“AT KAILAN MO GUSTONG IPAALAM SA’KEN CLARISE HA?!” malakas na sigaw ni papa kay mama ng makapasok sila sa loob ng aming bahay kasunod ang mga tunog ng mga nabasag na bagay.
Dahil dito ay mabilis kaming nag bihis ni kuya ng aming mga kasuotan upang alamin ang nagyayaring gulo sa labas ng aming silid.
Nauna na akong lumabas upang awatin sila. Mabilis kong niyakap ng mahigpit si papa upang hindi nito masaktan si mama na kasalukuyang umiiyak at nanginginig sa takot.
“OO…. KASALANAN KO NAAAAA! DAHIL AKALA KO MAISASALBA KO PA ANG NEGOSYO NATEN!” ganting bulyaw ni mama kay papa.
“Ibig sabihin ay bagsak na ang negosyo namin?” nagugulohang bulong ko sa aking sarili.
“Pa…. tama na po, pag usapn ninyo ito ng maayos.” Pakiusap ni kuya kay papa habang pinoprotektahan nito si mama.
“PWEDE BAAA.. PUMASOK KAYONG DALAWA SA SILID NINYO AT PROBLEMA NAMIN ITO NG MAMA N’YO!” bulyaw ni papa sa’min dalawa ni kuya.
“Pa… tama na po.” Pigil ko kay papa pero mabilis niyang kinalas ang pagkakayakap ko sa kanya at itinulak ako papalayo sa kanya.
Bumagsak ako sa sahig sa sobrang lakas nito at pinipigil na maiyak sa sakit ng pagkakatama ng aking tuhod sa sahig.
“Kung hindi pa ako kinausap kanina ni aling Thelma, hindi ko malalaman na tatlong buwan na pala tayong hindi nakakabayad sa renta ng ating pwesto.” Gigil na wika nito kay mama.
“AT ITOOO… ITONG MGA ITOOOOO…. LAHAT NG MGA NOTICE NG MULA SA BANGKO, SA HONDA AT MGA AHENTE NATEN….!” Sigaw ni papa sabay ang pag bato ng mga sobre kay mama.
Umiiyak na umilag lang si mama at napahawak na lang sa pader ng aming sala sa sobrang pagka guilty sa kanyang mga ginawang desisyon.
“ALAM N’YO BAAA? YANG INA N’YO INABO LAHAT NG PINAGHIRAPAN NATEN NG ILANG TAON.” Sigaw na paliwanag ni papa saming dalawa ni kuya.
“I-itoo…itong bahay na ito… may notice of eviction na pala tayo mula sa bangko, dahil isinangla na pala ng magaling ninyong INAAAA ang bahay na ito matagal na.”
Gulat kami pareho ni kuya sa mga rebelasyon mula kay papa.
“M-maaaa?.. p-pano n’yo yun nagawa?” halos pabulong na sumbat ni kuya kay mama.
“P-patawarin nyo ako mga anaaakk… a-akala ko kase…. Magagawan ko pa ng… p-paraan upang isalba ang ating negosyo.” Humahagulhol na paliwanag ni mama sa amin.
“KAYA NGA DAPAAATTT…. SINABI MO SA AKIN NOON PA PARA AKO ANG GUMAWA NG PARAAN… WALA KA NAMAN ALAM SA PAGPAPATAKBO NG NEGOSYO.” Bulyaw muli ni papa kay mama.
“AT YAAANNNN… YANG LINTEKKK NA KOTSE NA YAN… SINABI KO NA SA’YO NOON PA NA HINDI PA NATEN KAYANG KUMUHA N’YAN DAHIL GALING PA LANG TAYO SA MALAKING GASTOSAN SA PAGPAPAGAWA NITONG P*TANG INANG BAHAY NA ITO, PERO NAG PUMILIT KA PA RIN.” Dutong na bulyaw ni papa kay mama habang dinuduro ang ang walang kamuwangmuwang na kotse namin sa aming garahe.
“Bakit Tristan?... masama bang mag hangad ng konteng luho? Baka nakakalimutan mo na ipinangako mo sa akin noon na bibigyan mo ako ng magandang buhay.” Umiigting sa galit na sumbat ni mama kay papa.
“Clarise… binibigay ko naman sa’yo ng paunti-unti ahh.. pinipilit ko kahit hindi ako sanay sa hirap ng buhay, pero pinili ko ito dahil ikaw ang pinili ko kahit itinakwil na ako ng pamilya ko dahil sa’yo.” Dinudurong pag sagot ni papa sa sumbat ni mama.
