Ngunit nang ibalik ko ang aking paningin sa mukha nito ay kita ko naman ang bahagyang pagngisi ng lalaki na agad ko namang ikinaiwas ng tingin at muling ibinalik sa emcee ang aking pansin.
At sa mga oras na ito'y ramdam ko ang panginginit ng aking tigkabilang pisngi sa pagkapahiyang nararamdaman dahil sa nahuli ako nitong nagtaray sa babae na katabi nito at maaaring iba ang isipin nito at isiping na-i-insecure ako sa malanding babae na katabi nito, na kahit 'yon rin naman talaga ang totoo.
"Ehem.." tikhim ng emcee. "Puwede na ba ako magtanong, Miss Ate ganda? Mamaya na uli kayo magtitigan ni Mr. Delgado. Mahaba pa naman ang gabi," agaw ng emcee sa aking atensyon habang may malapad na ngiting nakapaskil sa labi nito, kaya't ramdam kong lalo lamang ikinapula ng aking mga dahil sa pagkapahiyang nararamdaman kaya naman muli akong napayuko.
Kasabay naman ng lalong pagtilian at hiyawaan ng mga tao na nandito sa gabing ito.
Muling nagsalita ang emcee, "Miss Ate ganda, could you please introduce yourself to everyone? Because we are all excited to know what your name is," nakangiting na sambit ng emcee, tumango naman ako pagkatapos ay ibinigay sa akin ang mikropono.
"I'm Princess Leizle Montemayor, 16 years of age, and I'm live in manila. And I am here because of a friend and, of course to enjoy this moment." pagpapakilala ko sa kabila ng kaba na aking nararamdaman.
Kita ko naman ang pagkamangha na rumehistro sa mukha ng emcee at ng mga hurado na nakaupo sa isang mahabang lamesa na nasa unahan ng entablado.
Bigla naman akong kinabahan nang mapansin kong may nakatutok na ilang cellphone sa aking direksyon.
"Ow..may..gad!" waring nasurpresang sambit ng emcee, agad naman akong napalingon dito. "Are you the youngest of Vince and Victor Montemayor's siblings? Mr. Vicente and Mrs. Sheila Montemayor's only daughter?" namamanghang tanong ng emcee, na lalo namang ikinailang ng aking pakiramdam.
"Yes. I am, but I am not here to discuss my family or my personal life, I am here to enjoy this event and nothing else. I apologize and hope you understand," seryoso kong sambit na hindi ko na itinapat ang mikropono sa aking bibig upang hindi na rin marinig ng lahat ang aking naging sagot.
Ngumiti naman ito at tumango 'tsaka humingi ng dispensa, "Okay, please accept my apologies. Ms. Montemayor,"
Ginantihan ko naman ito ng malapad na ngiti, pagkatapos ay inihatid na rin ako sa gitna ng entablado.
Sinalubong naman ako ng lalaki at rinig ko pang nag-excuse ito sa babae na kala mo'y tuko na ayaw ng bumitaw kaya naman muling napataas ang aking kilay nang mapatingin ako sa babae.
Ganon naman ang lalong ikinataranta ng aking puso sa ginawa at sinabi ng lalaki nang tuluyan na itong makalapit sa akin.
Marahang pinisil ang aking baba, "You seem so to be a jealous girlfriend, don't you?" halos bulong nitong sambit at bahagya pang inilapit ang bibig sa pagitan ng aking tainga at leeg, pagkatapos ay marahang itinaas ang aking mukha habang nananatiling nakahawak ang lalaki sa aking baba, 'tsaka ako dinampian ng magaang halik sa noo, na waring naging hudyat upang lalong umingay ang mga tao.
Hiyawan at ang iba'y sumisipol pa, 'yan ang maririnig sa bulwagan sa mga oras na 'to, subalit nangingibabaw ay ang malakas na hiyawan ng mga kababaihan na halatang mga kinikilig kasama na ang emcee na nasa tabi lang namin ngayon.
Umiwas ako ng tingin, "N-no...I‐I'm not," nauutal kong sagot, na lalo lamang nitong ikinangisi.
Maya-maya ay nagsalita muli ang emcee, kaya't halos sabay kaming napabaling ng tingin dito.
Nagtanong ito kung ano'ng aming kakantahin, agad naman akong sumagot ng kahit ano.
Samantalang ang lalaking nasa tabi ko'y nag-suggest ng isang duet love song na PERFECT, nang una'y hindi ko agad na-gets ang sinabi nitong kanta pero nang marinig ko na 'yong intro natuwa naman ako kasi isa sa mga paborito ko ring kanta.
Nagsimulang kumanta ang lalaki, na hindi ko mapigilang hindi humanga sa ganda ng boses nito, kaya't lalo lamang naghurumintado ng aking batang puso.
Sa bawat bigkas nito ng mga liriko, pakiramdam ko'y sa akin nito sinasabi, kaya't bahagya akong yumuko dahil sa hindi ko na matagal pa ang pagtitig nito sa akin.
Malakas na tilian na naman ang umalingawngaw sa lugar na iyon. at lalong higit ay hiyawan ng mga kababaihan.
At nang ako na ang kumanta ay kusa namang napa-angat ang aking mukha at tumingin sa mga mata nito, na waring gusto ko na iparating sa lalaking nasa harapan ko ang aking nararamdaman sa mga oras na 'to.
Nakaramdam naman ako ng kakaibang kuryente sa aking katawan nang medyo lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa kabila kong baywang, kaya naman lalong umingay ang mga taong nanonood, na pakiramdam ko'y para na kaming mga celebrity na nagbibigay ng kilig sa mga fans.
Habang ako naman ay hindi ko na maintindihan pa lalo ang aking sarili dahil sa kaba na lalo lamang umuusbong sa aking dibdib.
Humarap ako sa lalaki nang magsabay na ang aming mga boses at lalo lamang 'tong lumapit na halos magdikit na ang aming mga katawan.
Hanggang sa natapos ang kanta ay hindi na ito lumayo pa, pagkatapos ay muli akong dinampian ng magaang halik sa aking noo.
Subalit bago pa man ito bumitaw, ay muli na naman nitong pinakabog ng mabilis ang aking dibdib dahil sa mga salitang binitiwan nitong sapat lang na kaming dalawa lang nakarinig.
"You are perfect for me, baby," bulong nitong nagpatayo ng aking mga balahibo, pagkatapos ay bumitaw na rin mula sa pagkakahawak sa aking baywang.
Narinig ko pa ang kant'yawan ng mga tao gano'n na rin ang emcee, napayuko ako at agad na ring nag-excuse sa lalaki, t'saka dali-daling bumaba ng entablado dahil hindi ko na rin talaga kaya pang tagalan na kasama ang lalaking 'to, na para bang matutunaw na ako sa tindi ng emosyong aking nararamdaman para sa lalaki.
Subalit napatigil naman ako sa paglalakad nang mapatapat ako sa puwesto ng mga hurado dahil sinalubong ako ng mayor at inayang maupo sa isang table na malapit sa mga hurado at sa entablado kung saan naroon ang babae na kanina ay nakayakap sa braso nung lalaking ka-duet ko sa pagkanta.
Katabi nito ang isa pang babaeng halatang may edad na rin ang itsura at ang isa pang lalaki na tumawag kanina ng couz sa lalaking nakabangga ko, at ang lalaki na aking naka-duet na ngayon ay nakaupo na uli sa hanay ng mga hurado.
At sa pangalawang pagkakataon muli na namang nagtagpo ang aming mga mata na agad ko rin namang binawi at tumingin sa gawi nina Ate Sarah.
Tumango naman sa akin ang mga 'to 'tsaka ako umupo sa puwesto nina Mayor.
Nababaling ako ng tingin kay mayor ng magsalita ito, "I'm glad, hija, at na-isipan mong bumisita sa aming lugar. Karangalan namin na makasama ka sa kasiyahang ito," masayang sambit ni mayor, 'tsaka ito ngumiti gano'n na rin ang may edad na babaeng marahil ay asawa ni mayor.
Samantalang ang babaeng katabi ng ginang ay seryoso lamang na nakatingin sa akin habang nakataas ang isang kilay.
"Thank you, mayor. Actually, I am here with Ate Sarah Crisostomo and her family. When I found out that a festival would be held here, I insisted on accompanying Ate Sarah," nakangiti kong sagot, 'tsaka tumingin sa ginang na may mababakas ang kagalakan sa mga mata nito.
Madami pa kaming napagkuwentohan nang maramdaman kong lumapit sa akin si Ate Sarah para ayain na sana akong umuwi ngunit hindi pumayag ang mayor at muli pa akong pinakiusapan na manatili pa muna lalo na at nalamang kinabukasan ay pabalik na rin kami ng Manila.
Pinaunlakan ko naman ang mga 'to at sinabi ko kay Ate Sarah na uuwi na lang ako bukas ng umaga, dahil nag-alok na rin ang mayor na sa mansyon na rin lang muna ako tumuloy bilang isa ring bisita.
Hindi nagtagal ay umalis na rin sina Ate Sarah at ang pamilya nito, habang ako'y naiwan at nakikiharap o nakikisama sa mga taong unang beses ko lang mga nakilala.
Hindi naman ako nahirapang makisama dahil mabuti rin naman ang turing sa akin, marahil na rin siguro ay kilala ang aking pamilya sa lipunan at hindi masasabing basta-bastang tao lang na kahit sa edad kong 'to ay ramdam at kita ko ang respeto sa akin ng aking mga kaharap.
At sa itsura ko'y wala nga namang mag-iisip na nasa disi-sais anyos pa lamang ako, bukod sa mataas ako kumpara sa aking edad at wala rin sa itsura ng aking pangangatawan ang aking edad.
Kahit si Ate Sarah ay nagsasabing kung pagbabasihan daw ang aking itsura sa aking edad ay mukha na raw akong nasa bente anyos pataas, na madalas ko namang ipagkibit balikat na lang.
Aminado naman akong magaganda rin ang height ng aking mga magulang kahit ang aking mga kapatid.
LUMIPAS pa ang mahigit tatlong oras ay natapos na rin ang mga parangal sa mga kupunang nanalo sa ginawang paligsahan sa iba't-ibang kanilang mga talento na ipinamalas.
Maya-maya'y napaangat naman ako ng aking mukha nang mapansin kong may nag-abot sa akin ng panyo na kulay asul, hindi ko naman alam kung tatanggapin ko o tatanggihan dahil sa hiya na namang o pagkatulirong aking nararamdaman lalo na at nakatingin sa akin ang aming mga kaharap.
Ngunit bigla naman akong bahagyang napaigtad nang maramdaman kong ito na mismo ang nagpunas ng pawis sa aking noo pababa sa aking leeg 'tsaka nito isinapin sa aking likod na talaga namang ramdam ko ang pamamawis ng aking katawan na dala marahil sa dami ng tao na nand'to sa bulwagan.
Hindi naman na ako nakaimik at dinama na lang ang sandaling magkadikit ang aming mga balat na hindi ko pa maiwasang bahagyang mapapikit ang aking mga mata.
Subalit agad din akong napamulat ng makarinig ako ng pagtikhim sa aking gilid, nang lingonin ko'y nakita ko ang nakangising mukha ng anak ni mayor, na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan kahit na ang babae na katabi nito.
Sandali pa'y naramdaman ko namang naupo na sa aking tabi ang lalaki nang nagbibigay sa akin ng kakaibang damdamin.
"Tito, maaari na po ba kaming bumalik sa mansyon? Tapos na rin naman po ang programa, sa mansyon na lang po namin itutuloy ang kwentuhan," narinig kong usal ng lalaking nasa aking tabi.
Tumango si mayor, "Ayos lang, hijo, at baka pagod na rin ang ating bisita." pagsang-ayon ni mayor. "Leizle, hija, ayos lang bang ang aking anak at pamangkin na muna ang bahalang mag-asikaso sa 'yo? Hintayin lang namin na tuloyang matapos ang okasyon. Nand'yan naman si Jhona na maaari mong makakuwentohan, at 'wag ka sanang makaramdam ng hiya o pagkailang, ha? Mababait naman ang mga batang 'yan. Si Jhona ay kababata ng aking anak na si Miguel at 'tong aking pamangkin na si L.d," nakangiting sambit ni mayor at ipinakilala na rin ang tatlo.
Tumango ako, "Thank you, po, Mayor Delgado. And don't worry, po, I can handle myself. Take your time with them. I understand because that is your duty as mayor," mahinanon kong sagot at bahagya pa akong ngumiti, na ikinangiti rin naman ng ginang kasabay no'n ay tumango na lang si mayor.
Saglit pa ay inalalayan na akong tumayo ng lalaking sinasabi ni mayor na L.d ang pangalan, kasabay na rin ng pagtayo pa ng dalawa 'tsaka kami naglakad papunta sa bahay ni mayor, ramdam ko pa ang mga palad ni L.d na nakadikit sa aking likuran na waring nakaalalay, hindi ko naman maiwasang hindi makaramdam ng kilig sa simpleng pag-alalay nito sa akin, dahil pakiramdam ko'y isa akong kasintahang pinoprotektahan.
At muli na naman akong namangha sa aking nakikitang tanawin sa bahay ng Mayor.
Actually, hindi mo 'to masasabing basta bahay lang dahil talagang malaki rin ito, gano'n na rin ang lugar na pinagdausan ng programa, kaya't masasabi mong isa rin itong mansyon, at ito lang din yata ang pinakamalaking bahay sa lugar na 'to.
Nang makapasok kami sa loob ng gate ay inaya kami ng anak ni mayor sa gilid na bahagi ng mansyon kung saan nando'n ang swimming pool, at mga naggagandahang matataas na halaman.
Naupo ako sa pang isahang upuan at gano'n na rin ang babaeng sinabi ni mayor na Jhona ang pangalan.
Habang ang dalawa namang lalaki ay nagpaalam na papasok na muna sa loob para kumuha ng inumin at ilang makakain.
Ngumiti naman ako sa babae kahit pa may nararamdaman akong pagkailang dito, iba dating ng awra nito na mula pa kanina ay waring hindi padadaig.
Ngunit nang ngumiti ito pabalik sa akin ay bigla namang nabura ang maling haka-haka ko para dito.
Hanggang sa nagsalita na nga ito at nakipagkuwentuhan na hindi ko mapigilang hindi mapahalakhak sa mga kuwento nito na nakakatawa.
Sobra akong natutuwa sa presensya nito dahil sa may pagkakuwela naman pala 'to na taliwas sa mataray nitong itsura.
"Hey! What's going on here?" sabay kaming napalingon ni Jhona at napatigil sa tawanan, nang marinig namin ang boses ni Miguel, nang makabalik na uli mga 'to sa puwesto kasama si L.d habang dala ang ilang mga inumin at mga chips.
"Ahmm! Just...just nothing. May napagkuwentuhan lang kami na hindi rin maka-move on si Leizle sa kuwento ko kagaya n'yo ni L.d noong una." sagot ni Jhona, 'tsaka ito humalakhak, na hindi ko rin na naman muling napigilang hindi mapatawa.
Naitakip ko pa ang aking kamay sa aking bibig sa hindi ko mapigilang pagtawa.
"Hey! That's enough," malambing na saway sa akin ni L.d, kaya't muli na naman akong nakaramdam ng kilig. "Hindi rin mabuti sa kalusugan ng tao ang sobrang pagtawa," wari namang biglang umurong ang aking tawang kanina lang ay hindi ko mapigilan dahil sa pakiramdam ko'y puno ito nang pagpapahalaga sa akin.
Tumikhim muna ako bago umayos ng upo, at pinigilan ang sariling tumingin kay Jhona dahil baka muli na naman akong mapatawa at hindi ko mapigilan pa.
"By the way, Leizle. Have you got a boyfriend?" Seryosong tanong ni Jhona. 'tsaka dinampot ang isang chips at binuksan.
"Ahmm! No, I don't. And I'm too young for that," mahina kong sagot.
Waring nabigla ito, "Ha? Teka...how old are you, na ba?" nakakunot kilay nitong tanong.
"Ang dami mo namang tanong, Jhona, baka mamaya n'yan mag-akit na lang umuwi 'yang si Leizle," singit naman ni Miguel sa usapan namin ni Jhonna.
"I'm just asking, Miguel, okay? Kaya shut up ka lang d'yan," pambabarang sagot naman ni Jhona kay Miguel sabay tawa kaya napatawa na rin ako, na hindi ko talaga mapigilang hindi mahawa sa pagtawa nito, dahil iba talaga ang dating sa akin ng bawat tawa at pagsasalita nito.
"No, it's okay. Don't worry, Miguel. I'm willing naman to anwer all her question, eh," sambit ko kay Miguel. "Ahmm! I'm just 16 years old, Jhona. And hindi rin ako umiinom gaya ng mga 'yan. But i'm willing to try and hindi naman siguro ako ma-a-addict d'yan, 'di ba?" tumatawa kong sambit, narinig ko naman na napatawa rin ang aking mga kaharap.
"What? Are you serious? Are you really only 16? Oh..my..God, Ha? Hindi halata. You seem to be between the ages of 22 and up. Ang tangkad mo kasi and look oh? 'Yang body figure mo, hindi pang 16 ears old," hindi makapaniwala na sambit nito. "Ako nga, bente anyos na pero mukha pa rin sampung taon, kainis, 'di ba?" muli na naman itong bumanat ng kalokohan kaya't muli rin na naman akong napatawa.
Humalakhak ako, "Jhona, please, tama na! Masakit na ang t'yan ko, eh!" 'T'saka ako napahawak sa aking tiyan, habang patuloy pa rin sa paghalakhak.
"Tama na nga, Jhona. Ano pa bang ipagtataka mo, eh, mukha ka lang naman talagang sampung taon. Kita mo 'yang height mo, 'yang dibdib mo, 'tsaka 'yang itsura mo, mukhang bago pa lang nadi-develope, eh," pang-aasar namang muli ni Miguel kay Jhonna, kaya't hindi ko na namang napigilan ang muling mapahalakhak.
Lalo na nang makita kong binato ni Jhona si Miguel ng isang balot na chips na waring naasar.
Ngunit gano'n din kabilis mabura ang aking pagtawa nang mapalingon ako sa aking katabi dahil naramdaman kong waring nakatingin sa akin si L.d na hindi nga ako nagkamali.
Mariin lang itong nakatitig sa akin na wari bang may nais sabihin o kung ano'ng bagay ang tumatakbo sa isip nito.
Mabilis akong napaiwas ng tingin at agad dinampot ang isang bote ng alak 'tsaka ko 'yon in-straight ng inum.
Pansin ko naman ang pagtahimik ng dalawa ng lingunin ko ang mga ito'y parehas mga nakatutok ang paningin sa akin.
Nagkibit balikat na lang ako at hindi na umimik pa, gano'n na rin ang mga ito at nagsimula na rin uminom ng alak.
Nakakatatlong bote na ako at ramdam ko na ang waring medyo pag-ikot ng aking tingin.
Marahan kong ipinilig ang aking ulo dahil ramdam kong kaya ko pa naman, ayaw kong umayaw dahil ngayon lang 'to at gusto ko 'tong maranasan kahit ngayon lang na malaya ako, dahil t'yak ako pag-uwi ko balik na naman ako sa dati na sunod dito sunod doon, dahil kailangan ko ring makatapos sa pag-aaral para sa pangarap at adhikain ko sa buhay.
Napansin ko namang medyo may tama na rin ng alak o tamang sabihing lasing na rin si Jhona.
Saglit pa'y nakita kong tumayo si Miguel at nilapitan si Jhona.
"Couz, akyat ko lang 'tong lasinggerang 'to, ha? Ikaw na muna bahala kay Miss. Leizle," Sambit ni Miguel, 'tsaka binuhat si Jhona na para bang isang sakong bigas at agad na ring ipinasok sa loob ng bahay.
Narinig ko pang umalma si Jhona ngunit pinalo lamang ito ni Miguel sa pang-upo nito, na hindi rin naman na ito pumalag marahil ay dahil na rin sa kalasingan nito.
Hanggang sa nakapasok na ang dalawa sa loob ng bahay at tanging kami na lang ni L.d ang natira rito sa may pool area na waring nagpapakiramdaman sa isa't-isa.