan namin, at narinig ko pa ang pag buntonghininga ni Dad. Napabaling ako ng tingin kay Mom nang magsalita ito, "Hija, pakinggan mo muna sana ang Daddy mo, at sana maunawaan mo. Hindi rin naman kagustuhan ng Dad mo 'yong gan'to, eh, 'yong ipakasal ka sa lalaking hindi mo gusto o hindi mo mahal, kaso anak may dahilan din kasi ang Dad mo," malungkot na sambit naman ni Mom. Napailing ako, "Then what? Ano'ng dahilan mo, Dad? Tell me?" Galit kong sambit, at lumakad sa may glass door, pagkatapos ay muling humarap, habang naka pamewang, dahil sa hindi ko na rin mapigilan pa ang bugso ng aking nararamdamang sama ng loob na sumisibol ngayon sa aking puso Muli namang bumuntonghininga si Dad at bahagya pang tumungo, "Hindi ko na rin naman naaalala 'yong kasunduang 'yon, anak, dahil mga bata pa kami noon ni Jaime, magkaibigan kami nang college, at hanggang sa nagkaroon na rin kami ng mga sari-sariling pamilya. Nangako kami na pag nagkaroon kami ng mga anak ay ipapakasal namin pagdating ng araw. Pero nang magkaroon na kami ng anak ng Mommy n'yo ay dalawang lalaki na magkasunod kaya hindi ko na inisip pa o binalewala ko na lang ang kasunduang 'yon, dahil lalaki rin naman ang naging anak nila, pero makalipas ang ilang taon ay muli na namang nagbuntis ang Mommy n'yo at ikaw na nga 'yong batang 'yon, Leizle, hija, hanggang sa tuluyan ko nang nakalimutan ang tungkol sa bagay na 'yon, at ilang taon na rin akong walang balita kay Jaime, kaya nagulat na lang ako nang tumawag si Jaime sa akin last week at sinabi nitong uuwi sila rito sa Pilipinas kasama ang nag-iisa nitong anak na lalaki para ipakilala sa 'yo at sabay na rin daw para pag-usapan ang kasal n'yong dalawa," muli itong bumuntonghininga. "Pero....sinubukan ko rin namang kausapin si Jaime, anak, pero hindi s'ya pumayag," mahaba at malungkot na kuwento ni Dad. Kita ko pa ang lungkot at pag-aalala sa mga mata nito, na kahit ang bahagyang awa marahil sa akin ay napansin ko rin sa mga mata nito. Walang imik akong tumalikod 'tsaka dumiretso sa pintuan, ngunit bago pa man ako tuloyang makalabas ay lumingon akong muli sa aking pamilya. "Hindi ko alam kung ano'ng dapat kong maramdaman ngayon, Dad, pero hayaan n'yo po muna sana akong makapag-isip. At alam kong kahihiyan n'yo 'yan kung wala kayong anak na ipepresenta sa inyong kaibigan, masama mang pakinggan, pero para n'yo na rin ho akong ipinamimigay." Malungkot kong sambit at hinayaan kong maramdaman ng mga ito sa aking boses ang sama ng loob na aking nararamdaman sa mga oras na ito, pagkatapo ay tuloyan na rin akong lumabas ng opisina at dumiretso sa aking silid. Subalit, bago pa man ako makapasok sa akin silid ay tinawag ako ni Mom. "Princess, hija? Maaari ba kitang makausap, anak?" malungkot na pakiusap ni Mom. Tumango naman ako rito, 'tsaka ako sumenyas papasok sa aking silid. "What, Mom? Pipilitin mo rin ba akong ipakasal sa lalaking wala man lang akong idea tungkol sa pagkatao ng lalaking 'yon?" malungkot at may diin kong sambit kay Mom. Umiling ito, "No, hija," agad nitong tugon, "Hindi ka naman namin pipilitin o ipagtutulakan na pakasalan ang anak ni Mr. Delgado," mahina nitong sambit, na mabilis kong ikinalingon