“Ngayon, Tristan… isinusumbat mo sa’ken yan?” hindi makapaniwalang tanong ni mama.
“OO… DAHIL SA RELASYON NATEN AKO ANG MAY MALAKING SINAKRIPISYO… MAS PINILI KITA KAHIT AYAW NG PAMILYA KO SA’YO, KAHIT NA PINAGSAWAAN KA NA NG KUNG SINU-SINO!” galit na sigaw ni papa kay mama na may kasamang hagulhol ng iyak.
“HAYOOOPPP KA TRISTAANN…!” galit na sinugod ni mama si papa at pinagsasampal ito sa mukha.
Akmang gaganti si papa kay mama ng mabilis akong humarang dito kaya ako ang napuruhan ng malakas na sampal ni papa na para sana kay mama. Umiikot ang paningin kong bumagsak sa sahig matapos nito.
“ETHAANN!” malakas na sigaw ni mama at kuya.
Kaagad akong sinaklolohan ni kuya na puno ng pag aalala sa aking sinapit sa kamay ni papa. Maging si papa ay tila natigilan sa bilis ng pangyayre.
“HAYOOOP KA TALAGA TRISTAN… PATI ANAK KO SINAKTAN MO!” gigil sag alit na bulyaw ni mama kay papa.
“MAS HAYOP KA! IKAW NA PUUUTAA KA ANG DAHIALAN NG LAHAT NG ITO!” ganti ni papa na puno na ng galit.
“PAAAAA!” bulyaw na sigaw ni kuya upang sawayin si papa.
“A-ako p-putaaa?” halos pabulong na wika ni mama habang matiim bagang nakatingin ito kay papa at nanggigilid ang mga luha.
“Oo, Clarise… noon pa alam ko na... na lahat kami sa buong tropa ay dumaan lahat sa kandungan mo…” rebelasyon ni papa sa nakaraan ni mama.
Hindi maka imik si mama sa mga salitang binitiwan ni papa at tila nahihiya sa amin dalawa ni kuya sa mga rebelasyong ipinagtapat ni papa.
“S-so… n-ngayon, nagsisisi ka na ba T-tristaann? Na a-ako ang pinili mo?” blangkong tanong ni mama pero hindi na ito sinagot ni papa.
“Well…” buntong hininga ni mamang wika saka inayos ang nalukot na damit.
“Siguro, mas nakabubuti kung tapusin na natin ang lahat ng ito ngayon Tristan. Mas mainam siguro kung MAGHIWALAY NA LANG TAYO.” Dugtong pa ni mama kasunod ang pagtahak nito sa kanilang silid.
“MAAAA!” halos sabay na sigaw namin ni kuya kay mama.
“YAN BA ANG ALAM MONG SULOSYON SA GINAWA MONG PROBLEMA CLARISE?!” bulyaw ni papa sa papaalis na si mama.
“OO!” dumadagundong na sigaw na sagot ni mama.
“Ang kapal din talaga ng mukha mong gumawa ng problema at sa amin mo iiwan ng mga anak mo ang problemang ito?!” pigil na galit na sumbat ni papa.
“At sino naman nag sabi sa’yo na aalis akong mag isa?... ISASAMA KO ANG MGA ANAK KO!” sagot ni mama habang bahagyang tumigil sa pintuan ng kanilang silid.
“At sino din naman nag sabi sa’yo na papayag akong bitbitin mo ang dalawang bata?” ganti ni papa.
“Maaa… paaa… pwede bang wag kayong mag desisyon sa buhay naming dalawa.” Wika ni kuya na umiiyak na.
“Fine… paghatian natin ang mga bata.” Matigas na sangayon ni mama.
“MAAAA!” magkasabay na sigaw namin ni kuya.
“Mabuti, kukunin ko si Elijah.” Sang ayon naman ni papa.
“Ethan… anak, igayak mo na ang mga gamit mo at aalis na tayong dalawa ngayon gabi.” Malumanay na utos sa akin ni mama habang pinupunasan ang mga luha sa kanyang mga mata.
“SIGE NA… BILISAN MO NG KUNIN ANG MGA GAMIT MO!” sigaw na utos sa’ken ni mama.
Tigmak ng luha kong tinungo ang aming silid ni kuya upang ihanda ang mga gamit ko sa aming pag alis ni mama. Samantalang kapwa natigilan lang si papa at si kuya na pinapanuod ang aking mga kilos.
Habang isinisilid ko ang aking mga damit sa isang malaking bag ay naging matahimik ang kanina lang ay magulo at maingay naming tahanan.
Nasa kalagitnaan ako ng aking pagliligpit ng aking mga gamit ng pumasok sa aming silid si kuya. Mabilis akong yumakap na umiiyak dito at ginatihan din naman ako ng yakap nito. Luhaan din itong hinalikan ang aking noo na wala ring magawa sa mga binitawang desisyon ng aming mga magulang.
Matapos ang aming panandaliang yakapan ay pinagpatuloy ko na ang naudlot kong pag iempake ng aking mga gamit, samantalang tahimik lang si kuyang nagmamasid at tila ba may malalim na iniisip.
Nang matapos kong maempake ang aking mga gamit ay walang lingunan kong tinahak ang pintuan palabas ng aming silid pero bago pa man ako maka labas ay mabilis ang pagkilios ni kuyang nag empake rin ng kanyang mga gamit.
Sa amin ngayon ay matahimik na sala ko hinihintay ang pag labas ni mama sa kanilang silid. Inilapag ko ang aking bag malapit sa sofa kung saan tahimik na nakaupo si papa na umiinom ng beer habang nanunuod ng tv.
Hindi ko alam kung anong klaseng pagpapaalam ang sasabihin ko kay papa sa aming pag alis ni mama. Hiling ko lang na sana, na sa huling pagkakataon ay kausapin ako nito ng matino at lambingin bago kami tuluyang magkahiwalay ng landas, subalit base sa aking obserbasyon ay tila wala itong plano na kausapin ako sa kahuli-hulihang pagkakataon.
Makalipas ang ilang minuto ay nauna pang lumabas si kuya kay mama sa aming silid bitbit ang sarili nitong mga gamit, at ng makalapit na ito sa akin ay inilapag din nito ang kanyang bag katabi ng aking mga gamit.
“Than.. halika sandali, kailangan nating mag usap.” Pakiusap sa’ken ni kuya bago ito patuloy na lumabas ng pinto.
Tahimik akong sumunod kay kuya sa labas ng aming bahay kung saan naghihintay si kuya.
“K-kuya…. A-ano ang… pag uusapan naten?” malungkot kong tanong kay kuya na nakatingin sa madilim na kalangitan.
Wala ni isang bituin na matatanaw, tila pati langit ay nakikisimpatiya sa aming kalagayan ngayon at nag babadya din ang naka ambang pag buhos ng malakas na ulan.
Alam kong tahimik lang itong umiiyak habang nakatanaw sa madilim na kalangitan. Niyakap ko si kuya mula sa kanyang likuran, kaya naman ay bahagya itong umikot paharap sa akin upang mayakap din ako.
Kapwa kami nagkatitigan, parehong tigmak ng mga luha ang aming mga mata. May mga tanong akong nais malaman mula sa kanya tulad na lamang ng mga gamit na kanya din iginayak kanina.
Pero sa halip na sagot ang makuha ko sa aking kapatid ay isang mapusok na halik sa aking labi ang kanyang iginawad. Matagal, malalim, at puno ng pagmamahal at pagkasabik na akin din namang tinugon. Pinagsawa namin ang aming mga labi sa isa’t isa hanggang sa tuluyan na itong nagkalas.
“B-babeee…” panimula ni kuya na tahimik lang akong nakikinig.
“Babalikan kita.. “ patuloy ni kuya na aking ikinalito ang ibig niyang sabihin.
“A-ano ang ibig mong sabihin… b-babeee?” tila may himig na ako kung ano ang ipinupunto ni kuya.
“N-naisip kong mas mabuti kung…. A-ako ang sasama kay mamang aalis…” wika ni kuya.
“H-hindi k-kuyaaa… ayoko…” tutol ko.
“Makinig kang mabuti.. mas mabuting ako ang kasama ni mama kesa sa ikaw… babae si mama, at mahina… kailangan niya ang mag poprotekta sa kanya.” Paliwanag ni kuya habang hawak ang aking magkabilang pisngi na nakatingin sa aking mga mata.
“Hindi kuya… ayoko matira dito kasama ni papa, alam mo naman na sa ating dalawa ikaw lang ang gusto ni papa makasama.” Pantanggi ko sa mungkahi nito.
“Hindi bunso… anak ka ni papa, at ano mang mangyare ay nakasisiguro akong poprotektahan ka niya.. wala na siyang choice kung mananatili ka, ikaw na lang matitirang anak niya kaya alam kong mababago din ang trato niya sa’yo.” Mahabang paliwanag sa’ken ni kuya.
May punto din naman si kuya. Mahina ako at hindi ko kayang protektahan si mama kung kaming dalawa ang magkasamang aalis at baka mapahamak lang kaming dalawa. Pero hindi ko alam kung paano ko pakikibagayan ang aming ama na simula’t sapul ay balewala ako dito.
“P-pero kuyaa… paano na tayong dalawa..” paaalalang tanong ko sa pangambang dito na mag tatapos ang aming relasyon bilang magkasintahan.
“Babalik ako babe, babalik kami dito ni mama.. gagawan ko ng paraan upang mabuo tayong lahat sa lalong madaling panahon.” Pagbibigay saken ng assurance ng aking kapatid.
“Hihintayin kita kuya… hihintayin ko kayo ni mama.” Umiiyak kong wika kay kuya.
“Ethan.. ipangako mo sa’ken na ako lang ang mamahalin mo ha… hintayin mo ang pagbabalik ko… kase ako, totoo na ang nararamdaman ko sa’yo.” Pagtatapat sa akin ni kuya na aking ikinagulat.
“A-anong i-ibig mong sabihin kuya..?” naguguluhan kong tanong.
“Ethan… matagal na kitang gusto, alam kong mali pero wala akong pakialam.. bata ka pa lang ikaw na ang gusto ko, ikaw ang gusto kong mapangasawa kahit kapatid pa kita..kaya sobrang tuwa ko noong alukin mo ako na maging boyfriend, kaya ang mga pagtat*lik naten ay sobrang achievement na sa’ken.. Ethan… mahal kita, mahal na mahal kita at sana mahintay mo ang pagbabalik ko.” Mahabang paliwanag sa’ken ni kuya.
“E-Elijah… mahal din kita.” Wika ko na hindi ko siya tinawag na kuya at sa halip ay pangalan niya ang ginamit ko na nag pangiti ng husto kay kuya.
“Salamat, babe.. sobrang saya ko ngayon.. I mean nalulungkot din na maghihiwalay tayo… ewan, basta.. halo-halong emosyon nararamdaman ko…”
“Hihintayin kita, hihintayin ko ang pagbabalik ng BOYFRIEND ko.” Wika ko kasunod ang paghalik ko sa labi ng aking mahal na nobyo.
Sa pagkalas ng aming halikan, ay kapwa namin pinunusan ang mga luha sa mata ng isa’t isa. At bilang selyado sa aming usapan ay isinuot sa akin ni kuya ang kanyang paboritong dog tag na kwintas.
Niyakap ako ng mahigpit ng aking nobyo at walang tigil na hinalika ang aking ulo. Ramdam ko ang kanyang mga pag hikbi dahil walang tigil ang pag yugyog ng kanyang balikat at paminsan minsang pag sinok.
“Ethan anak… tara na.” rinig naming wika ni mama mula sa loob ng aming bahay.
Magkaakbay naming punasok ang aming sala sa huling pagkakataon na kami ay magkasama.
Pagkapasok ay kaagad na kinuha ni kuya ang kanyang bag na ginayak kanina. Alam kong kapwa na gulat si mama at si papa sa ginawa ni kuya.
“Ma… a-ako po ang sasama sa’yong umalis at maiiwan dito si Ethan… k-kasama ni papa.” Paliwanag ni kuya na ikinagulat naman ng dalawa.
“Sige, umalis kayo… umalis ang gustong umalis, at oras na lumabas kayo ng pinto na yan ay WAG NA KAYONG UMASANG MAY BABALIKAN PA KAYO.” Madiin na bilin ni papa kay mama at kuya.
Alam kong ayaw ni papa na may umalis kaya niya nasabi iyon. Sublit si mama ay desidido na talaga sa kanyang pasya dahil marahas niyang hinila ang kamay ni kuya palabas ng aming tahanan.
“KUUUYAAAAA KOOOOO…!” malakas kong sigaw kay kuya na nakatingin sa akin habang papalabas sila ng pintuan.