Nang mag-angat ako nang tingin ay nakitaan ko siya ng kislap sa kan'yang mga mata. Parang manghang-mangha ito at wala na ang dating awra na palaging masungit at galit. "Please, baby, don't do it again. You make me worried," masuyo nitong sabi at hinahaplos ng hintuturo niya ang nakaawang kong labi bago ako hinalikan. At hindi ko maintindihan ang mga pinapakita niyang pag-aalala sa akin. Bigla na lang siyang naging mabait sa akin na siyang ipanagtataka ko ng lubos. "Let's eat." Nakangiti niyang alok sa akin. Naninibago ako sa kan'yang mga ngiti dahil parang iba ang taong kasama ko ngayon. Hindi ako makasagot sa alok niya at nakatitig lang sa napakagwapo nitong mukha habang ngumingiti. Tumayo siya at kinuha ang nakahandang pagkain na nakalagay sa mini table ng kwarto niya. Pinagsilbihan