dito dahil sa apelyidong binanggit nito. "At isa pa, kahit naman ang Dad mo aayaw rin at umayaw sa kagustuhan ni Jaime, kaso kasi, anak, ipinipilit ni Jaime ang kasunduang 'yon, na ang dating kay Jaime ay walang isang salita ang Dad mo, at ngayon nga ay nagsisisi ang Dad mo, kaya sabi ng Dad mo kung ayaw mo talaga, ay hindi ka n'ya pipilitin, wala na raw s'yang pakialam kung magalit o masira man daw ang pagkakaibigan nila ni Mr. Delgado, dahil ang mahalaga pa rin naman sa Dad mo ay ikaw. Kung ano ang gusto mo at kaligayahan. Kaya sana anak 'wag mong isipin na hindi ka namin inaalala o pinapahalagan. Mahal ka namin at ikaw pa rin ang mahalaga at kung ano ang desisyon mo." Mahabang paliwanag Mom, 'tsaka nito hinawakan ang aking buhok at bahagyang hinaplos. Nauunawaan ko naman ang mga 'to, hindi ko lang talaga maiwasang hindi makaramdam ng sama ng loob. Ngunit bigla naman akong nakaramdam ng kakaibang kaba o t***k sa aking puso nang bigla akong may maalala sa apelyidong sinabi ni Mom. "Delgado? Do you have any idea, Mom? About the son of Mr. Jaime Delgado?" tanong ko at hindi na pinansin pa ang iba pang mga sinabi ni Mom. Dahil sa apelyidong biglang bumalik sa aking alaala, ang apelyidong hinding hindi ko kailanman makakalimutan, ang apelyidong tumatak sa aking isip at sumakop sa aking puso at buong pagkatao mula nang araw na makilala ko ang lalaking iyon at tangayin ang lahat-lahat sa akin, ang aking dangal, puso at buong pagkatao. "No, I have no idea about Jaime's Son. Pero ang sabi ng Dad mo nasa Italy raw ito ngayon at pinamamahalaan ang isang hospital nila doon na pagmamay-ari rin ng kanilang pamilya," mariin itong tumitig sa akin. "Why, hija?" "Nothing, Mom. I just remember something," pag-iwas ko sa tanong nito at pilit pinapakalma ang aking sarili. Tumango ito, "Okay, hija. Sige na, magpahinga ka na. Alam kong pagod ka at wala pa rin pahinga," mahinang sambit ni Mom, ngunit hindi na ako sumagot at tanging pagtango na lang aking naging pagtugon. Lumabas na rin ito ng aking silid pagkatapos akong halikan sa pisngi. Tumayo na rin ako at dumiretso sa banyo upang mag-shower dahil ramdam ko na rin ang panlalagkit ng aking katawan sa maghapong kakabiyahe. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin ako at dumiretso sa aking walk-in closet upang magbihis. Nagbihis lang ako ng isang pair na pajama na silk ang tela, pagkatapos ay dumiretso na rin sa aking kama para mahiga. Ngunit hindi pa man nag-iinit ang aking likod sa higaan ay muli akong napabangon nang maalala ko ang sinasabi nila Dad ang tungkol sa lalaking mapapangasawa ko. Bigla na namang kumabog ang aking dibdib sa dahilang hindi ko rin alam. Mabilis akong tumayo at muling bumalik sa loob ng walk-in closet, 'tsaka ko kinuha ang isang maliit na box na naglalaman ng dalawang bagay na tanging naiwan sa akin ng isang lalaking pinag-alayan ko ng aking sarili. Pagkatapos ay muli akong bumalik sa aking kama, 'tsaka ako naupo. Binuksan ko ang maliit na kahon at ko kinuha mula sa loob no'n ang isang silver bracelet at isang kulay asul na panyo. Tinitigan kong muli ang silver na bracelet at ang pangalang naka-engraved sa loob nito na L. Delgado. At ang panyo naman nitong may nakaburdang L. D, muling bumalik sa aking ala-ala ang mga nangyari mula sa nakaraang sampung taong lumipas. Labing anim na taon pa lang ako noon at kaga-graduate ko pa lamang ng high school. At ngayon nga ay nasa bente sais anyos na rin ako pero hanggang ngayon ay parang sariwa pa rin sa aking alaala ang lahat. FLASHBACK "Manang Fe, payagan n'yo na po ako, sige na po kasi. Wala naman po sina Mommy, eh, wala rin sina Kuya. Lagi na lang akong nag-iisa rito, eh, gusto ko lang naman po pagbigyan ang aking sarili, kasi next month po magiging busy na rin ako sa school....kaya sige na po, Manang Fe, payagan n'yo na po ako," puno ng pakiusap kong sambit kay Manang Fe. Totoo rin namang mag-i-start na rin ang pasukan para sa kolehiyo sa susunod na buwan, at kailangan ko na rin tutukan ang aking pag-aaral, dahil hindi rin naman 'yon gaya ng high school na kahit magpa-easy-easy lang. "Iyon na nga, apo, ang dahilan ko kaya ayaw kita payagan. Wala ang mga kapatid mo lalo na ang mga magulang mo. Paano na lang kung mapahamak ka? Sino ang unang mananagot sa kanila? Hindi ba't Ako? Dahil sa akin ka inihabilin ng mga magulang mo? At isa pa, baka mapahamak ka lang sa lugar na 'yon, malayo-layo rin, apo, ang Quezon," alanganing sagot naman ni Manang Fe, at mababakas sa pananalita nitong hindi ito sang-ayon sa aking kagustuhan. "Manang Fe, 'wag po kayong mag-alala hindi naman po ako pababayaan do'n ni Ate Sarah, 'tsaka mag-iingat din po ako. Dalawang araw lang naman po kami ni Ate Sarah doon, Manang Fe, eh. Ako na lang po magpapaliwanag kina Mom at Dad pag nalaman po nila," pamimilit ko pa kay Manang Fe, nakita ko naman ang pag buntonghininga muna ito bago nagsalita. "Hays.." buntonghininga nito. "Ikaw talagang bata ka. Kailan ba kayo aalis? Kakausapin ko muna si Sarah," "Manang Fe naman, basta po magtiwala kayo sa akin, sa amin ni Ate Sarah. Okay po ba 'yon? Kaya kahit hindi n'yo na po kausapin si Ate Sarah," may halong paglalambing kong sambit dito, 'tsaka ako ngumiti. Kita kong napailing na lang ito at hindi na nagsalita pa. KINABUKASAN, maaga kaming nagpahatid kay Mang Kardo sa terminal ng bus pauwi ng probinsya nina Ate Sarah. Napangiti ako nang mabasa ko ang mga karatula sa unahan ng mga bus. Iba't-ibang lugar, pero nang mabasa ko ang pangalan ng lugar nina Ate Sarah ay nakaramdam ako ng excitment. Ang bayan ng Real Quezon. Aaminin ko nakaramdam ako ng excitement dahil sa lahat ay bago sa akin ang aking mga ginagawa. Ang sumakay ng bus, kumain ng mga pagkain na tinitinda sa gilid ng kalsada at 'yong makihalubilo sa maraming tao na hindi ko nakasanayan dahil sa sobrang pag-iingat sa akin ng aking pamilya. Ngunit ngayon'y ito ako, malayang ginagawa ang mga bagay-bagay na lahat ay bago sa akin. Napangiti na lang ako habang nakatingin sa mga pagkaing tinutuhog ni Ate Sarah, na kikyam at fishball daw ang tawag do'n. "Senyorita Leizle, halika na po at baka maiwan pa tayo ng bus." Nagmamadaling sambit ni Ate Sarah kaya't dali-dali ko namang kinuha ang tinutuhog ko pang hotdog at fishball. Nang makarating kami sa gilid ng bus ay hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kaba dahil bukod sa ito ang unang beses akong makakasakay ay sa gan'tong sasakyan ay masyado ring malaki kumpara sa kotseng nakasanayan kong sakyan. "Senyorita?" tawag sa akin ni Ate Sarah. "Ayos lang po ba kayo? 'Wag po kayong mag-alala dahil safe naman po 'tong sakyan," 'tsaka ito ngumiti marahil ay napansin ang kabang rumehistro sa aking itsura. "Sure ka ba talaga, Ate Sarah? Safe ba talaga tayo rito?" ulit ko pa sa sinabi nito at ramdam ko sa aking sarili ang kaba. Tumango naman ito 'tsaka ngumiti, at maya-maya pa'y naramdaman ko na ang utay-utay na pag-usad ng bus. Napausal na lang ako ng mahinang panalangin, pagkatapos ay 'tsaka ako tumingin sa bintana ng bus at nilibang ko na lang ang aking sarili sa mga nadadaanan namin. Hanggang sa nakaramdam ako ng antok at hindi ko na rin namalayan pa nang tuluyan na rin akong nakatulog. Nagising ako sa marahang pagtapik sa akin ng kung sino at nang imulat ko ang aking mga mata ay nakita ko si Ate Sarah na may ngiting nakapaskil sa labi nito. "Senyorita, baba po muna tayo para makakain. Tumigil na po kasi bus para mag-stop-over dahil tanghali na rin po," nakangiting sambit ni Ate Sarah. Kaya't agad naman akong napatingin sa suot kong relo, at nakita ko nga na halos kensi minutos na lang ay sasapit na ang alas dose ng tanghali. Tumango ako, pagkatapos ay sumunod na rin ako kay Ate Sarah pababa ng bus. Pagbaba namin ng bus ay iginala ko ang aking paningin sa paligid, pansin ko ang dami ng tao sa lugar na 'to at may ilang bus din ang mga nakaparada, gano'n na rin ang ilang kotse, marahil ay nagsisipag tanghalian na rin sa mga kainang nand'to. Pumasok kami ni Ate Sarah sa isang kainan na may kalakihan din ang espasyo, at kita ko pa ang dami ng taong nando'n. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng pagkailang dahil sa pansin at ramdam ko ang mga tingin at titig sa akin ng mga taong waring sinusuri ang aking itsura. Gano'n pa man'y binalewala ko na lang ang mga taong nasa paligid ko na mariing nakatingin at nagmamasid sa bawat kilos ko, 'tsaka ako umupo sa upuan itinuro sa akin ni Ate Sarah. Saglit pa ay dumating na rin ito at dala ang isang tray na naglalaman ng mga pagkain at kasunod pa nito ang isang ale na may dala pa ring isang tray na naglalaman pa rin ng ilang mga pinggang may lamang mga pagkain. Napakunot ang aking mga kilay, "Ate Sarah, bakit parang ang dami naman yata ng mga pagkaing in-order mo? Mauubos ba nating lahat 'yan?" tanong ko rito, ngunit ngumiti lamang ito kasabay ng pagtango. "Kain na po, senyorita, 'wag po kayong mag-alala dahil mauubos po natin lahat 'yan. Isa pa'y mahigit tatlong oras pa uli ang ating magiging biyahe, at maaari ka po uling magutom sa loob ng bus kaya dapat ay damihan mo rin ng kain mo." sambit nito, 'tsaka ako nginitian. Napangiti na rin lang ako at nagsimula na ring kumain, at ilang sandali pa'y natapos na rin kami sa aming pagkain, napangiti na lang ako nang makita kong halos naubos naming dalawa ang mga nakahain sa aming harapan, at aminado naman akong masarap don ang mga luto nila rito. Maya-maya'y narinig na namin ang pagtawag ng konduktor at sinabing paalis na raw ang bus, sakto namang nakabalik na rin si Ate Sarah sa lamesa na kinainan namin nang matapos na 'tong magbayad sa kahera. MAKALIPAS ang kulang tatlong oras ay nakarating na rin kami sa lugar nina Ate Sarah. Hindi ko naman mapigilang hindi mamangha dahil sa ganda ng mga tanawing aking nakikita, at ang simoy ng hangin ang sarap langhapin, dahil ramdam kong ang sariwang hangin aking nalalanghap na 'di kagaya sa Manila na halos polusyon na ang iyong malalanghap, at sandali ko ring dinama sa aking balat ang lamig na humahaplos sa aking pandama. Ibang iba talaga ang probinsya kaysa sa siyudad, dahil tahimik at hindi magulong kapaligiran ang makikita rito. "Senyorita, halika na muna sa loob para makapag pahinga ka na rin. At mamaya ay isasama ka namin ni Nanay sa palengke." narinig ko na sambit ni Ate Sarah, kaya't agad naman napabaling ang tingin dito at ngumiti 'tsaka sumunod dito pagpasok sa loob ng bahay. Nang maihatid ako ni Ate Sarah sa silid na aking pansamantalang tutuluyan ay nagbihis lang ako at agad nahiga sa kama, dahil sa medyo nakakaramdam rin ako ng pagod at antok. KINABUKASAN, nagising ako sa ingay sa labas ng silid na aking inuukopahan, na waring nagka kasiyahan. Kumuha ako ng damit na isusuot at dinala ko 'yon palabas ng silid upang tumungo sa banyo. Paglabas ko'y sakto namang nakasalubong ko si Ate Sarah na papasok naman ng kusina. "Ay, senyorita, gising ka na pala," waring nagulat nitong sambit. "Halika na, nang makakain ka na rin, kasi mamaya magsisimula na ang parada, tamang -tama lang ang gising mo," sambit ni Ate Sarah habang may malapad na ngiting nakapaskil sa labi. "Ate Sarah, gusto ko sanang maligo muna bago kumain, kaso'y hindi ko alam kung nasaan ang banyo, eh," nakangiti kong sambit. Napakamot ito sa ulo at bahagyang ngumiti, "Pasensya na, senyorita. Nalimutan ko pa lang ituro sa 'yo kagabi," nahihiyang sambit nito, 'tsaka tumawa. Napapangiting sumunod na lang ako rito papunta sa banyo, nang makarating kami sa harap ng banyo ay agad akong pumasok at naligo, binilisan ko rin ang aking kilos dahil excited na rin akong mapanood ang parada na sinasabi ni Ate Sarah. Ilang sandali pa ay natapos na rin ako at muling bumalik sa silid na aking tinutuluyan para itabi ang aking damit na hinubad. Ganon na rin upang ayusin ang aking sarili, at ilang minuto pa'y nagpasya na rin akong lumabas ng silid t'saka dumiretso sa kusina. Naabutan ko naman doon si Ate Sarah at ang pamilya nitong naipakilala na rin sa akin kahapon nang dumating kami. Natutuwa naman ako dahil sa sobrang pag-aasikaso nila sa akin, hindi lang dahil sa anak ako o isa ako sa amo ni Ate Sarah kundi sadyang mababait lang talaga ang pamilyang ito. Naupo na ako sa katabi ni Ate Sarah at sinimulan na rin namin ang pagkain. Aaminin kong nalilibang ako habang kumakain dahil sa naririnig kong kuwentohan ng pamilyang nasa harapan ko na may bahagya pang tawanan, kaya't hindi ko naman maiwasang hindi rin mapatawa, dahil sa ang sayang panoorin ng mga 'to kumpara sa aking pamilya na palaging seryoso sa harap ng hapagkainan, may mga kwentuhan din naman kami, ngunit hindi kagaya ng pamilyang ito na masaya at puno ng katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD