PART 6 (The Separation)

2301 Words
Sa kanilang pag labas ay isang malakas na tunog ng binasag na bote ang aking narinig. Wasak ang screen ng aming flat screen tv at nagkalat kung saan ang mga basag na bote ng beer kasunod ang pag akyat ni papa sa kanilang silid bitbit ang tatlo pang bote ng beer at pabalibag na sinara ang pinto ng kanilang silid. Luhaan ako na patakbong tinahak ang pinto upang makita ang pag alis nila mama at kuya. Bahagya pang lumingon sa akin si kuya na alam kong umiiyak din sa aming pahihiwalay. Isang pagtango na lang ang ginawa nito upang mag paalam. Hanggang sa patuloy nilang tinahak ang gate palabas sa aming bahay. Kasunod noon ang pag pagpatak ng malakas na ulan na siyang naging dahilan na lamunin na sila ng dilim at malambong na buhos ng ulan. Nanatili lang akong nakaupo sa aming pintuan na nakatanaw sa kanila kahit na ba hindi ko na maaninag ang kanilang naglahong pigura. Hindi ko na ininda ang paminsan minsang pag buhos saken ng ulan dahil gusto kong hugasan ng ulan ang aking mga luha at ang sakit na aking nararamdaman ngayon. Hindi ko rin ininda ang lamig ng paligid dahil tila manhid na aking pakiramdam na sanhi ng matinding kirot sa aking kalooban. Maging mga kagat ng lamok ay walang na ring bisa na mag bigay sa'ken ng pakiramdam. Hindi ko alam kung ilang oras na kong nakaupo sa harap ng aming pintuan na patuloy na umaasang bumalik sila sa aming tahanan, subalit hindi ito nangyare dahil patunay ang mga liwanag na unti unti ng kumakalat sa buong paligid. Inabot na pala ako ng umaga sa paghihintay sa pagbabalik nila mama at kuya. Ibig sabihin ay magdamag na akong gising at umaasa na mag bago pa ang kanilang isip na huwag masira ang amin dating masayang pamilya. Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng mga yabag mula sa silid nila mama at papa. Lumabas na pala si papa subalit hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin, dumerecho lang ito sa ref upang kumuha ng panibagong alak na iinumin saka muling umupo sa sofa. Wala din akong planong kausapin si papa. Kasalanan niya ang nagyare sa aming pamilya dahil sa pride niya. Kung pinigilan lamang sana niya sila mama at kuya ay hindi na nangyare sana sa amin ang ganito. Hinayaan ko na lang si papa na magpakalunod sa kanyang alak. Bahala siya sa buhay niya kung yan ang gusto niyang mangyare sa buhay niya, basta ako gagawin ko kung ano ang gusto kong gawin. Wala kaming pakialaman. Tinungo ko ang aming silid ni kuya, nais kong bumawi ng tulog upang bumalik ang aking lakas. Sa aking paghiga ay nanumbalik sa akin ang mga araw at gabi na kasama ko pa sa loob ng silid na ito ang aking kuya na ngayon ay totoong nobyo ko na. Muli na naman akong naluha sa pag alala sa mga pagnini*g namin ng aking kapatid na naganap mismo sa kamang hinihigaan ko ngayon. Bumalik din sa aking ala-ala ang naudlot napag angk*n sana sa’ken nito kagabi. Nagsisisi tuloy ako na hindi ko pinagbigyan si kuya sa kanyang nais na mangyare sa aming dalawa. Sa aking pag gulong sa bahagi ng kama kung saan pwesto iyon ni kuya ay may nakapa ako sa ilalim ng unan nito. Isang sulat. Kaya mabilis akong umupo sa ibabaw ng kama upang malaman ang nilalaman nito. Babe, Siguro habang binabasa mo itong sulat ko sa’yo ay malayo na kami ni mama sa inyo. Ginawa ko ang sulat na ito upang ipaalam sa iyo ang totoong nararamdaman ko sa’yo. Babe, alam mo naman na torpe ako kaya wala akong lakas ng loob na magtapat sa’yo tungkol sa nararamdaman ko. Ang totoo, hindi kita tinatratong kapatid dahil ang totoo, gusto kita maging nobya noon pa mang mga bata pa tayo. Sinubukan ko naman pigilin ito sa pamamagitan ni Trish pero bigo ako. Hindi si Trish ang iniyakan ko ng minsang magkausap tayo. Iniiyakan ko ang pagiging torpe ko na magtapat sa'yo. Iniyakan ko ang ideyang maagaw ka sa'ken ng iba dahil sa sulat ng isa mong kaklase na nakuha kong nakaipit sa isa sa mga notebook mo. Laman nito ang pagtatapat niya ng pag-ibig sa'yo, samantalang ako ay walang lakas ng loob na sabihin sa'yo ang laman ng puso ko. Ginamit ko si Trish bilang daan upang maging akin ka. Oo alam ko namang may gusto sa akin si Trish at inamin niya sa akin ito. Hindi rin totoong may boyfriend na siya dahil ako ang gusto niya. Babae si Trish pero siya ang nanliligaw sa akin upang maging kami pero tinurn down ko ito dahil sa’yo. Naisip kong gawing kasangkapan si Trish upang maging tayo at nagkatotoo ang plano ko. Ginusto kong maging akin ka mula ng mabasa ko ang sulat ng klase mo. Alam kong hindi mo pa ito nababasa dahil selyado pa ito at hindi ko gustong malaman mo pa ito kaya naman tinapon ko na. Dahil doon, napagdesisyonan ko na ligawan ka pero hindi ko alam kung paano. Masaya ako na kahit pekeng boyfriend lang ang meron tayo ay naging akin ka. At sobrang saya ko rin sa mga namamagitan sa atin. Babe, plano ko sana ligawan ka ng totoo sa monthsary naten pero dahil sa pangyayare ngayong gabi ay hindi na yata matutuloy, kaya sa pamamagitan ng sulat na ito ay nais kong ipagtapat sa’yo ang totoo bago maging huli ang lahat. Babe, sana mahintay mo pa ang pagbabalik ko para madugtungan pa ang relasyon na meron tayo. Yung relasyon na hindi pag papanggap lang. S’ya nga pala. May regalo din ako sa’yo na sana magustohan mo. Nasa ilalim ito ng unan mo at sana hindi pa ako huli sa pagbabalik ko. Lagi mong iingatan ang sarili mo hanggang sa pagbabalik ko. Mahal kita Ethan. Mahal na mahal. Your future husband, Elijah James Cuevas Umiiyak akong hinaplos ang liham na ito. Dama ko ang mga natuyong mga patak ng luha mula rito. Bahagya akong napangiti habang hinahagkan ang sulat ni kuya, marahil ginawa niya ito sa pag aakalang hindi niya masasabi sa akin ang totoo niyang damdamin para sa akin, pero nagawa niyang mag tapat kaninang magkausap kami sa labas. “Hay naku, ang gwapong boyfriend ko talaga.. napaka torpe.” Sa loob loob ko. Kinuha ko sa ilalim ng unan ko ang regalong tinutukoy niya. Isa pala itong brief na puti pero mukhang gamit na, as in labahan. Nakatupi ito ng maayos kaya naisip kong buklatin ito, at sa aking pag buklat ay may bahaging basa pala ito na amoy chlorox. Marahil tam*d niya ito, pero dahil ilang oras na ang lumipas kaya naman natunaw na ito. Hindi na ako nandiri na langhapin ito, dahil tanging sa ganitong paraan ko na lang malalanghap ang kanyang pagkalal*ki na minsan ay sinamba ko. Maya-maya pa ay bumangon ako at tinungo ang aming laundry basket. Tama nga ako, may damit pa dito si kuya na pinaghubaran niya. Nais ko itong gawing punda sa kanyang unan na ginagamit upang kahit papano ay maramdaman ko na kapiling ko pa rin siya. Niyakap ko ang unan ni kuya na pinundahan ng kanyang pinaghubarang damit at pinilit na gumawa ng tulog. Napahaba yata ang aking tulog dahil sa puyat, dahil ayon sa side table na digital clock sa aming kwarto ay nasa alas dos na ito ng hapon kaya nag pasya na akong bumangon at tumungo sa aming CR upang mag linis ng katawan. Matapos kong mag bihis ay bumaba na ako sa aming kusina upang tumingin ng makakain. Gaya ng inaasahan wala pang lutong pagkain dahil si papa ay wala naman alam sa gawaing kusina at isa pa lasing na lasing itong natutulog sa sofa sa aming sala. Mabilis na lumipas pa ang mga araw na halos wala kaming pansinan ni papa sa loob ng aming bahay. Hindi na rin ako umattend sa aming recognition day dahil wala na rin itong saysay pa, wala naman akong pamilyang pag aalayan ng aking achievement. Si papa naman, gaya pa rin ng dati, lagi pa rin itong lasing maging ang sarili ay hindi na maasikasong linisin. May mga ilang tao na rin ang pumupunta sa bahay upang batakain ang mga dapat batakin sa aming mga ari-arian. Una na dito ang kotse, kasunod ang pag papaalam ni aling Thelma na siya na daw ang mag ti-take over sa aming grocery na no comment naman kay papa. Ako na ang nag desisyon na payagan ito, kesa naman mag sara at mawalan ng trabaho ang mga dati naming emplyedo. At kahapon naman ay ang abugado ni Mrs. Mendoza na nakabili ng aming bahay na binigyan na lamang kami ng 3 linggo upang lisanin ang aming bahay. Halos paubos na rin ang aking ipon sa pang araw-araw naming gastusin sa bahay kaya dapat makaisip ako ng paraan upang maitawid namin ng aking lasinggong ama ang araw-araw naming pangangailangan. Isang hapon, bibili sana ako ng lulutin para sa aming hapunan ng madatnan kong magulo ang aking kwarto. Nagkalat ang mga damit na dating nakatiklop sa cabinet ngayon ay nasa sahig na itong lahat. Daig pang dinaaanan ng ipu-ipo sa gulo. At higit na nagpakaba sa akin ay ang maliit kong kaha de yero na pinaglalagyan ko ng aking mga inipon, ay nakataob na sa ibabaw ng kama. Wala na itong laman. Wala naman ibang makikialam nun kundi ang nag iisa kong kasama sa bahay. Si papa. Dali-dali akong lumabas ng kwarto para tanungin si papa. Pero tulad pa rin ng dati ay tulog na tulog ito sa kalasingan. “Pa… pa… gumising ka..” tawag ko kay papa. “Saan mo dinala ang pera ko?” naiiyak kong tanong sa natutulog kong ama. Pero sa halip na sagutin nito ang tanong ko ay tumalikod lang ito ng higa sa akin. Dahil suko na ako na makakuha ng ng sagot ay nag pasya akong dukutin ang bulsa nito pero tanging ilang pirasong barya lang ang nakuha ko. “Pa naman, bakit mo pinakialaman ang perang ipon ko.. saan na tayo ngayon kukuha ng makakain natin sa araw-araw…” umiiyak kong reklamo kay papa. Subalit wala pa rin akong nakuhang sagot mula dito kaya naman kamot ulo akong naglalakad pabalik-balik sa loob ng aming kusina sa pag iisip ng paraan kung saan kami ngayon kukuha ng makakain. Isa na lang paraan ang alam ko, ang mangutang sa tindahan na madalas kong bilhan. “A-aling Mercy…” lakas loob kong tawag sa tindera ng maliit na tindahan. “Oh, Ethan.. ikaw pala.. anong bibilhin mo anak?” tanong ng matandang babae. “Ahh ehh… a-aling Mercy… uutang po sana ako ng isang kilong bigas at saka sardinas…” lakas loob kong pag amin dito. “Ha.. uutang ka kamo? Eh ang yaman yaman ninyo?” hindi makapaniwalang wika nito. “A-ano po kase wala po… k-kaming pera ngayon.” Pagbabakasakali kong tugon dito. “Naku anak, alam mo naman na maliit lang itong tindahan ko… at saka…” naputol nitong wika sabay buklat sa isang notebook. “Eto anak oh.. mahaba na rin ang listahan ng utang ng papa mo.. puro alak, sigarilyo at chichirya.” Dagdag pa ni aling Mercy na aking iknagulat. “Baka naman po, kahit ngayon lang ay mapagbigyan ninyo po ako.” Pagpipilit ko pa rito na naiiyak na. “Naku, anak… paano mo naman ako mababayaran n’yan, alam mo namang maliit lang itong tindahan ko at dito ko rin kinukuha ang pang araw-araw namin.” Hindi ako nakaimik sa sinabi ni aling Mercy. Saan nga ba ako kukuha ng pambayad dito kung sakaling makautang ako. “Mabuti na lang, yung papa mo nakabayad pa ng utang n’ya kanina nung hindi na ako pumayag makautang s’ya ulit… pero hindi niya lahat nabayaran ng buo.” Dagdag pa nito. Tama nga ang hinala ko na si papa ang kumuha ng inipon kong pera, yun nga lang ibinayad lang lahat sa bisyo nitong alak na halos ilang lingo na rin niyang ginagawa mula ng iwan kami nila mama. Umiiyak na lang akong naupo sa isang bangko sa harap ng tindahan ni aling Mercy sa kawalan ng pagasa. Dahil sa pag iyak ko ay bigla itong lumabas sa kanyang tindahan at pinatatahan ako. “Naku, Ethan… anak. Wag kang umiyak.. gustohin ko man pautangin ka pero baka bumagsak din itong munting negosyo ko.” Pag aalo nito sa akin. “K-kahit ngayon lang po aling Mercy.. bukas na bukas po ay mag hahanap ako ng paraan makahanap ng perang pambayad sa inyo.” Pagmamakaawa ko. Bahagyang tumahimik ang matanda at nag isip ito ng mamalim. “Gusto mo ba anak magkaroon ng pagkukunan ng pera?” pagkaraan na tanong nito sa akin na ikanaliwanag naman ng aking mukha sa pagkakaroon ng pagasang magkaroon ng pagkakakitaan. “O-opo, aling Mercy.” Kaagad kong tugon dito. “Ganito kase anak, araw-araw ay may nag babagsak dito sa tindahan ko ng mga kakanin.. medyo malakas din sana ang bentahan noon pero sa iyo ko na lang ipagkakatiwala para naman may mapagkunan ka ng pera… iyon naman ay kung papayag kang ilako na lang ang mga ito.” Paliwanag sa’ken ni aling Mercy. “O-opo, kaya ko po yun aling Mercy.” Kaagad kong tugon. “Oh hala… s’ya sige.. pauutangin na kita ngayon.. pero bukas na bukas din ay bayaran mo rin agad ha, ng mapaikot ko naman ang benta ko.” Pag papayag ni aling Mercy na pautangin ako. “Maraming salamat po aling Mercy.” Maluha luha kong yakap sa matanda sa labis na kagalakan. “Oh s’ya, s’ya… tama na yan at baka pareho lang tayo magkaiyakan.” Maluha luhang awat sa’ken ng matandang tindera. Bukod sa pinautang sa akin ni aling Mercy ay binigyan din ako nito ng kanilang natirang ulam, at higit sa lahat ay ang pagkakataon na magkaroon ng mapagkakakitaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD